Nakayakap pa rin siya sa akin habang natutulog ng mahimbing. Ang sweet talaga ng baby ko, ngayon pa lang nararamdaman ko na ang sakit. Ang kagustuhan niyang magkasama kami.
Kumalas ako sa yakap niya at pumanhik sa banyo. Bukas na ang alis niya at panigurong namimiss ko siya ng sobrang- sobra.
3 years siyang malalayo sa akin makakaya ko kaya? 3 years walang baby na malapit saakin.
Pumanhik ako sa kusina at naghanap ng mailuluto. Sa totoo lang hindi ako marunong sa kusina tanging pagsaing lang ang alam ko at pagprito ng simpleng ulam.Nakapantulog pa rin ako at wala akong maipapalit dito. Hindi ba nga kasi sinundo niya lang ako sa bahay.
"Anong iluluto ko?" Tanong ko sa sarili puros hotdog and chicken lang naman ang laman ng ref nila.
Ngumuso ako at nag-isip kung anong magandang lutuin. Napapitlag ako nang may yumakap sa akin sa likod. Sino pa nga ba? Siya lang naman ag kasama ko hindi ba? tsaka amoy na amoy ko ang Calvin Klein na pabango niya. Ang adik niya noh.
"Good Morning asawa ko!" Ngumisi ako sa paraan ng pag tawag niya sa akin ngayon.
"Oh? Asawa na ngayon ayaw mo na ng baby?" natatawang tanong ko at humarap sakanya
.
"No, gusto ko pero mas gusto ko kapag asawa. Akala ko iniwan mo na ako. Nandito ka lang pala" Pabulong na lamang ang pagbanggit niya ng huling salita. Niyakap ko na lang siya upang maibsan ang pangambang iiwan ko siya.
"Ano ka ba? Hindi kita iiwan. Mahal kaya kita" Paniniguro ko sakanya.
Natahimik siya sa sinabi ko.
"Baka naman ikaw ang mang iwan. Baka masilaw ka sa ganda ng mga makikita mo doon!"Sabi ko at umiwas ng tingin, totoo naman ah? hindi natin masabi kasi diba hindi naman lahat ng bagay permanente.
Baka.. makahanap siya ng iba, iyong mas matured mag-isip. Marunong magluto, maalagaan siya ng maayos.
"Tsk. Hindi baby promise kahit maghubad pa sila sa harapan ko wala pa ring tatalo sa girlfriend kong ubod ng kagandahan" Pambobola niya. Kainis lang dahil nakangisi siya habang sinasabi yun.
"Sus nambola pa" hiyaw ko sakanya.
"Promise Kaye, ikaw lang ang pinakamaganda sa mata ko" Seryosong bola niya sa akin. Napangiti na lang ako dahil ang cute niya lang talaga.
"Ikaw rin ang pinakagwapo sa paningin ko baby" Pambawi ko, napaawang naman ang bibig niya. Nakakatuwa talaga siya parang amaze na amaze siya sa mga sinasabi ko.
Siya na ang nagluto ng agahan namin. Pagkatapos naming kumain nag-usap kami tungkol sa mga bagay-bagay. Pinagdidiinan niya talaga na babalikan niya ako at maghihintay ako sa pagbabalik ng Mr. Malvin Klein Aquino ko!
"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko sakanya. Dapat sinusulit namin ang araw na ito, bukas na kaya ang alis niya tapos wala man lang akong pambaon na masayang alaala sakanya.
"Basta. Huwag ka ng mainip asawa ko" Aniya hindi na nawala sakanya ang pagtawag saakin sa ganong paraan. Nakakabaliw lang.
"Kainis ka naman eh. Malayo pa ba?" Naiinis kong sabi sakanya. Tama bang sabihin ng malapit na ang malayong lugar?
Nakapiring ako at hindi ko alam kung anong trip ni Klein. Wala rin akong ideya kung na saan kami ngayon.
"Malapit na po asawa ko" Ayan matapos akong inisin. Pinapakilig na naman. Ang lakas masyado ng trip ni Klein naiiyak tuloy ako.
"Step forward and we're here" Bulong niya at dahan-dahang tinanggal ang nasa mata ko.
Napapikit ako dahil sa silaw na bumungad sa pagdilat ko. Wala na akong makitang Klein. Na saan na siya?
"Klein?" Tawag ko sakanya naiinis na ako dahil ang dami niyang pakulo.
"Hi Sir" Biglang bulong niya. Hi sir? kay Dad? ano ba talaga ang trip niya?
Bakit dito kami pumunta? gustong magpalakas kay Dad. Hmm baka takot itong multuhin ni Daddy kung sakaling lolokohin niya ako.
"Huy anong trip mo?" Tanong ko. Nawiwirduhan na ako sakanya.
"I love you" tanging sagot niya sa tanong ko. Ngumiti lang ako dahil hindi pa rin siya nagsasawang sabihin sa akin ang mga salitang iyon.
"I love you too Klein!" Seryosong ganti ko sakanya. Halos mainis ako nang pinagwalang bahala niya lang ang sinabi ko at tumingin kay Dad.
"Sir korny mang sabihin pero natamaan na ako sa anak niyo. I love her since the day I met her. Sa tingin ko nga Sir ay kilala mo ako dahil lagi kong sinusundan ang anak niyo sa tuwing hinahatid sundo niyo ito sa school siguro inisip niyo baliw na ako no? pero tama baliw na nga ako. Nababaliw ako sa anak niyo Sir." Nakangisin kwento niya kay Dad. Nababaliw na ako sakanya dahil halatang inlove na inlove sa akin ang baby ko. Ang haba tuloy ng buhok ko.
"Sir nag-iisa lang siya sa buhay ko at siguradong-sigurado ako don. Mahal ko siya at mahal niya ako sa tingin ko Sir ay tama nang hingin ko ang kamay niya ngayon sa inyo" Bulong niya. Naiiyak na ako dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig niyang mabulaklak.
"I wanna marry your daughter Sir not now but later. Sana ay gabayan niyo siya at multuhin kung tangkain niyang iwan ako. Seriously sir? ayokong tumitingin siya sa iba. Ang gusto ko ay ako lang ang nasa paningin niya. I love her sir at willing akong maghintay hanggang sa ready na siya na makasama ako habambuhay" Lumingon siya sa akin nang yumakap ako sa likod niya. Humagulgol na rin ako ng iyak.
I love you so much baby!
"Ang iyakin din po ng anak niyo, hindi niya ba alam na nasasaktan ako sa tuwing may luhang lumalandas sa mata niya" bulong niya humigpit ang yakap ko sakanya.
"K-klein!" naiiyak na tawag ko sakanya.
"Hindi ko kayang makita siyang masaya sa iba kahit sabihin niyang kaibigan niya lang. Iba pa rin ang epekto non sa akin sir. Para akong sinasaksak ng sampung kutsilyo at hindi pa rin napupuruhan kaya mas lalong nanunuot ang sakit sa dibdib ko" naramdaman kong may pumatak na luha sa kamay ko, mainit kaya pinihit ko siya paharap saakin.
"I'm sorry baby" naiiyak kong bulong at pinunasan ang luhang lumalandas sa mata niya.
"Pakasalan mo ako pagbalik ko" Hindi iyon tanong kung hindi utos. Kahit naman hindi niya sabihin, sakanya pa rin ako magpapakasal. Sakanya lang ako masaya.
Tumango ako sa sinabi niya at napapikit nang hinalikan niya ako sa labi. Mainit iyon dahil na rin siguro sa pag-iyak naming dalawa.
"Say it" Bulong niya sa pagitan ng halik namin. Lumunok muna ako bago ko sinabi ang hinihingi niya.
"Yes, papakasalan kita kaya bumalik ka kaagad" Bulong ko na nagpangisi sakanya.
Hihintayin kita baby, hihintayin ko ang pagbabalik mo!
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Romance"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...