FATED 15

3.8K 75 8
                                    

Nagkakagulo sila sa sasakyan ni Sir. Ang iingay nila at hindi ko sila maintindihan kung bakit sobrang-sobra ang ngiti nila. Napairap nalang ako sa hangin nang tumawa na naman sila. Ang ingay-ingay talaga nila promise at higit sa lahat wala akong naintindihan sa mga pinag-usapan nila basta ang alam ko lang ay ang sobrang ingay nila.

Nasa passenger seat ako samantalang nasa back seat naman ang lima kong kaibigan paano nagkasya? Ewan ko basta silang lima ang nasa likod sabi ko naman sakanila magpahatid nalang ako sa driver ni Tito at sila nalang ang sumabay kay Sir ayaw naman nila.

Sinabihan ko na rin si Mica na siya nalang dito ng hindi siya mahirapan pero ayaw niya naman kahit mukhang hirap na hirap na ang mukha niya. Nakuha niya pang ngumiti at makisaya sa baliw kong kaibigan.

"Sir susunod ba girlfriend niyo?" Biglang tanong ni baklito kay sir.

Napasulyap naman ako sakanya at napalunok. Ngumisi lang siya na parang nakakatuwa ang tanong ni France.

"Wala pa siyang girlfriend kuya France. Future girlfriend siguro!" si Mica na ang sumagot dahil walang kabalak balak si Sir na sumagot.

Huh akala niya interesado ako? Shit mabuti alam niya. Nakinig na lamang ako ng music. Ayokong makinig sa usapan nila baka madurog na naman ako sumingit pa nga si Loraine na mukhang inaasar ako.

Sinasabayan ko ang kanta pero nakamute ako. Naging paborito ko na ito nang napakinggan ko ito sa kwarto. Sa radyo ko lang napakinggan kaya hinanap ko pa at dinownload.

Coz your all of me
loves all of you.

Marahan kong pikit ang mata ko dahil dinalaw ako ng antok. Late na nga ako nagising tapos inaantok pa ako.

"Ate kaye wake up " Bulong na sa tingin ko ay si Mica.

"Hmm" Dahan dahan kong inimulat ang mata ko at natanaw ko ang nakadungaw na mukha ng dalawang magkamukha na ito.

"Nandito na tayo ate" Magiliw niyang sabi at nanakbo palabas ng kotse.

Really? As in tulog ako buong biyahe? What the.

Napakurap-kurap ako nang marahan. What? Wala pa ako sa sarili ko kaya pumikit ako at kinalimutan ang mundong ito. Mamumuhay muli ako sa mundo ng panaginip. Sa mundo ng tama ang mali. Sa mundong walang didikta sayo.

Ang sarap matulog at hayaan ang takbo ng isip mo sa mundong puno ng kasiyahan. Sa mundong pwede ang mali. Sa mundong siya at ako lang ang nabubuhay.

Ngunit sa pagmamadali kong pumunta sa mundong iyun hinsi ko na pala namalayan na may kasama pala ako. He's with me and I'm with him inside his car.

"Kaye are you okay?" Napamulat ako at hinanap ang boses niya.

Namula ako nang makitang isang pulgada na lamang pwede ko ng hagkan ang labi niya. Shit ano ba itong pinag-iisip ko? Ang halay.

"Kuyaaaaa~" Sigaw ni Mica.

Kaagad kong nilayo ang mukha ko at halos malagutan na ako ng hininga nang tiningnan ako ni Mica ng nakakaloka shiiit.

"A-ano na saan sila?" Marahan kong tanong kay Mica halos hindi ko na nga mabuo-buo ang sasabihin ko dahil sa kaba at kahihiyan.

Mabilis pa sa mabilis akong napatakbo nang sabihin ni Mica kung na saan ang mga baliw kong kaibigan. Malayo pa lang ako natatanaw ko na ang masayahing mukha ng mga kaibigan ko.

Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka. Sino ba naman ang hindi kung may isang babae ang tumatakbo at namumula pa ang pisngi. Lumingon ako sa dinaanan ko kanina nang marinig ko ang bangayan ng dalawang magkapatid.

Napanguso ako dahil magkamukha talaga silang dalawa. Eh hindi naman sila kambal, hindi sila sabay na pinanganak.

"Mica tara rito" Sigaw ni Loraine kay Mica. Nasa pool side siya at kumakaway-kaway kay Mica, kaagad namang lumapit si Mica kay Loraine. Mukhang magkasundo sila.

Napanganga ako dahil ngayon ko lang napansin na bihis na sila. Nakatwo piece sila. Samantalang short at sando ang suot ni Mica. Possessive kuya? Possessive boyfriend din ba siya? Grabe ganon ba ako katagal na tulog para hindi naabutang na naka handa na sila?

"Kaaayeee tara na ditoo~" Sigaw ng mga kaibigan ko. Grabe ang sasaya talaga nila hindi ko tuloy maiwasan ang ngumiti sakanila.

"Mamaya mainit pa" Sabi ko sakanila at lumingon sa katapat ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at inilapag ang plato na may lamang pagkain. Okay nagtataray na naman siya kainis ang gwapo niya tuloy tingnan.

Pinagtaasan ko rin siya ng kilay at pinanlakihan ng mata. Sige makuha ka sa tingin mahal kita eh

"Eat first kaye" Matabang niyang sabi. Magsasalita na sana ako nang magring ang cellphone niya, pinagtaasan niya ulit ako ng kilay bago sinagot ang tawag.

Sumubo ako ng pagkain na inilapag niya at sumulyap sakanya. Ang seryoso niya at nakakaakit. Ang halay ng isip ko kanina pa. Sino kaya ang kausap niya? o ano kaya ang pinag-usapan nila?

Napaiwas ako ng tingin nang sumulyap siya saakin. Shitt naabutan niya ako. Mamumula na naman ako nito kainis nakakakilig kasi. Oo kinikilig ako kahit sulyap lang paano pa kaya kung may kiss? kiss? Waaah ayan ang halay na naman ng isip ko.

Sumulyap ulit ako at halos mapigilan ko na ang paghinga at paglikhang ingay dahil nakapirmi ang mata niya saakin, tapos ngumiti pa siya. Waaaah patay na ang puso ko sa sobrang kilig gosssh bakit ba siya ganyan. Iniwas ko ulit ang tingin ko sakanya nang ibinaba niya na ang cellphone at halos hilingin ko na na sana kainin nalang ako ng inuupuan ko dahil sa sinabi niya.

"Baka matunaw ako" Tapos humahalakhak pa siya.

"Ano Sir? Matunaw kayo? What? it is for real Sir?" Biro ni France nang marinig ang sinabi ni sir. Ayoko na huhuhu bakit kasi napalakas ang boses niya? Ayoko na nga.

Kumindat lamang si Sir sa kanila na nagpahiyaw sa mga kaibigan kong baliw really? Natutuwa pa siya gayong pinagloloko na kami.

"Kaye kasi iwasan ang pagtitig kay SIr baka matunaw" Pang aasar nila. My gosh si Loraine po ang nangunguna sa kanila.

Humalukipkip siya at naglakad palapit saakin. Ang hot niya talaga. Ang pagiging seryoso ng mukha niya nakakaakit talaga sobra.

"Kung yelo lang ako kanina pa ako natutunaw dahil sa mga titig mo at kung yelo ka rin kanina ka pa natutunaw dahil sa titig ko. Damn hindi ko maiwasang hindi ka titigan, bagay tayo!" Tumalikod at iniwan akong nganga.

Narinig niyo ba ang sinabi niya? Narinig niyo diba? Waaaaah

Ano raw? Para kaming yelo? Bagay kaming dalawa? Kasi ano? Matutunaw kami sa pagtitigan? Waaah huwag kang ganyan sir!

FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon