FATED 8

5K 92 19
                                    

Nakauwi ako ng bahay na buhay. As in buong-buo pa ang bawat parte ng katawan ko. Puso ko lang ang abnormal!

Ewan ko ba kay Lester kung bakit aligaga siya kanina. Parang bigla nalang naging mainitin ang ulo niya may dalaw ata.

"Hi Mom-- Oh hi Tito" Bati ko nang makita kong nasa sala silang dalawa lumapit ako at hinalikan sila sa pisngi.

"How's your day?" Tanong ni Mommy.

Nginitian ko siya at yumakap.

"Okay lang po Mommy, medyo pagod lang po" Sabi ko.

Hinaplos ni Mommy ang buhok ko at hinalikan ako sa ulo. Humiwalay ako kay Mommy at sumenyas na aakyat ako sa kwarto.

"Magdinner kana anak" Sigaw ni Mommy nang mabilis akong pumanhik sa kwarto.

Napahinto ako nang nakalimutan ko ang bag ko sa kotse ni Lester.

Nga naman.

Me:
Pupunta ako condo mo. Nakalimutan ko 'yung bag ko sa kotse mo.

Text ko sakanya at mabilis na pumasok sa banyo. Bumaba ako pagkatapos kong mag-ayos.

"Kumain kana anak, may nakahain na sa lamesa" Sabi ni Mommy saakin.

"Salamat po, Mommy ko" Niyakap ko muna siya bago ko sila iniwan ni Tito sa sala.

Pumanhik ako sa dining area at kumain ng hinandang pagkain ni Mommy.

Nang matapos akong kumain ay niligpit ko ang pinagkainan at hinugasan na rin, kawawa naman ang Mommy ko kung pati pinagkainan ko aasikasuhin niya pa.

Pagkatapos kong punasan ang kamay ko ay dumiretso ako sa sala. Magkatabi sa sofa si Mommy at Tito. Lumapit ako at umupo sa pang isahan na sofa.

"Mommy pupuntahan ko po si Lester, nakalimutan ko ang bag ko sa kotse niya" Paalam ko kay Mommy.

"Gabi na anak, ipagpabukas mo nalang 'yan" Sagot ni Mommy.

" Mommy may kailangan po ako sa bag ko" Paliwanag ko. Okay lang na ipagpabukas ko na 'yun ang kaso may kailangan ako at mahalaga iyon.

Pumayag si Mommy sa gusto kong mangyari. Pinahatid niya na lang ako sa driver ni Tito.


Lester:
Ihahatid ko na lang sa labas ng subdivision niyo, huwag ka ng tumuloy rito.

Aba! Aba lang ha anong tinatago nito sa akin?

"Kuya rito nalang po nandyan lang 'yung kaibigan ko. Bumalik kana po huwag mo na akong hintayin, pakisabi na lang po kay Mommy" Sabi ko sa driver ni Tito.

Tinanguan niya lamang ako at umalis na. Hinintay ko si Lester sa may Guard house.

Me:
Na saan kana?

Nagreply naman siya kaagad. Parang abnormal talaga ito!

Lester:
At your back.

Lumingon naman ako at nakita ang kunot noong Lester.

"May problema ka ba?" tanong ko sakanya. Kanina pa kasi siyang ganyan, parang may malalim na iniisip.

"Tss. Wala sige na umuwi kana" Ang sungit niya ah. Ang sungit-sungit niya.

"Mag-ingat ka Lester, tanga ka pa naman" Tinanguan niya lamang ako at sumakay sa kotse niya. Tamad talaga bakit hindi nalang ako hinatid pauwi.

FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon