PART 28

34 6 0
                                    


PERRIWINKLE

Nagpa-lipat-lipat sa tatlong tao ang tingin ko. Naguguluhan ako kung kaninong mata ang sasalubungin ko kasi ramdam at alam kong nakatingin silang tatlo sa akin. Parang nilamukos ang puso ko, parang tumalon sa tuwa ang puso ko, parang na-inis ang puso ko. Lahat nang iyon ay nararamdaman ko ngayon at dahil yon sa tatlong iba't-ibang tao.

Hindi ko alam na possible palang maramdaman ng isang tao ang iba't-ibang klaseng emosyon sa iisang pagkakataon.

Pero imbes na salabungin ang tingin nila ay mas pinili kong mag-iwas ng tingin at itinuon sa ibang bagay ang paningin ko. Huminga ako nang malalim at bumalik ako sa dinaanan ko kanina.

Lalabas ako, iiwas ako sa mga taong iyon.

"Saan ka pupunta?" pero bigo ang naging desisyon kong umalis sa lugar na iyon dahil sa isang taong pumigil sa akin.

Parang huminto ang buong sistema ko noong maramdaman kong may naka-hawak sa kamay ko. Hindi muna ako lumingon at isina-isip kung kaninong boses ang nag-sabi non.

Juniper...

Saktong pag-lingon ko sa kaniya ay ang tuluyang pag-hawak niya sa kamay ko. Hindi lang bastang hawak-kamay, kundi holding hands na, yung entertwined na talaga.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, masyadong halo-halong emosyon na ang nadarama ko ngayon tapos dadagdag pa itong si Juniper.

Marahan niya akong hinigit papunta sa counter kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanilang dalawa. Pinukulan ko ng tingin ang isa pa naming kasama na si Bone at gulat na gulat ang ekspresyon niya sa mukha habang nakatingin sa kamay namin ni Juniper. Gusto kong kumawala pero hindi ko magawa dahil masyadong mahigpit ang pagkaka-hawak niya at mukhang wala na akong lakas para bawiin pa ang kamay ko dahil sa emosyong nararamdaman ko ngayon.

Hinayaan kong sila Juniper at Bone na ang mag-order ng mga kailangang bilhin namin.

Tahimik akong naghihintay sa gitna nilang dalawa at kahit hindi ko lingunin ang pwesto nila ay alam kong nakatingin sila sa akin. Ramdam na ramdam ko ang mga tingin nila sa akin. Ramdam na ramdam dahil nanunuot yon hanggang kaluluwa ko.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Juniper, mariing pumikit, at bumuga nang napaka-lalim na hininga bago iminulat ang mga mata.

Naramdaman kong tinugunan ni Juniper ang paghigpit ng hawak ko sa kamay niya kaya napatingin ako sa kaniya pero hindi man lang siya nakatingin sa akin dahil abala siya sa pakikipag-usap sa babaeng nasa cashier.

Ayoko munang isipin ang inaasta mo ngayon, ayoko kang idagdag sa bumabagabag sa akin ngayon. Please not now kasi naguguluhan ako kung sino ang una kong iisipin kaya ayaw kitang idagdag, alam kong walang malisya itong ginagawa mo, gusto mo lang pagaanin ang bigat na nararamdaman ko.

Matapos sabihin ang mga order ay naghintay muna kami ng ilang minuto para sa order namin. And swear, parang feeling ko isang taon kaming naghintay sa order namin kahit ilang minuto lang naman ang nagdaan. Ganon kagulo ang isipan ko dahil gusto kong lapitan si Grey at itanong sa kaniya kung bakit nandito siya ngayon... at kung bakit kasama niya siya.

Pero naka-hawak si Juniper sa kamay ko at kahit i-deny ko pa – nakaramdam ako ng kaginhawaan noong hawakan niya ang kamay ko.

Habang naghihintay sa order namin ay naghihintay din ako na lumapit si Grey sa amin, naghintay ako pero hindi nangyari.

Ayan Perry, assuming ka na naman, akala mo naman ikaw talaga ang pinunta ni Grey dito? Asa ka pa! Sinabing pakitang tao lang ang ginawa niya kagabi e!

Walang Tatawa (Upgrading)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon