"If you believe in gravity, you already believe
in something higher than yourself."
― Chelsey Philpot, Be Good Be Real Be Crazy
UNO
"BAKIT KA nandito?" bulong ko sa sarili ko.
Sandali. Bakit nga ba 'ko nandito?
Isang tanong na ang simple lang naman sagutin. Kaso minsan ang hirap. Para bang may mas malalim pang kahulugan. Tao ka. Oo, nandito ka. Pero bakit? Katulad ng milyon-milyong bituin na 'di naman natin hiningi, bakit pilit pa rin sila lumilitaw? Malayo. May ningning. Pilit ginagawang signos o magandang hudyat.
Ang tao 'pag tumatalon, tuloy ang bagsak ng mga paa sa lupa. 'Di katulad ng kwitis na tinatakasan ang grabidad ng mundo. May apoy sa dulo nito na kayang hilain ang sarili pataas, palayo sa pababang mundo.
Wala namang apoy ang tao. Bukod sa lintik na passion na walang kasiguraduhan.
Isa pa, grabidad nga ba ang humahatak sa lahat para bumaba? Hindi ba't tayo-tayo rin naman? Tayong mga tao at mga expectations nating napakataas. At sa dulo, tingin natin ay nasa baba tayo dahil lang 'di tayo makalipad. Na para bang nakalimutan natin na wala tayong mga pakpak.
Nandito ka kasi tanga ka, Nicky. 'Yon na 'yon.
Pinigilan kong huminga habang sinusubukang umakyat sa bakal na hagdanan. Pero kahit anong pigil ko, amoy na amoy 'yong baho ng kanal.
Oo, nasa may imburnal ako. Oo na, kasalanan ko na 'di ko nakita 'yong butas na inalis 'yong pinto sa suwelo.
Sabado ngayon kaya walang masyadong tao dito sa school. Hindi ko alam kung swerte ba ako o malas dahil do'n. Buti na lang at 'di masyadong malalim 'yong imburnal.
Bawat hakbang ko pataas, mas lumiliwanag ang paligid ko. Para bang kukunin na ako sa langit. Kulang na lang ay anghel na mag-aabot ng kamay para dire-diretso na. Nang natanaw ko na 'yong daan, napapikit ako dahil sa sikat ng araw.
"Shit."
Oo na, amoy akong shit. Oo na nga. 'Di naman kailangan iparinig sa 'kin.
"Are you okay? Miss? Wake up!" May lalaking boses na pilit na nag-iingay sa paligid ko.
Napabukas ako ng mga mata. Dahan-dahan. Na para bang kamulat ko, darating na 'yong anghel na pinadala galing langit.
"Here, I'll pull you up," sambit pa niya bago hawakan 'yong kamay kong nakaantabay sa semento. "1, 2, 3, hup!" Sumabay na ako sa paghila sa sarili ko paakyat bago ko napagtanto lahat-lahat ng nangyari. Masyadong napalakas ang hila niya kaya nagkabanggaan pa kami. Napaatras ako nang makitang narumihan din 'yong uniporme niya.
Suminghap ako. "Hala, sorry..."
Pagkataas ng tingin ko sa lalaking anghel na tao pala, 'di ko mapigilang manlaki 'yong mga mata ko.
Genesis?
Wait. Ba't nandito siya?
Genesis... Siya si Genesis Aeron Molin. Ang first crush ko noong grade school ako. At siguro pati na rin ang first love ko. Guwapo kasi siya at matalino. Never man kami nagkausap, ang ganda pa rin niyang titigan sa malayo. Ang kaso lang ay isang araw, nalaman ko na lang na nangibang bansa na siya.
Dahil din sa kanya, nanlumo ako at 'di na ulit nagkaro'n ng matagalan na crush. Akala ko kasi parang sa pelikula ang buhay noon. Na 'pag ginawa mo lahat para magpapansin, papansinin ka niya. Sasabihin niya na longtime crush ka rin niya. Tapos, ta-dah, asawa mo na siya.
BINABASA MO ANG
Escaping Gravity ✔
RomanceHow long does it take for one to escape gravity? Or to put it simply, how can I escape from falling for you?