Read withyour own risk. SSPG______________________________
Kung dati rati'y umiiyak ako dahil sa sugat sa tuhod dahil sa kakalaro sa ibang bata pero ngayon umiiyak ako dahil napapasaya ako ng nag-iisang taong mahal ko bukod sa pamilya ko.
Lagi akong umiiyak kapag nasasaktan. Kapag nadapa. Napagalitan at kapag inaaway ng kaklase kong ubod ng taray noong bata pa. Pero ngayon umiiyak na lang ako dahil sa sobrang tuwa na umaapaw sa puso ko.
Hindi ko akalaing hahantong sa ganitong sitwasyon ang pag iibigan namin. Pag-iibigang mali sa iba pero tamang-tama sa pakiramdam namin. Ganon naman talaga diba? Ang sabi pa nga ng isang guro ko noong highschool. Hindi natin hawak ang pag-iisip ng bawat tao. Hayaan na lang natin silang humusga dahil iyan ang buhay.
Sangkap na ng pagiging tao. Pagiging buo ng mundo. Dahil alam naman nating lahat na hindi basta basta nabubuo ang mundo kapag walang kamaliang nangyayari. Walang kabutihang nangyayari.
world is world.
Panay ang suway saakin ng make up artist ni mommy na si Jarinela na nagmemake up saakin ngayon dahil sa kakaiyak ko. Hindi ko lang kasi mapigilan dahil sobrang-sobra ang tuwa ko ngayon.
Ang dami niyang ginawa para saakin. Ang dami niyang sinakripisyo para saakin. Kaya dapat ako naman ang gumawa ng paraan para pasayahin siya. Isa lang naman ito sa sampung paraan para mapasaya siya. Ang magiging asawa niya.
Huwag niyong isipin na magpapakasal ako sakanya dahil gusto kong gantihan ang ginawang sakripisyo niya dahil mali yun. Mag papakasal ako dahil gusto ko. Gustong-gusto ko at mahal na mahal ko siya at higit pa iyon sa sobra.
Naisip ko lang kung paano niya ginawa ito lahat. Kung paano niya na kumbinsi ang lahat na isekreto ang secret wedding namin. Naiiyak ako kapag naalala ang araw na naiinis ako sakanya dahil wala siyang time. Iyon pala ay busy siya sa pagplano ng kasal namin.
Lahat ng imposible ay ginawa niyang posible. Pinadama niya sa akin na walang imposible kapag kami ang magkasama. Ang love nga naman.
"huwag ka ngang umiyak baka isipin nila ayaw mong ikasal sa groom!" Suway sa akin ni mommy.
Bumukas na ang pintuan. Hudyat na para magsisimula ang seremonyo ng aming kasalan. Naiiyak ako dahil talagang magkakatotoo na ang minsan ko ng hiniling. Mapakasal sa taong mahal na mahal ko.
Lumingon si Janna at ngumiti sa amin tsaka nagsimulang maglakad. Isa siya sa mga flower girl. Ang kyut niya lang.
Kumabog sa sobrang tuwa ang puso ko nanh masilayan ang mukha niyang may ngiti sa labi. Nginitian niya ako kaya hindi ko maiwasan ang gumanti ng matamis na ngiti sakanya.
I love you he mouthed me.
Tumulo na naman ang luha ko dahil hindi ko talaga maisip na ganito kami ngayon. Ang dami naming naranasan pero lahat ng iyon ay nalampasan namin.
Tama nga ang sinabi nila na hindi nagbibigay si God ng problema kapag hindi natin kayang lampasan. Totoo iyon ako na ang magsasabi dahil talagang naranasan ko na.
Nilakbay naming tatlo ang pagitan namin ni Klein. Nakakatuwa dahil nandito silang lahat.
"Take care of her. I treated her like a princess. Just don't break her heart man. You know me!" Seryosong sabi ni Papa Dino sakanya. Sobrang thankful ako kay God dahil nagkaroon ako ng pangalawang ama na talaga namang mahal ako bilang tunay niyang anak. Sobrang mapagmahal siya kaya bagay na bagay sila ni mommy.
"Yes sir makakaasa kayo" Tsaka sila nagman to man hug.
Seryoso ko siyang tiningnan hindi ko akalain na ang dating professor ko ay magiging asawa ko na.
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Romance"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...