Part 15: Student Assistant

44 9 0
                                    

PERRIWINKLE

"TWINKLE! Alam mo ba kung anong favorite song ko?"  tanong sakin nung isang bata

"Hindi ko alam, ano ba yun?" naglalaro kami sa isang parke. Yun ang nalalaman ko sa ngayon.

🎵"Twinkle, twinkle little star, how I wonder what you are.

Up above the world so high

Like a diamond in the sky."

Kinanta nya yung kantang yun na may kasama pang pag-sayaw.
"Bakit naman yan ang paborito mong kanta?" nakatayo sya sa harap ko habang ako ay naka-upo lang at nakatingin sa kanya.

"Kasi nandun yung pangalan mo eh. Hahahaha" at humalakhak sya ng napakalakas

"Kuya ang ingay mo naman." napatingin agad ako sa batang babaeng katabi ko.

"Maglaro ka na nga lang dyan Van, nag-uusap kami ni Twinkle eh." naka-ngusong sabi nung lalaking nasa harapan ko. Hindi ko maintindihan kung anong pinag-uusapan nila. Kaya hindi ko nalang muna pinansin.

"Mga bata! Kukunin ko muna si Twinkle nyo ha? Kailangan nanaming umuwi eh." tinignan ko ang kararating lang na si Tatay at agad ko naman syang niyakap ng mahigpit. Tinignan ko rin yung dala---tatlong taong kasama ko sa paglalaro. May isa pala akong hindi napansin. Kanina ko lang sya nakita at sobrang tahimik nya kaya di nya nasabi ang pangalan nya pero tinawag sya kanina nung babaeng kalaro ko na Risha

"Ay sayang naman po. Pero babalik kayo Tito ha? Ibabalik nyo po si Twinkle." sabi nung batang lalaki

"Oo naman Vanjoe, ibabalik ko sa inyo si Twinkle. Bukas na bukas." nagpa-alam na ako sa kanila at binuhat naman ako ni Tatay. Sumakay kami sa isang motor, pina-suot nya sakin ang helmet nya at doon nya ako pinasakay sa harapan nya.

Madilim na ang daan nung maka-alis kami sa bahay ng mga kalaro ko. Habang nasa daan kami ay biglang may nakaka-silaw na ilaw si gilid ko at AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH.

Napabalikwas ako ng bangon sa napanaginipan ko, habol-habol ko ang hininga ko habang tinitignan ang orasan sa cellphone ko. 4:15 am palang.

Okay, ano yun? Bakit ganun yung napanaginipan ko? Ako ba yung bata? Panaginip ba yun? Parang totoo kasing nangyari sakin eh, kung totoo man bakit hindi ko ma-alalang nangyari sakin yun? Bakit nandun si Tatay? Sino si Van? Si Vanjoe? Si Risha? Sino sila?

Bago paman ako ma-iyak sa ala-alang iyon na napaniginipan ko si Tatay ay lumabas na muna ako ng kwarto at dumiretsong kusina para uminom ng tubig. Madilim pa kasi, madaling-araw palang at paniguradong tulog pa ang mga lalaking yun. At panigurado ding hindi na ako makakabalik ng tulog. Kaya na-isipan kong lumabas at mag-jogging pero syempre nagbihis muna ako ng pang-jogging na attire no. Ano yun? Naka-pajama ako tas magja-jogging? Hahahahaha k dot.

First time kong magja-jogging dito sa San Sebastian, hindi ko pa nga pala nalilibot ang kabuuan ng San Seb pero sana soon malibot ko to. School, apartment, at ang mga malalapit na establishment lang sa apartment namin ang napupuntahan ko eh.

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon