Part 5

74 12 1
                                    

JAPETHER


"Hihintayin pa ba natin si Perry?" tanong ni Bone habang nakaupo sa pavement malapit sa main gate ng campus.

"Bakit kasi naka-off ang phone n'ya?"

Isa pa 'tong praning. Pero reasonable ang pagiging praning niya kasi pinsan nga naman niya ang pinag-uusapan dito.

"Puntahan na kaya natin sa detention room? Baka napaano na 'yon doon."

Ito 'yong praning na hindi reasonable. Bigla-biglang napa-praning pero nau-ulol naman kapag kaharap niya. Nag-iiba ugali. Praning nga'ng talaga.

"'Di ba sinabi kanina na off-limits ang SOC building basta Mondays to Thursdays? Puwera na lang kung isa ka sa mga President ng isa mga org dito," pagpapaalala ko sa kanila.

Matapos ang first period namin kanina, agad na kumalat ang usapan sa buong campus na may napatawan na raw ng warning number one. Mabilis kumalat ang usapang iyon. Wala na sana akong pakialam sa balitang iyon pero nang sabihin nilang isang babae at transferee pa raw, doon na ako kinabahan. Kaming lima actually ang kinabahan.

Nakita rin namin si Perry kanina na naglalakad kasama ang Madam President ng school na ito. Doon na-confirm ang usapan.

Sabi na madadali ang isang 'yon, eh.

Gusto namin siyang puntahan kanina pero hindi magkaayon ang class schedule namin sa kaniya. May klase kami, siya naman ang wala. At kung siya naman ang walang klase, kami naman ang mayroon. Mas lalo na kaninang lunch time kasi hindi rin sabay ang lunch period namin. Mas una lunch period namin kaysa sa kanila. Mas maaga 'yong amin.

Hindi ko alam pero parang sinasadya ng school na hindi magpang-abot ang girls at boys. Magkahiwalay pa ng section. Ang weird na 'di ba?

Sa mga impormasyong nakalap namin kanina, nalaman namin na hanggang five PM lang ang detention hours ni Perry. Six-thirty na po ng gabi pero hindi pa rin lumalabas ng school na 'to si Perry.

"Baka nalingat lang tayo at nasa apartment na pala siya ha? At saka, baka nakakalimutan n'yo, magaling tumakas ang isang 'yon. Parang pinaglihi sa ninja, eh."

Lahat kami napatingin kay Fern dahil sa sinabi niya. Agad akong sumang-ayon sa sinabi niya. Baka nga nalingat lang kami.

"Uwi na lang tayo. Baka nga nasa apartment na pala 'yon. Edi para tayong tangang naghihintay dito kung nandoon na nga," pangsang-ayon din ni Sage sa sinabi ni Fern.

Umayos na ako sa pagkakatayo at inayos na rin ang sarili ko para makaalis na kami rito. Maya-maya lang lalamukin na kami kahihintay dito.

"Fern, hindi alam ni Perry ang lugar na ito. Baka naligaw na ang isang 'yon."

"Mag-relax ka nga muna, Jun. Aminadong bobita ang isang 'yon pero hindi naman siya ganoon ka-tanga para mawala sa ganito kaliit na ciudad. Mabuti pa talagang umuwi na lang tayo para ma-check natin kung nandoon na ba talaga siya."

Forte ni Bone ang pakalmahin ang lahat and he's quite good with that kaya dahil sa mga sinabi niya, napapayag nga niya si Jun na sumama na sa amin pauwi.

Ito talagang si Jun, napaghahalataan. Praning kung praning kung wala ang babaeng iyon pero kung nand'yan naman, daig pa bato sa sobrang tigas ng nararamdaman at talagang sinusupalpal pa ng mga below the belt lines niya. Dyaheng feelings 'yan, minsan hindi ko maintindihan, eh.

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon