Part 8: Club

70 9 0
                                    

PERRIWINKLE

"IRIS! Sigurado ka bang walang pasok mamayang hapon?"

"Pa-ulit-ulit Perry? Sinabi na ngang wala eh." -Iris

"Eh bakit ka galit?"

"Hindi ako ga---"

"Hi Iris." napatingin agad kami sa nagsabi nun, sino to? Sino sila?

Nasa coffee shop (na ang pangalan pala ay 'I like you a Latte' pero joke lang, Platform 9 3/4 yung name ng coffee shop.) kasi kami ni Iris, dito nya ako inayang mag-lunch tas libre nya kaya gora ako! Anubey! Libre eh, sinong hihindi? Ni-libre ako ni Iris ng lunch kasi passing yung score ko kanina sa quiz namin sa Physics kahit na ang tanga-tanga ko daw kasi na-iwan ko yung libro ko sa locker. Ang sakit nyang mag-salita ha pero iindahin ko nalang kasi nilibre ako eh, hindi ko nga pala nasabi sa kanya na hindi ako nakapag-aral sa Physics. Hahahaha

Tas yun nga, nag-uusap kami kanina tungkol sa walang pasok mamaya then may biglang dumating na hindi ko kilala pero feeling ko kilala ni Iris. Tinignan ko kung anong magiging reaction ni Iris tas ang gaga! Gulat na gulat na parang natatae! Anong ganap ditey?

"H-hi guys. Anong ginawa nyo dito?" tense na tense yata tong babaeng ito ah, ka-ano-ano nya ba ang mga lalaking to?

"Obviously Iris, bumibili ng kape." at itinaas nung isang lalaki na may brown na buhok yung cup ng kape nya na obviously nga naman na binili nila sa coffee shop nato.

"Wa-what I mean is, it's lunch time kaya." teka! Parang nag-iba yung tono ng boses ni Iris ah? Naging ma-amo yata?

Nagpalipat-lipat lang yung tingin ko sa kanilang apat (apat as in si Iris at yung tatlong lalaki)

"Bakit Iris? Bawal na ba kami sa coffee shop nato?" sabi nung nasa gitna, sya din yung pinaka-mataas sa kanilang tatlo tas feeling ko varsity player to ng basketball, gwapo naman sya pero okay lang, di ko type.

"May sinabi ba ako? Wala naman ah." ay hala! Ang weird weird na talaga nitong si Iris, crush nya ba tong mga lalaking ito?

"Ikaw yung nasa phone ni Juniper ah?" at atlast! May nakapansin na rin sakin, teka! Ako nga ba? Pero ano? Juniper?

"Juniper? As in Juniper Ibarra?" yung red ang hair pala ang nag-salita kanina, at feeling ko magkasing height lang kami nito, yung mga tipong 5'6 HAHAHAHAHAHA Charot lang, maliit nga pala ako tapos cool, coolang sa height 😞.

"Oo, sya nga." pano ba ako napunta sa phone ni Jun eh nandito ako sa coffee shop?

"Ikaw yung kaibigan nila na babae no? Ikaw si Alferez, yung bagong bestfriend ni Madam. Pfft." at grabe naman makapag-pigil ng tawa itong brown haired creature nato. 😒

"Bakit? Anong meron sakin?" sino ba kasi tong mga mukhang adik na lalaking ito? (Pero joke lang! Mga gwapo naman sila pero sabi ko nga, di ko type kaya mukhang-adik sila sa paningin ko)

"Ngayon ka lang kasi namin nakita sa personal, sa picture ka lang kasi namin nakikita. Dun nga sa phone ni Juniper." pag-e-explain nung red hair addict sa una nyang sinabi kanina, sya yung nakapansin sakin. Aah wait! Na-alala ko na, cellphone nga pala ni Jun yung hinihiram ko kapag napag-ti-tripan kong mag-selfie kaya malamang mukha ko lahat yung nasa gallery nya. Maganda kasi kaya ganyan. 😪😪.

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon