VIA POV
" hi via"- nanindig yung balahibo ko ng marinig ko nanaman ang boses nito..
.hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. .."Bakit nandito ka nanaman childish ha?!"- tanong ko
" wala akong makausap eh!"- sagot niya.
Sandali kumuha ako ng piso sa bulsa ko.kinuha ko ang palad niya at nilagay iyon.
"Anong gagawin ko dito.?"-tanong niya
"Bumili ka ng kausap mo!-" saka ako naglakad palayo sakanya..
Si zadger talaga ang pinakakinaiinisan ko sa lahat ng kaibigan ko...kahit nag iisip bata siya minsan. Pilyo,pasaway,nakakainis , yun parin yung dahilan kung bakit napapangiti ako ..yun din yung dahilan kung bakit kinikilig ako kapag nasa paligid siya .
KENNIE POV.
habang naglalakad ako sa hallway ay biglang may bumangga sakin...
Nagtaka ako dahil naka jacket itong color black at nakahood....base sa katawan nito ay babae siya.."Ah excuse me? Ok lang ba?"- tanong ko dito. Pero nanatili parin itong nakuyuko ..
Tumango ito at naglakad palayo ...
Ang weird naman nung babae na yun ..Nagpunta ako sa library dahil balak kung magbasa ng libro...
Pero bigla akong nakaramdam ng antok...
Kaya umidlip muna ako.'Safiston?'- bigla akong nakaramdam ng kaba.ngumiti ito sakin na parang demonyo..
'Diba patay ka na?"- tanong ko.
Humalakhak ito..'Oo nga patay na ako ..pero hindi ibig sabihin nun ay tapos na ang lahat.hindi nga siya makapangyarihan pero sisiguraduhin kung siya ang sisira sainyong magkakaibigan '
'Anong ibig mong sabihin?'-.sa halip na sagutin ako nito ay tumalikod na ito
'Safiston!'- paulit ulit na tawag ko dito.
" KENNIE WAKE UP!"- agad akong napamulat ng mata sa sumigaw...
Panaginip lang pala.O_O
"Haze?? Anong ginagawa mo dito?"- tanong ko.
" hinahanap ka"- tipid niyang sagot.
"Bakit ?"-
" ewan ko"- sagot niya sabay talikod.
Ano bang problema niya..hinanap niya ako ng walang dahilan?? Nababaliw na ba siya?
"Hoy haze hintayin mo ako"- sigaw ko
" tsk ..bahala ka diyan"- sabi niya at tumakbo na.kaya tuluyan na akong naiwan..
Arggghhhh ang sama talaga ng ugali nun...
Pagdating ko sa condo ay nandun na si haze ...nakaupo siya habang naka cross arm at tinaasan ako ng kilay..
"Bakit ang init nanaman ng ulo mo ha?!kung sabagay lagi naman mainit ulo mo eh bakit ko pa nga pala tinatanong"-at pumasok na ako sa banyo para magbihis ng pang bahay..
" paanong hindi iinit ang ulo kung ang kasama ko sabahay eh wala dito para tumulong sa mga gawain..at tsaka isa pa.jsjabbnxjsia"- hindi ko na narinig yung huling sinabi niya dahil mahina na iyon..
Paglabas ko ng banyo ay nandun ay nakaupo parin si haze sa sofa ..napatingin ito sakin tinaasan ko naman siya ng kilay at tinalikuran siya.
"Dun ka na sa kwarto matulog "- mabilis akong napatingin sakanya..
BINABASA MO ANG
The 10 Chosens
Mystery / ThrillerThis is my first completed story...sana po basahin niyo... . Salamat!!!!