chapter 24

68 1 0
                                    

KHALIL POV.

Habang papunta ako sa canteen ay nadaanan ko sa hallway sila haze at kennie

Naguusap sila..
Naisipan kung panoorin muna sila..

Nang biglang niyakap ni kennie si haze.

Napangiti ako.

Simula't sapol palang ay alam ko nang may gusto si haze kay kennie..

Nag twinkle twinkle kaya yung mata niya nung unang makita niya si kennie sa boys room hahaha..
.
Sa totoo lang hindi naman talaga ako galit kay kennie..
Kaya ako lumalayo sakanya kasi nakikiuso lang.hahahaha .
At yung apat na babae alam ko naman mawawala din yung galit nila kay kennie..masyado lang sila naging mababaw..

Pero kung hindi talaga si kennie yung kumuha ng kantang kinompose ni kate eh sino?? At bakit yun nasa locker ni kennie..sino yung gumawa nang pagkuha sa mga cellphone ng mga kaklase ko na napagbintangan ay si kennie...at isa pa nasan si mark???

Ang daming tanong sa isip ko..pero hindi ko mahanap ang sagot..

Napakamot nalang ako sa ulo bago dumiretso sa canteen..

KENNIE POV.

'Kawawa naman si joshua noh? Kaya pala siya nawawala kasi patay na siya'- rinig kong sabi ng isa sa mga kaklase kung babae

'Oo nga sino kayang pumatay sakanya? Napakawalang awa naman nun'- pagsang ayon pa ng iba kung kaklase.

'At alam mo ba na may isa nanaman na nawawalang babae'.napatingin naman ako sa nagsalita..

May nawawala nanaman???.

'Ano?grabeh naman yan!! Ano daw pangalan nung babae?'

'Balita ko jane daw ang pangalan..section E siya '

"Ah..sana mahuli na yung pumatay kay joshua noh?!'

'Oo nga'

Dumiretso na ako sa upuan ko at nahimik...

Kagaya kahapon ay may nakita ulit ako sa labas na tao..pero hindi na yung lalaki kahapon .yung babae naman..

Maputi ito naka kulay white na damit at kumakaway sakin..
Gaya din nung lalaki ay nagsalita ito ng walang tunog..

Pero hindi ko parin maintindihan .
Maya maya ay tumakbo na ito paalis

Weird..

" classed dismiss "- rinig kong sabi ng teacher namin..

Hay salamat natapos na.

Nakayuko akong lumabas kaya hindi ko napansin na may mababanga pala ako..

" sorry "- sabay na sabi namin..pinulot ko yung mga gamit na nahulog niya nang may nakita akong isang litrato ng lalaki..

Pamilyar yung mukha niya..alam ko na siya yung lalaking nakita ko kahapon sa may bintana ng classroom namin..

"Miss sino tong lalaking nasa picture?"- tanong ko dun sa babae....napansin kong lumungkot yung mukha niya at teary eyed narin siya..

" boyfriend ko..si-si joshua.."- sagot niya na parang iiyak..

"Ah nakita ko siya kahapon ah. "- sabi ko nalang..

." nakita mo kahapon??.patay na siya .mga ilang araw na ang nakakalipas ."- sabi niya habang umiiyak..

Biglang nanindig yung mga balahibo ko..
Paanong??

"Pero sure akong siya yung nakita ko"

"Nagkakamali ka..mga apat na araw o kaya limang araw na siya patay."- paliwanag niya

" pero--"-

"Tama na pleaseee nasasaktan na ako sa pagkawala niya ..wag mo na akong kausapin tungkol diyan."- at tumakbo na siya papalayo..

Ibig sabihin multo yung nakita ko?
Hindiii..wala naman akong third eye eh..

Pauwi na ako sa condo nang may naramdaman akong nakamasid sakin..
Lumingon ako sa kanan at nakita ko dun ang isang babaeng naka ngiti..
Siya yung nakita ko kanina sa labas ng classroom namin..ginawa rin niya ying ginawa niya kanina..nagsalita siya ng walang tunog at tumakbo.napagdesisyunan kung habulin siya.

" wait lang miss "- sigaw ko..wala ng tao sa hallway nun..kaya malaya akong nakatakbo...
Nakita ko siya lumiko sa mapunong parte ng school pero hindi parin ako tumigil sa pagsunod sakanya.

Maya maya lang tumigil ito sa tapat ng pader na maraming sulat.

Tinignan ko lang siya na may pagtataka..

Ngumiti ito sakin ..nanlaki ang mata ko ng lumabas sa likod ng pader ang isang lalaki.natakot ako ng makita yun.

" joshua?"-.gaya nung babae ay ngumiti din siya sakin..

"Akala ko ba patay ka na?"- tanong ko..
Pero hindi niya ako sinagot. Tumabi siya dun sa babae..

Then next is nag iba yung ngiti nila sakin.naging weird.

" tulong"- sabay na sabi nila at bigla nalang silang napalibutan ng dugo..

O_O

"Kyahhhhhhhhhhhh"-

The 10 ChosensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon