FATED 31

2.6K 51 2
                                    

Masayang-masaya ako nang makauwi na kami sa rest house nila. Pinasyal kasi ako ni Klein dito. Ang gaganda lang ng mga tanawin at ang sarap sa pakiramdam dahil sa gaan ng hangin. Masarap talagang manirahan dito. Ang sayang nararamdaman ko sobrang sobra.

Tahimik. Kayo lang ng mahal mo ang mahalaga sa lugar na ganoon.

Alam niyo bang pumunta na naman dito ang Lea iyon? Tapos ang sama pa makatingin. Kung hindi lang iyon pinsan ni Klein naku mahihila ko ang eye balls niya.

Hindi ko nga alam kung anong pakay non basta ang narinig ko lang sa usapan nila ni Klein na namimiss niya ito. May gusto ba siya sa baby ko kaya dikit siya namg dikit. Nakakainis eh parang siya ang girlfriend.

Pangalawang araw na namin dito. Abala ako sa pagluluto ng agahan namin, marunong naman ako kaya nagluto na ako. Natutulog pa kasi siya at ayoko namang gisingin.

Pagkatapos nito maglalaba pa ako. Yes marunong naman akong maglaba kaya lalabhan ko nalang ang damit naming dalawa.

Umakyat ako para tingnan kung gising na siya pero Klein na mahimbing natutulog ang nadatnan ko. Nanliliit ang mata ko nang umungol-ungol ito.  Nanaginip ba siya?

Lumapit na ako para gisingin siya kaso halos mapaso ako nang dumampi ang palad ko sa mainit niyang braso. Shit mabilis kong sinapo ang noo at leeg niya.

"Shit baby nilalagnat ka" Hiyaw ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, natataranta na ako.

"Baby?" Mahina niyang tawag.  Nilapit ko ang mukha ko sakanya. Ang init ng hininga niya.

"Hmmm? Anong masakit? Aish hindi ko alam ang gagawin ko" Tarantang-taranta na talaga ako.

Never pa akong nakapag-alaga ng may sakit. Ako ang laging inaalagaan. Dapat pala may alam ako rito, paano na lang kung mangyayari ulit ito?

"Check my bag may mga gamot akong dala " hinanap ko naman kaagad ang bag niya. Kinuha ko ang sinabi niyang gamot. Pikit ang kanyang dalawang mata pero gising ang diwa niya.

Tinuturuan ako sa kujg anong gagawin. Damn, Kaye! Mamaya magresearch ako for this!

"Wait kukuha ako ng tubig,  pagkain at kape wait lang baby" Hiyaw ko sakanya at nagmadaling  makababa. Naalala ko kasi kung may lagnat ang isang tao hindi mo pupwede painumin ng gamot nang hindi pa kumakain.

Mabilis kong inihanda ang pagkain niya at nagtimpla na rin ako ng kape. Nakakainis lang natataranta talaga ako habang inaakyat itong mga dala ko.

Naabutan ko siyanh tatayo na sana kaya mabilis kong inilapag ang dala ko. Pinaupo ko siya at pinagmasdan ang pawis na pawis niyang katawan.

"Hands up baby" Marahan kong bulong sakanya. Hinubad ko ang suot niyang damit dahil basang-basa na ito. Nakukuha niya pa talagang ngumisi kaya sinapak ko na pero mahina lang.

"Klein ah may lagnat kana nga ganyan ka pa" Suway ko sakanya. Hinila niya ako at niyakap. Humiwalay naman ako kaagad.

"Behave na please? Natataranta na ako. Ang init-init mo" Bulong ko sakanya. Naakikita ko sa mata niyang nahihirapan  siya.

"Wala iyo baby kaya ko pa naman" Mahinang sabi niya saakin. Pinitik ko ng mahina ang noo niya.

"Ayan nagpaulan ka ng todo. Kaasar ka naman" sinesermonan ko siya habang sinusubuan ko ng pagkain. Tinatawanan niya lamang ako kapag sinesermonan ko siya.

Binigay ko sakanya ang gamot at tubig. Ininom niya naman ito, sinuotan ko rin siya ng damit at pinahiga na ulit. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko, wala akong alam.

Hindi na pala kailangan ng kape! Tsk.

"Magpahinga kana, Klein" Suway ko sakanya. Nakadilat pa kasi ang mata niya at tinitingnan ako nang mariin.

"Tabihan mo ako baby ko" Sabi niya. Tiningnan ko lang siya.

"Sige na please? Please please please?"Pagmamakaawa niya na tabihan ko siya. Ano pa bang magagawa ko, edi tabihan siya.

Hindi naman kailangan magmakaawa eh, tatabi naman talaga ako. Kailangan ko lang ibaba itong kape dahil naiinis ako sa katangahan ko.

Really, kape talaga KAYE?!

"I love you, salamat sa pag-aalaga" Tapos hinalikan niya ako.

Ang init ng labi niya. Yumakap siya sa akin pagkatapos niya akong bigyan ng matamis na halik. Ang landi niya pa rin kahit may sakit na.

Hinaplos-haplos ko ang likod niya kahit nakafull ang aircon pawis na pawis pa rin siya na pinupunasan ko naman kaagad.

Iniwan ko siyang tulog at bumaba dala ang pinagkainan niya. Maglalaba pa pala ako, naghanap ako ng sabon sa kusina niya at mabuti naman kasi meron kaya dumiretso ako sa banyo rito sa kusina para labhan ang marurumi naming damit.

Pahirapan maglaba kasi maliit lang ang banyo tapos kinamay ko pa kaya ayon medyo na tagalan ako sa paglalaba. Nang natapos na ako'y umakyat ako para tingnan kung mataas pa ba ang lagnat niya at salamat dahil bumaba na ang lagnat niya.

Ginising ko siya at pinainom ulit ng gamot tapos inutusan ko siyang matulog ulit. Sumunod naman siya kaya ayon at tulog na naman. Gutom man ako pero wala akong gana. Gusto ko kasama ko siyamg kumain kaso eto nilalagnat at hindi man lang makatayo.

Nahiga na rin ako sa tabi niya at nakishare ng kumot. Hindi rin nagtagal nakatulog na rin ako. Pagkagising ko ininda ko ang sakit ng tiyan  at napabalikwas ng bangon nang maalalang may lagnat nga pala ang baby ko.

Hinanap ko siya pero hindi ko siya makita sa kwarto kaya kahit ang sakit ng tyan ko ay bumaba parin ako para hanapin siya. Narinig ko namang may maingay sa kusina kaya doon ako nagtungo, nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siya na busy-ing busy sa ginagawa niya.

"Maayos na pakiramdam mo?" Tanong ko sakanya habang nakayakap ako sa likod niya.

Humarap siya saakin at binigyan ako ng isang halik sa labi. Saglit lang iyon kaya hinalikan ko siya para matugunan ang nais ko.

"Yes magaling yata ang nag-alaga sa akin. Thank you so much baby"Sabi niya at hinalikan niya ang noo ko.

Kumalas ako sa pagkayapos sakanya at tumungo sa banyo rito sa kusina. Naihi ako kaya pala masakit ang tyan ko kasi may dalaw ako. Wala pa talaga akong dala. Nako naman wala pa namang malapit na tindahan dito.

Nakita ko siyang nag-aayos sa lamesa nakakahiya mang sabihin wala akong magawa kaysa naman magkalat ako rito.

"Klein..." Tawag ko sakanya. Nahihiya ako.

"Hmmm?" Sagot niya at hinila ako para yakapin.

"Pwedeng ano..." Ewan hindi ko masabi-sabi. Bakit ba ako nahihiya, boyfriend ko naman siya diba?

"Pwedeng ano baby?" Tanong niya. Nagtungo ako sa dibdib niya at doon nagsalita.

"Bili tayo ng napkin tss dinalaw ako" Nahihiyang bulong ko. Ngumisi lang siya at hinila ako palabas ng kusina.
Umakyat muna siya at pagbalik niya dala na niya ang susi at jacket niya.

Pinulupot niya naman sa bewang ko anng jacket niya tsaka niya ako hinila palabas may tagos na ba ako? Tiningnan ko naman iyon at halos mamula na ako nang makitang meron nga.

FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon