Part 11.3: Signature

40 9 0
                                    

PERRIWINKLE

"ANG daya mo naman Fern! Nilingat mo ko eh!!" sigaw ko dun sa kalaro kong si Fernando Amorsolo pwede na ring Fernando Poe Jr! Charot lang! Hahahaha

"Kasalanan ko ba kung tanga ka? Hahahahah" at humagalpak sya ng tawa, baliw na si Fern.

"Gagu, below the belt ka na ah." at binatukan ko sya ng malutong. Hahaha, buti nga, makasabi kasi ng tanga eh.

"Sorry naman." at minasahe nya yung ulo nyang nabatukan ko.

Gabi na kami nakarating ni Sage sa San Sebastian kasi hinintay pa namin sila Tita na maka-uwi galing sa Batangas, hapon na kasi sila naka-uwi at kinuha pa namin yung allowance namin at isang mabait na nilalang si Tita at Tito kaya pinahatid kami sa driver nila dito sa San Seb, pambawi daw sa hindi nila pag-sama samin sa Batanggas. Mga past 6 pm na kami nakarating sa San Seb kaya hapunan na ang inabutan namin. At habang nagluluto si Bone ng uulamin namin para sa hapunan ay inaya ko itong si Fern na maglaro ng chess. At ngayon nga talo na ako kasi mandaraya sya, pero joke lang. Chess master kasi yung inaya kong maglaro kaya ganun ako mag-reklamo! Problema nyo ba?!

"Fern, sino na babae mo ngayon?" inaayos nya na yung mga chess pieces at niligpit na. Humarap sya sakin at binigyan nya ako ng isang nakakalokong ngiti.

"Ang judgemental mo naman Perry, kaka-warm up ko pa nga lang sa bago nating school inisip mo agad na may babae na ako. Tsk tsk, judgemental talaga nitong si Perry." nagpalingo-lingo pa sya ng ulo.

"Nge, ang hina mo pala Fern eh."

"Ay sorry naman, nahiya naman kasi ang karisma ko sayo no?" luh? Bakit napunta sakin?

"Luh? Ano namang kinalaman ko sa napapalya mong karisma ha?" sumandal ako sa sofa at wala lang, teka nasan ba yung tatlong ugok?

"Kilala mo ba si Fire Barreto?" -Fern

"Who dat?" wala naman kasi akong kilalang Fire Barreto, sino ba yan?

"Di mo kilala? Sikat kaya sila sa school natin."

"Aba malay ko! Wala naman akong pakialam sa mga sikat-sikat dyan sa school natin."

"Arte nito! Sabi nya kasi Hi."

"Edi sabihin mo din sa kanya 'Hello! At wala akong pakialam sa kanya'" inirapan ko sya at pumuntang kusina para tulungan si Bone sa pagluluto.

"Kawawa naman yung tao, di mo pa nga nakikita busted na." sabi ni Fern na na-iwan sa sala.

"Busted nga yung si Iron na madami ding nagkakandarapa at matagal ng kilala nitong si Perry, yan pa kaya? Hahaha" sabay tumawa si Bone at Fern sa sinabing iyon ni Bone, problema ng dalawang ito?

Hindi ko nalang pinansin yung dalawa. Di naman kasi talaga kapansin-pansin. Binuksan ko nalang yung ref, ang tagal naman kasing magluto nitong si Bone, iinom lang ako ng--- eh? Bakit wala? "Bone, ubos na ba ang gatas dito sa ref?" chineck ko ng maigi yung loob ng ref, pati nga ang freezer section nito chineck ko rin, pero wala talaga eh.

"Tanungin mo yung kalaro mo ng chess kanina, kahapon nya pa inubos yun." sinamaan ko ng tingin si Fern na prenteng naka-upo at kumakain ng chichirya, futa! Maghahapunan na kumakain pa sya.

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon