Naging abala ang sumunod na araw pagkatapos ng date namin ni Bakla hindi na ulit nasundan pa ang date namin.
Oo date! Bakit? Gusto kong itawag na date eh kahit na kalahating babae at lalake ang kasama ko who cares?
Abalang-abala ang lahat sa pag-aayos ng gamit at sa pagpapaganda ng gym.
Kaarawan na ng puso wala pa rin akong makasama.Haha napatawa nalang ako sa sariling iniisip.
Kahit kaibigan pwede mong idate o hindi kaya magdate ulit kami ni bakla? o si lester nalang? baka may iba't ibang kadate sila.
Ngumuso ako. Grabe mukhang saaming magkakaibigan ako lang yata ang mag-isa. Wala rin naman akong paglalaan ng oras ko. Ano kaya ang magandang gawin?
Sa tingin niyo? Mag suicide na kaya ako? Lol joke sayang ang buhay.
"Kaye pahinga muna tayo, Break!" Ngiting-ngiti sila pero halata mong pagod din.
Shempre iilan lang kaming nandito upang ayusin itong buong gym. malaking karangalan ang ipaubaya saamin ang pag-aayos dito. Ang pagod ay masusuklian kung matagumpay ang event namin.
"Sige sunod lang ako" Saka ko niligpit ang kagamitan na nagkalat.
Sabay-sabay silang nagsilabasan at mag-isa ko nalang dito sa loob ng gym. Kung sisigaw ka mag eecho ang boses mo.
Tatakbo talaga ako kapag may marinig ako kahit kaunting kaluskos lang. Tss bakit kasi ako nagpa-iwan ng mag-isa balita ko may multo pa naman dito.
May multo ba sa tanghaling tapat? Sabihin niyo nga kasi tatakbo. Ipinilig ko nalang ang ulo ko at nag-isip ng magandang sitwasyon.
Napangiti nalang ako dahil na alala ko na naman ang namumula niyang pisngi. Kaso nitong nakaraang araw hindi ko na siya inaasar dahil mukhang busy-ing busy siya.
Tapos ang gwapo pa niya nitong araw. Hindi ko tuloy mapuna ang kagandahan ng kasuotan niya.
Umapak ako sa upuan at isinabit ang ibang letrang ginawa namin. Hindi ko maiwasang hindi punain ang ginawa namin dahil sadyang may maiibuga pala kami. Uyy kilig ako.
Pinilit kong abutin at ayusing ang letrang nakatagilid at hindi maayos ang pagkadikit. Kaso wrong move at feeling ko matutumba na ako at hindi iyon feeling lang.
Dahil naramdaman mismo ng aking katawan ang isang mainit na bisig.Thank god.
Nanatiling nakapikit ang mata ko nang maiayos niya ako ng tayo at pinaupo sa upuang katabi ko. Hindi ko parin minumulat ang aking mga mata sino kaya itong may lakas loob sumalo sa akin? well thank you.
"Are you okay? " Nag-alalang tanong niya. Natauhan ako dahil sa boses. Kanina lang siya ang bukambibig ko ngayon naman nasa harapan ko na siya.
Hindi ako makagalaw, ewan ko hindi ko alam basta mabilis ang tibok ng puso ko kaba o may iba pa? Hindi kp masuri kung ano basta ang alam ko lang kinakabahan ako
Nakapikit parin ako at tilang ninamnam ang paligid gayong nasa harapan ko siya
Ano bang pinagsasabi ko? Ahh naloloka na ako tinulungan lang naman ako tapos magkakaganito na ako? Impossible leche kasi itong puso ko ang bilis bilis ng pintig. Ni hindi naman ako nasaktan o kinabahan dahil sa akalang mahuhulog ako.
"Kaye are you okay?" Muli niyang tanong.
Hinaplos niya ang mag kabilang pisngi ko. Banayad at may pag- alala ang paghaplos na naging dahilan para mas lalong tumindi ang tibok nitong puso ko.
Iminulat ko ang mata ko at agad kong nakita ang pag-alala sakanya mata. Nakakainis dahil ang gwapo niya sa paningin ko iyong aura niyang ang sarap asarin dahil tiyak mamumula na naman siya.
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Romance"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...