"Francess Kaye Mendoza!" Malakas na sigaw ng bagong dating lang na professor namin. Excuse me siya na nga itong late ako pa ang sigawan niya.
"Yes sir?" Tila isang sundalo kong sagot. Letche napatayo pa ako sa pagkaupo ko, problema ba neto?
"You're not listening. FYI miss kung hindi ka interesado sa klase ko you may go. The door is wide and open" Maldito nitong sabi. Diyos ko po, wala naman akong kasalanan.
Masama bang tumitig sa white board? masama bang analisahin ang sinulat niya?
"Sorry po" Paumanhin ko at naupo na ulit. Kainis ano bang ginawa ko at sinigawan ako nito.
"Bakit ka kasi tulala? kanina pa tinatawag ang atensyon mo. Tsaka nagdiscuss na si prof" Kwento ng katabi kong lalaki.
"Ganun?Tulala talaga ako?" Tanong ko.
"Yap. Btw, I'm Dwayne Mackay" Naglahad siya ng kamay at tinanggap ko naman ng walang pag-alinlangan.
Nang biglang....
"Francess Kaye Mendoza!" Nag shakes hands pa kami. Tapos nagulat ako nang sinigawan na naman ako or kami ng malditong professor namin.
"Oh at hindi mo talagang gusto ang makinig? Nakuha mo pang makipagkamay riyan sa katabi mo? What the? Miss the door is open, just drop my subject." Nganga.
Ano bang problema niya? Ako na naman. Tsaka bakit niya giniit na lumabas nalang ako at idrop ang subject niya. Ano, naglolokohan ba kami? nag-aral ako para magdrop lang?
"The nerves on you, Sir!" Mariin kong sabi. Kainis nagagalit ng walang dahilan.
"Hayaan mo na si Professor Yuan, naiingit lang yun sayo" Nakangising sabi ni Dwayne saakin.
Naiingit! Tsk bakit naman?
"Naiingit? But how? Why?" Taka kong tanong.
"Basta makinig kana lang baka mapansin kana naman niyan" Natatawa pa siya habang sinasabi iyon.
Wala akong ginawa kundi nakinig kay Sir Yuan. Grabe, pinagtripan talaga ako. Laging ako ang pinapasagot sa katanungan niya. Iilan lang ang nasagot ko, lahat puro mali!
Vacant time ko ngayon at sa totoo lang naiinis na ako dahil lagi nalang ako ang pinupuna ni Professor Yuan. Gosh ano bang nagawa ko? Gaano ba ako katagal na tulala at mainit ang ulo niya? Ano kayang nakain niya?
"Sabay na tayo Kaye" Habol ni Dwayne sa akin. Ngumiti lamang ako at tumango sakanya. Sumabay na rin siya sa paglalakad.
Hindi ko siya kilala. Ayon sa kwento niya matagal niya ng naririnig angpangalan ko simula noong high school pa kami, pero siya. Ni katiting sa pangalan niya wala akong naririnig. Tapos sabi niya pa nagkabanggaan pa nga raw kami rati. S totoo lang wala akong maalala. Halos wala akong matandaan naku dahil ba ito sa tuliro kong puso? Ang malikot kong utak?
"Sorry Dwayne hindi talaga kita matandaan eh" Siguro kaya hindi ko siya mtandaan ay dahil na rin sa mga bago kong kakilala. Kasi kada segundo, minuto, oras at taon ay may mga bago tayong nakikilala. Hindi lahat ay permanente dahil maaari't may magbabago at hindi magbabago. Marami kang makakalimutan, marami ka namang matututunan.
Ang labo ko ba? Ang labo rin kasi ng kausap ko ngayon.
"Pwede naman tayong magsimula sa pinaka una diba? Kung hindi mo na ako matandaan okay lang. Basta ang mahalaga nakilala mo na ako at titiyakin kong hindi mo na makakalimutan ang lahat ng sa akin" Tapos kumindat pa siya.
Nanliliit tuloy mata ko na tiningnan siya. Crazy boy.
"Silly, Dwayne" Bulalas ko.
"Because I'm hot?" tanong na parang hindi tanong. Hot? hot? No, iisa lang ang hot para saakin.
Alam niyo na kung sino! Ang hot kong love na si ehem. Si ehem ulit! Ayoko nga sabihin baka aagawin niyo eh!
"Wow ngayon lang kita nakitang tumawa ang ganda ganda mo lalo" Napatigil ako sa kakatawa.
Naakakatawa kasi ang mukha niya. Basta hindi ko maipaliwanag. Ang hirap ilarawan.
"Talaga lang ha? Mukha ngang stalker kita eh" Biro ko sakanya.
Ang sama lang ng ambiance ngayon.
"I know it pero, I mean ngayon lang talaga kitang nakita ng masaya na ako ang dahilan" para namang akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa paninindig ng balahibo ko.
"Correction po tumawa po" Pangongorek ko kahit na ang bigat bigat na ng atmosphere rito. Hindi ako sanay, naiilang ako.
"Yeah but it's still the same. Mapapasaya rin naman kita kung papayagan mo akong ligawan ka" Nalunok ko yata lahat ng laway ko dahil wala akong masabi sa sinabi niya.
Ano? Liligawan? Para san? Para mapasaya niya ako? Ano ba yan! Nag-iisa lang ang kayang magpasaya saakin! Ano ba yan!
"Kas----" Hindi niya pa ako pinapatapos sa pagsasalita at nagsalita na siya.
Shit na malagkit.
"Just give me a chance Kaye, ngayon ko nalang ulit mapapatunayan ang sarili ko sayo" Ewan kasi ayoko pa. Kasi may hinihintay pa ako at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.
Hindi talaga ako sanay sa ganito, natatameme ako. Na saan na ba ang mga kaibigan ko?
Bakit ba ganito? Kung ang hindi mo gusto magtapat sayo parang ang hirap sagutin? Tapos kapag mahal mo naman, isang oo lang. Hays ang daya lang talaga!
Gosh can somebody help me to escape this shit situation?
"Dwayne, kakakilala ko palang sayo kanina. Ang bilis mo naman yata" Wala na akong masabi pa.
Kung pwede lang itikom ang bibig ko hanggang sa matapos at mapagod siya. Iyon lang ang pwedeng kong sabihin sakanya. Wala ng iba at sana tumigil na rin siya! Ganon ba kadali? Liligawan agad kahit bago lang kayo magkakilala. Sabagay base sa kwento niya matagal niya na akong kilala eh ako? Ngayon ko lang siya nakilala at sa klase pa si Sir na masungit!
"No. Hindi na mahalaga. Ang mahalaga ay ang pagmamahal ko sayo. I love you since the day I met you. Mahal kita simula noon hanggang ngayon. Just give me a chance, let me prove myself to you. Let me impress you. Let's give a chance for the both of us." Mala- Edward Cullen ang boses nito.
Hoy Dwayne, magpreno ka naman. Ang landi mo ah.
Chance? Ako nga walang chance sa pag-ibig ko tapos gusto mo bibigyan kita ng chance? Ang hirap namn ng gusto mo Dwayne!
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Romance"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...