FATED 34

2.6K 57 0
                                    

Kaye's POV

Lalabas na ako ngayong araw grabe lang ang mga dinanas ko ayon na rin sa kwento ni Mom. Hala grabe antok na antok siguro ako kaya halos 10 araw akong tulog at walang malay, creepy at mabuti na lang nagising pa ako. Malay ko bang habambuhay na akong matutulog. Baka naman may humalik saakin? Tulad ng Sleeping beauty? Baka may ganoong nangyari at hindi ko lang naabutan ang gumawa non.

Hay naku hindi bale na nga lang. Past is Past, dadalawin ko na lang si Dad at ikukwento sakanya ang sinapit ko. Baka isipin ni Dad nawiwili na naman akong matulog kaya natagalan sa paggising? Sana kasi nagset ng alarm ang nurse na naabutan kong tinuturukan ako ng kahit ano-ano.

Mapagsabihan nga si nurse next time.

"Halika na anak naghihintay na ang tito mo" ngumiti lang ako.

Yes makikita ko na ang mundong sampung araw kong hindi nakita. Nga pala anong nangyari sa akin? Bakit ako nakatutulog ng sampung araw talaga? Wala naman ako sakit eh? matanong nga si Mom.

"Mommy bakit ako nasa hospital? May sakit ba ako? Cancer ba mommmy? huhuhu!" Naiiyak na tanong ko kay mom. Malay niyo cancer tapos stage 4 na tapos mabubuhay nalang ako ng tatlong araw. Ang saklap naman. Sana hindi nalang din ako nagising kung ganoon dibaaaa?

"Car accident Kaye, huwag ng maraming tanong ah? Sasakit ang ulo mo n'yan" Suway saakin ni mom. Hay naku gusto ko sanang sabihin na sana hindi niya nalang sinabi na sasakit ang ulo ko kaya eto inda ang sakit. Feeling ko nahahati sa dalawa ang ulo ko.

Kumapit na lang ako kay mom para hindi matumba kung sakali. Tsaka hindi ko rin pinahalata na nakakaramdam na naman ako ng sakit gaya noong isang araw. Malay ko may narinig lang naman ako nagsasalita sa labas ng kwarto ko, kuya lang naman ang narinig ko para na namang nabibiyak ang ulo ko. Parang melon lang na mabibiyak ano mang oras.

Nagmano ako kay tito at sumakay sa sasakyan niya. Masayang silang dalawa kaya masaya na rin ako.

Traffic dahil may truck na nakaharang sa dinaanan namin na halatang nawalan ng gasolina o nasiraan para namang ako nakakita ng multo dahil sa gulat. Nagpapanic ang buong kalamnan ko, anong gagawin ko? Nanginginig ako. Sumasakit na rin ang ulo ko.

"Uhh!" Inda ko at marahang hinawakan ang sumakit kong ulo. Naiiyak na ako sa sakit, gosh anong meron sa truck at bakit parang may nagrerecall ngayon sa utak ko?

Masakit sa mata ang umiilaw na truck.

"Kaye, anak!" Taranatang tawag ni mom sa akin. Bumaba sila at lumipat sa back seat. Shit na malagkit masakit talaga ang ulo ko. Feeling ko isang untog na lang mababasag na ako.

"Anong masakit?" Tanong nilang dalawa kung hindi lang talaga masakit ang ulo ko.

"Uurrgh shit shit shit!" Napapamura na ako at hawak hawak na ng dalawang kamay ko ang ulo ko. Feeling ko kapag hindi pa kami nakaalis dito ay mawawasak na talaga ako.

May pinainom si mom sa akin kaya hindi rin nagtagal ay nawala ang pagsakit ng ulo ko at nawalan na rin ako ng malay, weird.

Nagising ako na nasa sariling silid. What the? hindi na masakit ang ulo ko, weird sobra. Sobrang-sobra.

Ay muntik ko ng makalimutan, pupuntahan ko pala si dad ngayon. Naligo ako dahil amoy hospital pa rin ako. Pagkatapos kong maligo'y at mag-ayos ay bumaba na ako. Naabutan ko si mom may kausap, weird dahil tumibok ang puso ko. Kinakabahan ako? yata? ano ba ito?

I just ignore my heart that keep on beating.

"Hi mommy" Tapos humalik ako sa pisngi niya. Taka kong tiningnan ang kausap ni mom.

Uh sumasakit na naman ang ulo ko. Hinayaan ko na lang kasi baka mag- alala na naman si mom at hindi pa ako payagang umalis.

"Mommy wedding planner niyo?" Tukoy ko sa kausap ni mom para naman akong binatukan sa sinagot ni mommy.

"He's your professor, hindi mo na maalala?" Tanong ni mom, wait try kong halungkatin sa utak ko.

Wala. No memory can be found.

"Uh-uh? Nope, sige na mom pupunta po ako kay Dad. Bye sir!" Paalam ko kay mom at sa professor ko kuno seriously?

Sumakit na naman ang ulo ko kaya umalis na ako at iniwan silang dalawa don. May sakit ba ang puso ko at walang tigil sa kakatakbo? Napahawak na lang ako rito at marahang pinukpok. I hate it, pamilyar na nararamdaman. Masarap pero kasalungat ng nararamdaman ko. Ang sakit ng ulo ko, mabibiyak na ito sa sobrang dami ng images nagrerecall sa utak ko.

Pinara ko ang taxing dumaan. Relax, head. Rumelax ka, ano bang ibig sabihin ng mga pictures na ito? Pero isa lang ang masasabi ko. Masasayang alaala ang nakabaon dito.

"Dad natulog ako ng sampung araw. Alam niyo ba na before ako magising ay napanaginipan kita? Sabi mo pa sa akin ay dapat na akong magising kasi may naghihintay saakin. Totoo nga na may nag-aabang sa akin Dad hihihi!" Humagikhik kong kwento kay dad. Totoo iyon kung hindi ko pa nakita si Dad sa panaginip ko hindi ako magigising. Aba malay ko bang may balak pala siyang gisingin ako? huhuhu.

"Inaabangan nila Mom ang pagdilat ko, nakakatuwa at the same time naguguluhan ako bakit kasi ako nasa hospital? Hindi naman sinasabi nila mom ang dahilan. Ang sinasabi niya lang car accident. Oh bakit ako nadisgrasya?" kwento ko kay Dad.

"Basta ang narinig ko lang ay Amnesia? Ewan? Parang iyong kanta ng SOS kaloka Dad!" Kwento ko kay Dad talagang kinakabaha ako simula nang dumilat ako.

"Ano kaya ang mga alaalang nakalimutan ko? Sa tingin mo Dad, ano ang nangyari before ako maaksidente?" Tanong ko.

Pilit ko namang alalahanin ang mga nakalimutan ko pero bakit ayaw ng isip ko? Sumisigaw na ang puso ko dahil gustong-gusto na nito maalala ang alalang ayaw namang balikan ng isip ko.

Shit anong papairalin ko? Konektado ang isip at puso ko. Tama pa bang nagising ako ng hindi ko maalala ang lahat? Kalahati ng ako ang naiwan sa nakaraang ayaw namang magpakita saakin.

Sana hindi na lang ako nagising kung ganito rin ang nangyayari. Feeling ko may nasasaktan akong tao sa bawat kilos ko, nararamdaman kong nasasaktan ang taong kausap ni Mom pero hindi ko maisip kung anong dahilan.

Sana kayang ipaliwanag ng puso ko ang nangyayari sa akin. Hindi ko maasahan ang isip ko rito dahil unti-unti ng kinakalimutan nito ang meron ako sa nakaraan.

Past is past, pilit na sinisigaw ng isip ko.

FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon