FATED 4

7.6K 119 23
  • Dedicated kay cairaSLwannabe
                                    

Nagmamadali akong umalis ng bahay dahil male-late na naman ako at dahil sa pagmamadali ko nakaligtaan ko ng mag-almusal.

Ano ba naman yan, Kaye! Bakit kasi napahimbing ang tulog mo?
Puyat ka kakaisip sa Teacher mo? Bakit mo siya iniisip? Bakit inaalala mo ang mga mata niya?
Mata niyang binabalot ng pag-alala, mata niyang nakakabighani. Mata niyang humihigop ng kung ano.

Tinakasan ko si Mommy dahil ayokong mahuli sa klase ngayong umaga. Ilang beses na rin ito nangyari, baka isipin niya sinasadya ko.

Ginamit ko na ang buong lakas ko para tumakbo. Three consecutive days of being late must be something, iyon ang iisipin niya. Lalo na't bagong guro pa lamang siya, hindi pa ako gaano ka kilala. Hindi na bago saakin ang mahuli sa klase. Sa katunayan nga kahit pang hapon na klase ay madalas akong ma-late.

Nagwarning na rin siya kaya susundin ko na, susubukang mabago ang nakasanayan. Pero gosh! Ang hirap gumising sa umaga. Mabuti na lamang hindi niya ako inutusan maglinis ng buong hallway. Kung si Ma'am Benedicto pa lamang iyon, nako halos kasama ko na buong umaga ang sahig. Mga kasangkapan sa paglilinis. Ganon, ganon kalupit si Ma'am Bemedicto. Hindi niya ba naranasan ang mga ito? Ma-late sa klase? Lumiban sa klase? Gumala habang may klase? kakain habang nagdidiskusyon?

Hala, takbo Kaye. Baka maunahan mo si Mr. Aquino at matuwa sayo! Go lang, huwag kang titigil kaya mo yan.

" AJAAAAAAAAH" Sigaw ko nang ilang dipa na lamang ang layo ko sa classroom.

Hanggang sa huminto na ako. Agad naman akong pumasok at inilapag mga gamit ko.

Hiningal ako sa kakatakbo, ramdam ko ang init sa aking leeg. Sa aking likod. Nagpapasalamat ako dahil air conditioned itong classroom.

"Anong nanyari teh?"- tanong sa akin ni Shaya.

"Nabiyak kasi yung kalsada dahil binangga ko" Sagot ko sakanya.

Alam na nila ang dahilan pero nagtatanong parin sila. Talaga nga naman, ganito talaga ang mga kaibigan. Pilosopo.

"Okay, bad mood si Madame!" Tapos umalis siya sa tabi ko dahil kakarating lang din ni France. Katabi ko siya ng upuan.

Ang bakla mukhang maganda ang gising.

"Good morning sister !"Bungad niya saakin.

Mukhang ganadong-ganado itong baklang 'to pumasok ngayon bakit kaya?

"Huag mo ng simulan France baka mabatukan ka lang" Warning sakanya ni Shaya mukha ba akong nangangain?

Mukhang gutom lang ako!
Oo gutom lang ako. Ikaw ba naman tumakbo ng walang kain?

"Bakla tanungin mo nga kung wala pa ba si Sir, kung parating na ba siya" Utos ko kay bading.

Tiningnan niya lang ako.

"Sigee na " Pangungulit ko.

Okay, nag-aayos na siya. Naghahanda na siyang magtanong.

"Ms President wala pa ba si Sir?" Tanong ni France kay Danica, ang aming class President namin.

"Kita mong wala pa eh!" Sagot niya kay bakla. Ayan na sige ka si bakla pa talaga!

FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon