Part 20

61 7 1
                                    

GLORRILAE VANESS

"MISS Lae, nandito po yung mga kaibigan ni Sir Glad."


Napahinto ako sa paglalakad at tinignan yung maid na pumigil sakin. Hindi pa nga ako nakakarating sa study room ay may bago nanamang dumating.


Napataas yung isang kilay ko sa sinabi nya.


"Nasan ba kasi si Kuya? Hindi pa ba bumabalik?" medyo iritado kong sabi. May ginagawa kasi ako tas mambubulabog yung mga walang-hiyang kaibigan ng Kuya ko. The hell!


"H-hindi pa po kasi nakakabalik Miss eh." naka-yukong sabi nung maid.


Napa-hawak nalang ako sa may sentido ko at bahagyang napa-pikit.


"Please call him and paki-sabi nalang kay Ate Pebble na sya muna mag-asikaso sa mga yon. May ginagawa pa ako." at iniwan ko dun ang maid na nakanganga. Nagulat siguro sa dire-diretso kong pagsasalita. Pagkarating ko sa study room ay tanging si Ledesma pa rin ang naabutan ko sa room. Mas nagsalubong ang kilay ko sa nakikita ko. "Where is she? Hanggang ngayon ba hindi pa rin sya nakakabalik?"


Ang tigas talaga ng ulo nung Alferez na yon.


"Relax lang madam, nag-punta lang syang CR. Andyan na nga pala sa table mo yung pinapahanap mong libro."


At tinuro ni Ledesma yung table ko, agad ko naman itong nilapitan at chineck ang libro.

NOLI ME TANGERE AT EL FILIBUSTERISMO: ANG PANANALIKSIK

Ni: Dr. Fitzgerald V. Chase


Bahagya akong napangiti sa hawak kong libro. Eto yung librong pinagmamalaki ng ninuno namin. Inilathala ito noong 1901 at mabusising pananaliksik ang ginawa ng great great great --whatever grandfather namin na si Fitzgerald. Lolo sya ng lolo ni lolo ko. Basta yun na yon!

Isang amerikano ang ka-lolo-lolohan namin pero naglaan pa rin sya ng pananaliksik tungkol sa dalawang sikat na libro ni Dr. Jose Rizal. English ang first language nya pero purong tagalog ang ginamit nyang lenggwahe para sa paggawa nya sa librong ito.

Na-kwento rin ng Grandpa namin na our great great Lolo was a good friend of Dr. Jose Rizal and he dedicated that research book to his late friend which is Dr. Rizal in honor of his death for the Philippines.

Umupo ako sa bangko ko and scan the book. Medyo luma na sya pero matibay pa rin ang pagkaka-gawa ng libro.

Hindi naman sya masyadong maalikabok kasi sinisugurado ng Tita Ferlina namin na palaging malinis ang libro sa library ng bahay. Nagkataon lang talaga na pinapagawa ang library ngayon kaya nasa attic ang mga ito.

Si Tita Ferlina Chase ang namamahala na ngayon sa mansyo'ng tinitirhan namin. Sya rin ang nag-aalaga sa amin at sya rin ang kasalukuyang Principal ng Melancholy University. Dahil na rin sa pag-aalaga nya samin ay hindi na sya nakapag-asawa.

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon