PERRIWINKLE
"KAYA pala nasabi mong pihikan ka sa babae kasi simula palang bakla ka na palang bruha ka." Natatawa kong sabi sa kanya. Nandito na nga pala kami sa Platform 9 3/4 Coffee Shop. Gaya nga ng sabi ni Blood kanina, libre nya ang snacks namin kaya dinalawa ko yung order ng red velvet at isang extra large na iced coffee ang inorder ko. Libre eh? Aayaw pa ba akis? 😂😂
"See, I told you. It's so unbelievable." Sabi nya sabay higop nung hot choco na inorder naman nya. Nahiya naman ako kasi yun lang talaga inorder ni shokla.
"Ambelibabol talaga." Di makapaniwalang sabi ko "Pero tatanong ko lang kung sinabi ba sayo ni Heather kung pano nya nagawa yung gayuma sayo?" Kyuryus kasi talaga ako eh, pano nga ba talaga?
"Bakit? Magpapaturo ka ba?" Sinamaan ko sya nang tingin, kaya natigilan din sya sa paghagikhik "Actually dun ko lang din nalaman na isang faith healer ang great grandlola niya and her cousin told me na she just stole the book where the ingredients and the steps on how to make a love potion was located."
"Hala seryoso? Alam mo rin ba kung bakit ka nya ginayuma?"
"Yes, and that's because she fell in love with me. At that time, kalat na kalat talaga na isa akong shokla kasi bukod na ako lang ang umamin na isa akong bakla ay hindi talaga uso yang ganitong lahi dito teh. Kaya she did that para makuha siguro ako. Well that's what she said to me." Kibit-balikat na sabi nya at eto namang si ako ay taimtim na nakikinig sa kanya.
"Grabe pala ma-inlove ang isang yun, mabuti tanggap mong naging syota mo yun." Sumandal ako sa couch at pinapak ang red velvet na hawak-hawak ko talaga ang platito nito.
"Nangyari na eh, hindi ko na mababago tsaka may pinagsamahan din naman kami nung tao kaya I care for her tho. She's like a sister to me."
"Ikaw na talaga Blood, ikaw na gwapo---"
"PERRY!"
😲
Nung marinig ko yung pangalan ko na tinawag ng isang pamilyar na boses ay agad akong tumingin sa may entrance ng coffee shop.
😩😵
Sabay-sabay silang lumapit sa pwesto ko at dun ko lang din nakita na kumpleto pa talaga ang mga ugok. 😐
"Oh? Anong ginagawa nyo dito? Wala kayong org meet-up?" Pa-inosenteng tanong ko sa kanila. Sinusubukan kong itago yung takot sa mukha ko--- takot sa kanila kasi halata sa mga itsura nila na galit sila--- lalo na si Sage.
"PERRIWINKLE!!"
😲😩
Sabay-sabay ulit kaming tumingin sa entrance ng coffee shop nung may tumawag nanaman sa pangalan ko 😑. Masyado yata silang nawili sa pagtawag sakin sa pangalan ko ah. Lumapit kaagad si Iris sa pwesto namin matapos nyang isigaw yung buong first name ko sa may entrance ng coffee shop, kesohadang maka-eksena lang talaga itong babaeng ito eh.

BINABASA MO ANG
Walang Tatawa (Upgrading)
HumorWelcome to MELANCHOLY UNIVERSITY where everything is legal except for one thing: LAUGHING IS NOT ALLOWED.