Kasama ko ngayon si Loraine at isang ito ay hindi marunong magtatago ng sikreto. Kinuwento niya saakin ang naging sagutan nila ni France.
Tapos umamin na rin si bakla na pusong babae siya. Kawawa naman itong si Loraine, nagka-crush pa sa isang bakla. Hindi niya na nga pinapansin si bakla including me.
Taampo yata siya dahil ang nasa isip niya pinagloloko namin siya. Sinabi ko naman sakanya na hindi, gusto ko lang talaga mabago si France. Gusto ko siyang maging lalaki
"Titigilan ko na talaga siya ate Kaye" Pinal niyang sabi. Kanina ko pa nga siya kinukumbinsi na huwag sumuko. Susuuko kaaagad e hindi pa nga nasusubukan!
"Bukas na 'yung prom hahayaan mo bang mag- isa lang siya sa araw na yun?" Malungkot na tanong ko sakanya. Huminga naman siya nang malamin at tiningnan ako.
"Ate nakakapagod ng habulin ang taong pilit namang lumalayo, okay lang sana kung nagpapahabol siya pero hindi eh. Pinagtatabuyan niya pa ako and worst, kadiri ako" malungkot niyang untag.
Hinawi ko ang buhok niya at mariin kong tinitigan ang hazelnut niyang mata. Naamamaga rin ang ilalim ng mata niya.
"Gusto mo siya hindi ba?" Tanong ko. Tumango siya nang marahan at napapikit.
Hindi ko alam kung bakit pinagpipilitan ko si Loraine kay France, eh ang bata bata pa nimo. Ang bad ko naman ate, diba!
"Nakakainis kasi bakit sa bakla pa ako nagkagusto" Naiinis niyang sabi.
Naiintindihan kita Loraine, kahit naman ako naiinis din. Sa dinami-rami ba naman bakit sa teacher ko pa?!
"Hindi naman siya bakla, pinipilit niya lang maniwala na bakla siya nasabi niya iyon nang tumibok daw ang puso niya kay Xavier." Kwento ko sakanya.
Si Xavier iyong crush ni Shaya.
"Sa tingin mo ba ate mababago ko pa siya?" Tanong niya saakin.
Alam ko naman na hindi talaga siya bakla, I mean. Not totally na bakla, hindi ko nga rin alam kung bakit nagkakaganyan yan! Dahil lang kay Xavier? talaga ba!
"Mababago mo siya kung gugustuhin mo, tandaan lahat ng bagay kayang baguhin kung gugustuhin lang natin" marahan kong ipinapaintindi sakanya ang lahat ng posibleng mangyari kung gugustuhin, totoo naman diba?
Ako gustong-gusto ko pero hindi maaari. Hindi pwede, masasaktan lang ako. Hindi na dapat humigit pa sa crush!
"Paano kung pagtatabuyan niya pa rin ako?" Tanong niya.
Nakita ko ang akot sa mga mata niya at pangangambang hindi mabago ang lalaking gusto niya.
"Kung kaya pang habulin hahabulin hanggang sa maabutan. Tandaan mo kung pakipot mang siyang lalaki nasa iyo ang lakas para gawing madali ang lahat ng sa inyo. Ang kailangan mo lang mapaniwala ang sarili mo na kayang-kaya mo siyang mapamahal sayo dahil alam kong naguguluhan lang si Francisco sa nararamdaman niya sayo try to make him feel jealous iparamdam mo sakanya na karapat dapat ka para sa kanya, pero dapat hinay-hinay lang. Bata ka pa naman, bata pa tayo. Gawin nalang natin insporasyon ang mga taong nagpapasaya saatin." Paliwanag ko sakanya, tsaka ko siya binigyan ng isang mahigpit na yakap.
Sana lang magtagumpay kami sa nais naming mangyari. Hindi naman mahirap mahalin si Loraine at alam kong walang kahirap hirap niyang maturuan ang tulad ni France.
Lahat ng bagay nagbabago. Lahat ng nararamdaman ay nagbabago tulad nga ng sinabi ko madali lang baguhin ang isang bagay o nararamdaman kung gugustuhin mo. Kahit ako pansin kong may nagbago at nagbabago sa pang araw-araw na buhay ko. Hindi ko lang kayang alamin kung ano.
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Romans"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...