FATED 32

2.8K 60 3
                                    


Ngayon na ang uwi namin at nae-excite na akong makipagkwentuhan sa mga kaibigan ko. Ikukuwento ko lang naman eh. Ang dami naming pictures para may memories daw kami together.

Parang ewan ano, nag-iipon ng alaala para may alalahanin?

Pinasyal niya muna ako bago kami bumalik sa rest house nila at nagpahinga. Mamayang gabi na lang daw kami aalis kaya ginawa namin nanood ng lumang CD's at kumain tsaka natulog na naman.

Nakapag-ayos na kami para makauwi na. Naabutan na kami ng gabi at kumikinang sa sobrang dilim ang kalangitnan. Napakagandang pagmasdan. Napalingon ako sakanya nang hawakan niya ang kamay kong nakapatong sa hita ko. Pinisil- pisil niya iyon at dahan-dahang hinalikan.

Lagi niyang pinapaalala sakin na mahal na mahal niya ako kaya naman sobrang tuwa ko sakanya ngayon. Every now and then may natatanggap akong matatamis na salita galing sakanya.

"Baka magsawa kana niyan" Natatawang hiyaw ko sakanya.

Ngumiwi siya at saglit na tumingin saakin.

"Magsasawa? Not even im my vocabulary baby. I love you, O love you. I love you, hinding- hindi ako magsasawa tandaan mo yan ikaw at ako lamang sa mundo natin. Wala ng iba pa, pwera na lang kung magkakaanak na tayo" Masayang pahayag niya na nagpaawang sa bibig ko.

Shit sobrang mabulaklak ang bibig ng mahal ko. Nakakatuwa.

"Ako rin Klein hindi ako magsasawa sayo tandaan mo rin yan. I love you" Seryosong tugon ko sakanya.

I love him so so much, more than anything else.

"Gusto ko in Filipino baby" Pilyong sigaw niya. Oo sumisigaw siya natatawa tuloy ako sakanya.

"Mahal na mahal kita" Sabi ko sakanya. Gumuhit ng linya ang labi niya at sobrang kinatuwa ko na masayang-masaya siya sa piling ko.

Hahalikan na sana niya ako nang mahring ang kanyanh cellphone na nagpagulat sa aming dalawa. Kinabahan tuloy ako parang feeling ko huling araw ko na ito dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. Hinawakan ko na lang ang ulo ko para iwasan ang kaisipan na iyon. Ang weird pero iyon ang nararamdaman ko.

Kaagad niya namang tinap ang kanyang cellphone at nilagay sa tainga niya. Kumunot ang noo niya kaya mas lalo akong dinalaw ng kaba. Sino bang tumawag sakanya? Bakit nakakaramdam ako ng kaba. Ilang beses ng may tumatawag sakanya at hindi naman ako nakakaramdam ng kaba, ngayon lang.

Ngayon lang na pauwi kami, ngayon lang na nasa gitna kami ng byahe.

"Shit. Shit. Shit." Mabibilis niyang mura nang natapos ang usapan nila ng tumawag sakanya. Hindi ko maintindihan pero ang malinaw na malinaw sa akin ngayon ay ang alam kong may problema.

May problema kami, lalong-lalo na siya.

"Where's your phone?" Balisang tanong niya sa akin. Nagtataka man ako ay hinanap ko ang cellphone ko. Hindi ko pa nga mahanap kung saang bulsa ko iyon nailagay. Salamat na lang nang magring ito, hudyat na may tumatawag saakin.

Mabilis kong sinagot ang tawag at inilagay sa tainga ko ang cellphone.

"Hello Shaya bakit?" Tanong ko kay Shaya. Bakit kaya siya napatawag?

"Kaye na saan ka? OMG may kumakalat sai-----" Naputol ang sasabihin niya nang inagaw sa akin ni Klein ang cellphone ko. Tamad ko siyang tiningnan at pilit na kinukuha sakanya ang cellphone ko.

At anong may kumakalat? Hindi ko maintindihan? At hindi ako matatahimik hangga't hindi ko malalaman ang sasabihin ni Shaya kaya pinilit kong inaabot ang cellphone ko sakanya.

"Klein give it back to me" Sigaw ko sakanya.

Tumataas na ang boses ko at hindi ko iyon gusto dahil pinipiga ako sa imaheng sinisigawan ko siya.

"No!" Mariin niyang suway saakin tsaka niya isinilid sa bulsa niya.

Nakakainis kanina pa ring nang ring ang cellphone niya at ang cellphone ko kaya kahit ayaw niyang ibigay saakin pinilit ko pa rin itong inilalabas sa bulsa niya.

"Klein ano ba, give me my phone. Ang daming tumatawag. Ano bang problema!? "Matigas kong sigaw sakanya. Kinakabahan ako dahil unti-unti ng bumubuo sa isipan ko ang kumakalat na sinasabi ni Shaya.

Hindi ko inaasahan na mangyayari nga iyon pero hindi ko kailanman kinalimutan na darating at darating ang panahon na malalaman ng lahat ang relasyon namin.

Tumulo ng mabilis ang luha ko. Shit shit shit  nanghihina na ako iyon pa lang ang nalalaman ko naluluha na ako. Iyon pa lang na walang kasiguraduhan, paano na kaya kung tama ang hinala ko? Pero malakas ang loob ko sa nangyayari.

Kaya ba noong nagpunta ako ng university last time may mga nakatingin saakin. Especially mga professor. Hindi ko naman akalain na ito ang dahilan kung bakit nila ako pinagtitinginan pero bakit? Paano? Paanong nangyari? Wala naman akong kaaway ah? Wala rin siyang kaaway? Tsaka mga kaibigan ko lang ang nakakaalam ng tungkol saamin. Kaibigan lang at pamilya namin ang nakakaalam, how come may kumalat na ganoong balita?

Sa kilos Kaye! Sa kilos ninyong dalawa, sa interaksyong meron kayo. Sa paraan ng pakikisalamuha mo sakanya!

"How?" Pablong na tanong ko sakanya. Paano nga? Nag-uuunahan paring tumula ang mga luha ko shit shit shit.

Hindi ko inaasahan ang gabing ito'y mababalot ng iyak ko.

"Oh fucking shit. Stop crying Kaye, I can't think properly. Shit stop crying" Hiyaw niya.

Kahit naka ilang beses na siyang nagsasabi ng stop crying  nang stop crying hindi pa rin ako kumakalma. Hindi pa rin tumitigil ang ringtone ng aming cellphone.  Kung alam kong mapapahamak kami sana'y nag-ingat ako. Hindi ko dapat pinairal ang kagustuhan kong ipadama sakanya ang pagmamahal ko.

Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang dalawang kamay niya. Nagkatitigan kami nang may umilaw at sabay kaming napalingon sa nakakasilaw na ilaw na nanggagaling sa labas. Tsaka lang nagsink in ang nangyari nang mabilis akong napabunggo sa harapan ng dashboard ng kotse.

Huli na ang lahat? saglit naming nakalimutan ang paligid. Ang bilis ng pangyauari.

Malalakas na busina ang naririnig  ko. Ang sakit at mas lalo akong naiyak nang maraming dugo ang tumutulo sa bandang ulo ko. Hinanap ng mata ko si Klein, nginitian ko siya. Salamat at hindi siya napuruhan.

"KAYE!" ang huling narinig ko bago ako mawalan ng malay.

FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon