Tahimik lamang ako sa loob ng kotse ni Klein. Ayokong magsalita kahit na kanina pa siya kwento nang kwento tungkol sa babae niya.
Hanggang sa nakauwi na kami, never niyang ginawang main topic ang babae niya. Ni hindi niya man lang naramdamang nagseselos ako!
"Good night baby" Tsaka niya hinalikan ang noo ko. Ngumiti lang ako ng pilit, mukhang nakaramdam naman siya kaya tinitigan niya ako ng seryoso sa mata. Yumuko ako dahil sa titig niyang umaabot hanggang sa buto-buto ko.
"May problema ba tayo?" Mahinahong tanong niya.
Ngumiti ako at umiling.
"Ingat ka sa pag-uwi, papasok na ako" Medyo cold kong sabi sakanya pero hindi niya ako hinayaang pumasok dahil hinapit niya ng bahagya ang baywang ko. Napapikit ako dahil ang lakas ng dating niya para sa akin. Nag-uunahan sa pagtakbo ang kaba sa puso ako at ang nagsisiliparan na mga dragon sa tiyan ko.
"Spill it baby, ayokong matulog ng hindi mo sinasabi ang problema" mahinahon pa rin ang boses niya.
Hindi na ako nagpapigil pa sa aking nadarama. Kokomprontahin na kita!
"Anong bang relasyon ninyo ng babaeng iyon?" tanong ko. Wala ng paligoy-liguy dahil masakit lang iyan sa dibdib.
"Kung may relasyon kayo better ng sabihin mo nang hindi ako nas----" Pinutol niya ang dapat kong sasabihin sa pamamagitan ng halik sa labi.
Gumalaw ang labi niya sa ibabaw ng labi ko kaya tinugonan ko na ang matamis niyang halik. Nakakalasing feeling ko matutumba na ako sa paraan ng paghalik niya sa akin kung hindi lang siya nakasuporta sa baywang ko ay marahil kanina pa ako napadausdos sa sahig.
"Nagseselos ka ba?" Natatawang tanong niya sa pagitan ng halik namin.
"Aaaw.!" Hiyaw niya ng marahan kong kinagat ang ibabang labi niya.
"Nagseselos ka nga!" Natatawang pagkumpirma niya. Gumanti siya sa ginawa ko sakanya kaya napaawang ang bibig ko, nanlaki ang mata ko nang maramdaman kong nasa loob na ng bibig ko ang dila niya. It's roaming around bro!
"K-kleein!" nahihibang na ako sa ginagawa niya. Binigyan niya ako ng isa pang halik sa labi bago niya pinaghiwalay ang labi naming mapusok.
"Shit nagseselos ka baby!" Natatawang sigaw niya, literal na sumigaw siya.
"It's okay baby!" Tapos hinila niya ako palapit sakanya at
niyakap."Sino kasi siya?" Mahinang bulong ko sakanya.
"She's my bestfriend baby" Natatawang aniya.
Nahiya naman ako sa sinagot niya. Shit, iyong paraan ng pakikitungo ko sakanya hindi maatim! Bestfriend Kaye, bestfriend ng mahal mo.
Nagising ako sa sunod-sunod na pagring ng phone ko, hinanap ko naman iyon at halos mamilog ang mata ko nang makitang alas tres pa lang ng umaga.
"Hmmm?" Sagot ko sa kausap ko. Ang aga talaga.
"Good morning baby" bungad niya sa akin.
"hmm Good morning din. Ang aga pa Klein!" Suway ko sakanya, tumawa lang siya.
"Nasa labas ako ng bahay niyo" bulong niya. Namilog ang mata ko at napaawang ang bibig.
"Shit!" Pinatayan ko na siya at narinig ko na lang ang tawa niya. Nahihibang na ba siya.
Sinuot ko ang jacket ko at lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko pa ang isang kasambahay.
Bumungad sa akin ang nakatayong Klein na sobrang hot. Ang aga ko namang makakita ng gwapong hot.
Nilapitan ko siya at kumapit sa braso niya, ang aga niya talaga hindi ako sanay."Namiss kita, baby" Bulong niya at pinagtapat ang mukha namin. Natawa naman ako sa inasta niya.
"Grabe Klein, ilang oras pa lang tayong nakahiwalay namiss mo na ako agad" Natatawang sita ko sakanya.
"Eh sa namiss kita, wala akong magawa kaya pumunta na ako rito, nagbabaka sakali lang naman ako na magigising ka. Salamat at gising ka pa" Hinalikan ko siya, napangiti naman siya sa ginawa ko.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sakanya.
"Sa bahay baby" Sagot niya bakit naman kaya.
"Sige gusto ko rin makita si Mica!" sabi ko sakanya.
Ilang minuto rin ang inabot namin bago kami nakarating sa village. Nakita ko pa ang bahay naming walang kabuhay-buhay. Baka may mumu na.
"Oh na saan sina tita?" Tanong ko nang bumungad sa amin ang kadiliman ng bahay nila.
Inakay niya ako paakyat sa kwarto niya nang hindi sinasagot ang tanong ko.
Nang nakapasok na kami sa kanyang kwarto bigla siyang nahiga. Pagod ba siya?
"Tabihan mo ako baby" Request niya kaya tinabihan ko na kahit na nagtataka ako sa kinikilos niya.
Niyakap niya kaagad ako nang tinabihan ko na siya sa paghiga.
"Mamimiss kita" Bulong niya naman saakin.
"Na saan sina Tita, Klein?" Tanong ko dahil nababahala na ako.
"Nasa state baby" mahinang sagot niya, humarap ako sakanya at nakipagtitigan.
"Susunod ka?" Tanong ko.
Kinakabahan ako sa maaari niyang isagot. Tumango siya kaya lumandas na ang luha sa pisngi ko, iiwan niya ako.
"Pero kung ayaw mo hindi ako aalis, pakikiusapan ko na lang si Dad na sa pinsan ko na lang ipaasikaso ang business sabihin mo lang" garalgal niyang bulong.
For business kakayanin ko kayang ipagkait sakanya 'to? No ang gusto ko ay ang makakabuti sakanya.
"No sumunod kana sakanila. Para sa business niyo naman diba? tsaka babalikan mo naman ako diba?" nahihirapang tanong ko dahil na rin sa pag-iiyak.
"Yes baby babalik ako, babalikan kita. Mahal na mahal kita Kaye" sagot niya na nagpagaan ng loob ko. Niyakap niya ako nang umiiyak na naman ako.
Mag aalas singko na at gising pa rin kami, kahit na ayokong umalis siya kailangan. Ayoko namang nakatali lang siya sa akin tsaka para sa future niya rin ang pupuntahan niya.
"Ilang months?" Tanong ko sakanya. Naupo na ako kasi sumasakit lang ang ulo ko sa pag-iyak kanina.
Bumuntong hininga siya at umupo tsaka niyakap ang likod ko.
" 3 years baby" bulong niya halos hindi ko na iyon marinig. Nanunuyo ang lalamunan ko sa mga nalalaman ko ngayon. Aalis siya at tatlong taon pa ang hihintayin ko bago ko siya makita ulit.
"Kelan alis mo?" Naiiyak kong tanong tss umiiyak na naman ako.
"Sa sunod na araw na baby" bukas? bukas na ang alis niya?
"Ang bilis naman yata!" Bulong ko.
"Pigilan mo lang ako baby hindi na ako aalis promise" hinarap niya ako at pinunasan ng hinlalaki ang luhang lumandas sa pisngi ko.
"Hindi, para ito sa future mo para na rin sa ating kung sakali man. Mahal kita kaya hindi ako hahadlang sa magiging future mo. Tama na ang pag-give up mo sa pagtuturo ng dahil sakin. Please klein, balikan mo ako kapag natapos na ang 3 years. Mahirap pero kailangan. I love you baby" Bulong ko.
Tama na kahit mahirap man iyan kailangan nating tanggapin alang-alang sa magiging future natin. Nasaktan na nga ako dahil sa paggigive up niya sa pagtuturo pati ba naman ito? Hindi ko hahayaang pangunahan na naman ako ng pangambang hindi niya ako babalikan.
May tiwala ako sakanya may tiwala ako sa pagmamahal niya saakin.
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Roman d'amour"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...