Ewan ko wala akong masabi sa mga binitawan niyang salita at heto nakatayo parin kami sa gitna ng hallway. Ayoko ng ganito na nagiging sentro kami ng atensyon. Hindi ko pinangarap ito at alam kong nag iisa lang ang pinapangarap ko. Ang hirap hirap namang abutin.
Iniwas ko ang tingin ko dahil alam kong anytime may mabibitawan akong salita na hindi niya magugustuhan. Ayoko ng makatingin ako sa mata niya dahil nadudurog ang puso ko sa pinapakita nitong pagmamakaawa.
Ang love ba ganito? magmamakaawa ka para masuklian? Para mabigyan ka ng tsansa sa mahal mo, kailangan mong magpaawa? kailangan mong paliguan ng matatamis na salita para mapapayag mo lang siya. Para ma-ibigan ka rin niya?
Gusto kong sabihin na hindi pwede. Dahil hindi talaga pwede, alam ko ring hindi siya mahirap mahalin dahil mukhang mabait naman talaga siya. Alam kong mabibigyan niya ang maswerteng babae ng isang magandang relasyon. Pero kasi hindi iyon ako. Hindi ako ang right girl niya.
Hindi ako, kasi naniniwala ako na nakatadhana na ako sa iba.
"Naniniwala naman akong may mas karapat dapat na babae para riyan. I'm sorry Dwayne" mahina kong bulong.
Please, isa lang ang hinihiling ko ngayon. Ang alisin ako ng kahit nino man sa lugar na ito. Ayoko siyang masaktan ng sobra kaya please. Let my angel save me.
Wala akong karapatang manakit ng damdamin.
"No don't say sorry. I just wanna prove myself to you. J-just give me a chance. C-Chance na ipadama sayo ang dapat kong ipadama" Shit ang hirap niya namang kausapin.
Pagmamahal pa ba ito? pagmamahal ba ang tawag kung pinipilit kana? kahit na sinabihan mo ng ayaw mo pero nangungulit pa rin. Ganito ba? ganito ba ako kay Mr. Aquino? sana hindi, dahil hindi na ito pagmamahal. Obsession na ito, at nakakatakot ang salitang obsess.
"Dwayn---" Naputol ang sasabihin ko nang may sumingit.
Tinig pa lang kilalang-kilala ko na siya. I can't move. Kakasabi ko lang na sana may sumagip sa akin na anghel, talaga lang ah. Siya ba ang anghel ko?
"Miss Mendoza follow me." Mariin niyang sabi at iniwan na kami ni Dwayne sa gitna ng hallway.
Marami ng matang nakatingin sa amin. Paano ba naman we're in the middle of the atention lahat napapalingon. Kahit dadaan na nga lang titigil pa para tingnam kung anong ginagawa namin, kung isa ba kaming lovers na nag-aaway.
"I'm sorry Dwayne" paumanhin ko at tumalikod na.
"Maghihintay ako, Kaye" Sabi niya pero hindi ko na siya binigyan pa ng kahit anong atensyon dahil nagpatuloy lamang ako sa paglalakad ko. Patungo sa dinaanan ni Sir.
May pafollow follow me pa siyang nalalaman. Pwede namang sabihin na, namiss kita Kaye. Mas sasaya pa ako. Hindi iyong maawtoridad siyang magsalita saakin. Natatakot tuloy ako imbes na kiligin.
Sumunod na lamang ako ng walang satsat. Nagpapasalamat naman ako sa kabila ng lahat dahil niligtas niya ako. Hindi naman sa paraan ng pahamak, alam niyo na iyong feeling na makakasakit ka at gusto mo lang umiwas. Na pwede akong sagipin sa mundong hindi ko kailanman pinangarap. Thank you Daddy at pinakinggan ninyo ang hiling ko pero sana lubos lubusin niyo na. Sana maging akin din siya.
Napangiti nalang ako sa sariling kaisipan. Ang love nga naman ay may malaking epekto sa mga first timer. Nakakaloka tuloy parang nakakatakot kapag hindi mo na kayang kumawala.
Pero heto na talaga, wala na talagang atrasan. I swear, itaga niyo man sa bato. Promise hindi magbabago ang pag-ibig ko.
Masaktan na kung masaktan, ngayon lang naman ako iibig kaya hangga't kaya kong pang lumaban, lalaban ako para sa sariling kasiyahan.
Iniisip ko pa lang na makakasama ko siya ngayon tumatalon na sa sobrang saya ang puso ko. Ayaw ring magpaawat ng mga paru-paro sa tiyan ko na nagsisiliparan paroo'tparito.
Nakakaloka, nakakahigh para siyang droga. Ang hirap tigilan kapag nasimulan na. Mahal ko siya at ang tagal kong dineny. Pero ngayon wala ng deny deny pa ang mangyayari. Promise buong puso ko siyang mamahalin kahit hindi niya kayang suklian.
Isang ngiti lang, isang ngiti lang talaga pwede na. Sasaya na ako kahit isang ngiti lang.
Hindi mapapantayan ng kahit ano mang materyal na bagay ang pag-usbong ng damdamin ko para sakanya. Tila isa itong mundo at may malawak na espasyo. Sa lawak nito hindi mo masusukat kung saan ang hangganan nito.
Pakiramdam ko isa itong kasal na wala ng atrasan. Kailangan pangalagaan dahil hindi ito basta basta. Isa itong damdamin na mahirap mahanap at sobrang malulusaw kapag nasaktan ng husto.
"Anong ginawa niyo sa gitna ng maraming tao? Is he courting you or something?" Mataray niyang tanong.
I don't really get it. Bakit kasi ang gwapo gwapo niya. Kahit na magkasalubong ang dalawang kilay nito. May suot pang salamin. Okay bagay naman sakanya.
"A-ano? Hindi!" Mabilis kong sagot. Ano ba naman ito? Bakit pagdating sakanya tumitiklop ako. Ang hirap tuloy mangasar ngayon.
"Then what?" Napatayo pa siya nang tinanong niya ako. Napayuko na lang ako dahil sa sobrang gulat. Sa kakatitig ko kasi sakanya kaya siya nagalit. Ayoko na nga gusto ko na lamang tumakbo palabas ng silid tanggapan nila.
"Ano hmm a-ask for a lunch?" I lied hindi naman dapat sabihin ko sakanya ang nangyari kanin. Hindi iyon maganda. Mahal ko lang siya pero hindi ko pwedeng sabihin sakanya ang lahat.
Limitasyon Kaye, lagyan mo ng linya ang pagitan ninyo. Walang lalagpa kundi katapusan na talaga.
"Then is it a yes?" Dobol meaning niyang tanong.
Bahala na.
"Yes!" Matapang kong sagot. Bahala na nga.
Yes naman talaga sagot ko kapag magtatanong siya ng "will you he my girlfriend"
"Then you may go" Malamig niyang sabi.
Ngayon na nga lang ulit kami magkikita may ganito pa talagang nangyayari. Napangiwi na lang ako at lumabas sa silid tanggapan. Napabuntong hininga ng sobrang lalim. Ano ba naman iyan sa lamig lang ng boses niya nanghihina na ako. Hindi ko na tuloy mapigilan ang pag-iyak.
Kaye! Ang iyakin mo naman, sumisikip dibdib mo. Tigilan mo na iyan!
Naglakad na lang ako habang hawak hawak ang pisngi. Marahan kong pinupunas ang luhang lumalandas sa pisngi ko.
I can't breathe. Hindi ako makahinga ng maayos. Malabo ang akong paningin! At ang init inti ng paligid ko! Ano ba 'to?
Hanggang sa ang kalangitan ay unti-unting nangingitim. Ang maliwanag na paligid ay unti-unting dumilim.
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Storie d'amore"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...