FATED 17

3.7K 74 2
                                    

Shit nahihiya pa rin ako sa sarili ko dahil sa nangyari. Sino ba ang matinong tao ang kayang asarin ang teacher niya? well bukod saakin ay wala yatang iba pa.

Nakakainis kahit matagal na ang nangyari naalala ko pa rin. Kung paano siya mamula sa sinabi ko, kung paano nagtaka si Mica. Kung paano kami titigan ni Mica at kung paano namin asarin ang kuya niyang parang kamatis. Hindi man lang nakapagsalita si sir! Baka nahihiya? o baka naman natauhan na? nainlove na saakin?

Patapos na ang summer at pasukan na naman. Pauwi na kami galing palawan. Ilang buwan nalang hindi na Mendoza ang dadalhin ni mommy kundi Cruz. Ako nalang at ang ibang mga pinsan ko na kapamilya ni Dad ang Mendoza.

Ayokong mawawalan ng alala si mommy kay dad kaya kung pwede lang huwag tagalin ang Mendoza sa pangalan niya. Gusto ko rin si tito Dino para kay mommy kaso nalulungkot lang ako kapag naalala kong magpakasal na si mommy soon.

Ang lifestyle ko parang lubid na kapag nabuhol ay mahirap mong paghiwalayin sa bawat parte nito. Sa totoo lang naguguluhan na ako. Saan-saan na lang kasi napupunta ang pag-iisip ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Shit grabe na ito bakit siya nasa labas? bakit siya nasa labas at naka nakatopless pa siya. Tell me may inaakit na naman ba siya? Tsk.

Iniwas ko ang tingin ko sakanya nang magtagpo ang mata namin, seriously? alam niya bang tumatalbog ang puso ko? Nagiging abnormal na naman ang puso ko. Heto eh, ganitong eksena ang gusto nila. Isali niyo na rin itong mga nagsisiliparan sa tiyan ko. Parang ewan.

Grabe kanina pang tumatakbo ang puso ko. Gustong-gusto na talaga nito lumabas at hanapin ang may kagagawan ng pagtibok nito. Shit behave heart, ngiti niya pa lang iyon. Ngiti pa lang iyon nagwawala kana. Paano na kung higit pa sa ngiti ang ginawa niya?

Nataranta akong hinanap ang cellphone ko, umiiwas ako. Natatakot akong matuklasan niya ang reaksyon ko pagdating sakanya. Tinext ko si Loraine, kailangan ko ng kausap. Pakiramdam ko malalagutan ako ng hininga kapag hindi ko ito mailabas ng todong-todo. Hinang-hina na ako dahil natatakot ang tumili nang malakas. Baka mag-alala lang si mommy at magtanong pa ng kung ano-ano. Edi malalaman niya na kung sino ang snail na sinasabi ko, malalaman niyang ang anak niya ay naglalandi? at sa teacher pa nito. Magka-award pa ako kay Mommy!

Me :
Meet me, Loraine sa dating place.

Nagpaalam ako kay mommy nang nagreply si Loraine ng okay. Sakto namang may taxing dumaan kaya sumakay na ako. Ramdam ko ang paninitig si Mr. Malvin Klein Aquino! Nakakalaglag panga!

Nakapagdesisyon na ako at pinal na ito. Kailangan kong isakatuparan ang mga pangarap ko, mahirap man o madali laban lang nang laban dahil bawal ang bawi. Bawal ang sumuko, bawal ang nega at bawal ang maharot. haha

Bahala na si batman kung saan man hahantong itong kabaliwaan ko. Hindi ko lang kasi makakayang mawala nalang bigla. I mean kailangan kong makasiguro. Kung gusto ko siya edi gusto. Kung hindi ko siya gusto edi hindi. Bakit kailangan ko pang lumipat ng ibang school?

Pahihirapan ko pa ang sarili ko!

Duwag nga siguro ang maitatawag kung lilipat ako pero promise hinding-hindi na ako lilipat bahala na si batman. Paki ko ba kung hindi niya ako gusto? paki niya ba kung gusto ko siya?


Sobra-sobrang pamumula ng mukha ang ibinungad ko sa nakangusong Loraine. Ano kasi, ewan hindi ko alam parang pakiramdam ko hindi na maalis-alis ang pamumula nito. Isang araw na ang lumipas noong araw na iyon. Umalis pa kami para magbakasyon sa bahay ng mga lola ko tapos nagpunta pa kami ng palawan imagine? Till now hindi ko parin nakakalimutan ang kabaliwan ko that time. Ewan parang mas nahiya ako noong oras na inalala ko ang lahat. Dahil dati rati kapag inaasar ko siya wala lang, cool lang at ineenjoy ang reaksyon ng mukha niya pero bakit ganon? nag-iba at bakit parang pakiramdam ko nagtapat lang ako ng nararamdaman sakanya? Ganon ba talaga kapag inlove ka? Lahat nalang maisip mo. Nag-iimagine ng mga bagay bagay.

Na mayroong Kaye at Klein sa huli, na may happy ending ang ganitong pagmamahalan. Na posible naman talaga ang guro at estudyanteng pag-iibigan. Wala namang mali hindi ba? ang mali lang ay ang pagkakataon, ang tadhana na mapaglaro.

We've been fated in this situation. We've been fated by the fate.

"Tulala ka ate, confirm may sasabihin ka nga" naguluhan ako sa sinabi niya. Ano kinakausap niya pala ako? Seriously? Naiwan yata sa labas ng bahay at pinapanood si sir.

grabe sobrang nakakahiya tapos ano 'yong topless siya shit. Ano ba naman Kaye, topless nalang ba ang naiisip mo?

"Nakapagdesisyon na ako. Bahala na kung anong kalabasan nito. Basta ang alam ko lang ay pinagbigyan ko ang kagustuhan ko. Selfish na kung selfish, heto kasi ang gusto ko. Kahit alam kong maaring masaktan lang ako kapag nagkataon. Pero okay lang, ayos lang basta alam kong sa sarili ko na may ginawa ako para mapasaya ang sarili ko" Marahan kong sabi. Hindi ako makapaniwala na nasabi ko nga ang lahat ng ito.

Kinuwento ko na sakanya ang lahat at hindi ko alam lung bakit pati siya ay namumula na rin. Ang sabi niya kinikilig lang siya sa akin. Parang sira 'to, lalaki ba ako para kiligin siya?

"Nga pala Loraine, kamusta kayo ni France? May bago ba?" Hindi niya ako sinagot. Basta nabigla lang ako kasi nag-iba ang itsuraniya pagbanggit ko sa pangalan ni bakla. Ano bang nangyayari sakanilang dalawa?

"He hates me ate. He wants me to avoid him, he wants me to get lost and he cursed me to die" ngayon alam ko na malaki ang problema niya.

Shit ang baklang iyon. Nagpapa-iyak ng babae.

"Issh stop crying, baka isipin nila pinaiyak kita. I'm sorry for that. Hindi bale kakausapin ko si France. Stop crying na" Pag-aalo ko sakanya.

Kaainis na baklang 'yon. Ang dami niyang alam, nakasakit pa siya ng damdamin ng babae.

"No. Nakakainis kasi inunahan niya ako. Ako ang babae dapat ako ang magsabi non. Ang landi niya feeling babae siya. I cursed him too" Matigas niyang sabi.

Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa kwento niya ngayon. Naku nangangati na ang bibig kong pagsabihan ang baklang. Humanda ka France ang hirap mong amuhin.

"Humanda siya sa revenge ko. Ang landi niya promise hindi ko palalampasin 'to. Tapos nagstatus pa siya na kadiri ako, nakakainis" Ang sama mo France. Anomg kadiri? Wala na siyang respeto sa babae.

Humanda ka talaga Francisco Dela Victoria!

"Try mong mag-online mamaya ate nang makita mo ang kalandian niya. Letse sinaktan niya ako" Wala na.

Bumigay na naman siya. Ang daming luhang nasayang ni France. Mabatukan nga kapag nagkita kami.

"Sige mamaya, basta tama na ang kakaiyak. Dapat irampa ang kagandahan. Hayaan mong siya ang hahabol sayo" Sabi ko sakanya.

Naloloka na ako kung dati'ati ako ang nagsabi sakanya na habulin siya at ngayon naman ay hayaan ang baklang iyon ang humabol. Nako minsan nga magpa-check up na ako baka hindi na to healthy.

Naglalakad kami ni Loraine. Kakatapos lang naming kumain. Kailangan ko siyang pasayahin ng bonggang bongga.

"Loraine tingnan mo yun oh tinitingnan ka may crush yata sayo" turo ko sa binatilyong kanina pang nakasunod ang tingin kay Loraine.

Mukhang first year high school.

"Tse wala akong time sa ganyan. May pinaghahanda pa akong eksena sa pasukan. Kung hindi umayon sa plan A sa plan B naman kung hindi rin aayon, sa plan C hanggang sa maging plan Z. Siguradong akong maiiyak siya sa kakahingi ng tawad. Grabe iniinis niya talaga ako" Gigil na gigil siya sa bawat pagbitaw ng salita.

Seryosong-seryoso talaga siy. Humanda kana talaga Francisco.

FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon