"Congratulations Graduates!" Kaagad namang lumikha ng ingay ang mga estudyanteng kaka-graduate lang kasama na ako.
Sobrang saya talaga namin. Tapos na namin ang kalbaryo ng high school at ngayon simula naman para tahakin ang mundo ng kolehiyo.
Nagsi-tayuan na ang iba at ang iba naman ay nagpipicture taking with friends kasama na kami. Mamimiss ko sila. Mamiss ko talaga sila! Sasabihin ko bang bye bye school na?
"Papicture tayo guys" Masiglang sabi ni France at naghanap ng taong mauutusan na kuhanam kami ng litrato.
Nakiusap siya sa kakilala namin pero hindi namin ka-close, pumayag naman siya kaya pumuwesto na kami. Pumagitna ang dalawang lalaki sa amin si France at Lester. Hindi ko ho alam kung bakit nandito si Lester, feeling graduates din siya. Sino kaya ang pinunta nito? hindi man kang nagsabi saakin. Siguro gusto niya lang supresahin at suportahan kami. Pero may alam ako na hindi nila alam.
May alam ako na ang alam nila ay hindi ko alam. Gets? Mga tinatago nila, tsk. Anong akala nila saakin? Slow? tsk tsk.
"1 2 3 smile" Mabilis niyang binigay kay France ang camera pagkatapos ng dalawang shots.
Blur 'yung isang kuha kasi ang likot likot ni Francisco. Sino kaya ang hinahanap niya. Ang Unang kuha kasi hindi siya nakatingin sa camera samantalang ngiting-ngiti naman kami tapos may kamay pang humawak sa baywang ni Mei. Sinasabi ko na nga ba!
OMG Natawa nalang ang sa pagsisikreto nila.
"Bye guys enjoy your day remember may outing tayo" Paalala ni Shaya. Yah outing.. Bonding kasama ang barkada.
Tumango-tango lang kami at pumunta na sa kanya-kanyang parents na kanina pa naghihintay saamin.
"Congrats anak" Masayang bati ni Mommy. Kasama niya si Tito Dino na bumati rin saakin at nagsimula ng magmaneho .
Dapat masanay na ako. Ilang buwan nalang magiging Step Dad ko na siya.
Sanay na ako tanggap ko na nga diba, Kaye? kailangan din ni Mommy na sumaya, bumuo ng bagong pamilya.
"Anak sigurado ka bang ayaw mong magcelebrate?" Tanong ni Mommy. Ayokong magsaya kung ang puso ko durog na durog. Kung makakalimutan lang itong sakit sa pamamagitan ng party or what ever matagal ko ng ginawa.
"Hay naku basta kakain tayo sa labas okay? Mag-iimbita ako!' sambit ni mommy. Ayaw papigil eh.
Ngumiti lang ako. Umuwi kami ng bahay dahil mamaya pa kami kakain sa labas. Magpapahinga raw muna ako at may gagawin pa sila Mommy, hindi nalang ako umangal at pumanhik sa kwarto ko.
Excited na akong matulog. Pakiramda ko nakikipag-usap ako sa kama ko paano ba naman hinihila na nila ako.
Inaantok ako :/
Inayos ko lang saglit ang sarili ko at nahiga sa kama. Napabangon ako nang may mahigaan akong matigas na bagay. Hala.
Inalis ko ang kumot at bumungad saakin ang isang kahong pahaba. Kulay itim at may rosas na ribbon.
Tatanungin ko na sana si Mommy nang mapagtanto kong mag-isa lang pala ako dahil may aasikasuhin nga sila.
Ngumuso ako at sinuri-suri ang bawat sulok ng kahon na ito purong itim lamang ang nakikita ko. Wala ng iba paano ba naman kahon ito malamang wala kang makikita.
Sa akin kaya to? Sa akin siguro ito kasi nasa kwarto ko tsaka kung kay Mommy man ito sana nasa kwarto niya at hindi rito.
Itinabi ko na lang at nahiga na. Grabe inaantok ako. Late na ako nakatulog kagabi sa kakaisip. Paano ba naman ako makatulog kung iniisip ko ang mga sinasabi niya.
Tsss lahat ng salita niya puro paasa. Lahat ng sasabihin niya gustong paniwalaan ng puso ko . Pero mahirap na baka madurog ng husto ang puso ko.
Ano bang mali? Bakit nasasaktan ako eh nagmamahal lang naman ako? Bakit ganon? Bakit ang gulo? Bakit kahit pinipilit ko namang umiwas sakanya hindi parin ako nagtatagumpay, kahit na ilang lunok at paliwanag na ako sa sarili ko'y wala pa ring epekto!
Parang tinadhana na magtatagpo pero... Hinding-hindi magkakatuluyan!
Ang malas lang eh kung kailan natuto na ako magmahal tsaka naman ako masasaktan.
Namimiss ko na siya. Nakakamiss na ang pamumula ng mukha niya. Ang pagkukunot ng noo niya. Ang pagdikit ng kilay niya. Anh mukha niyang gwapo. Ang hugis ng mukha niya ang gwapo. Gwapo niyang mukha namimiss kong makita.
Puro na lang ba gwapo Kaye? Pagmamahal ba yan? nasa mukha talaga?
Damn! I really miss him. Makakaya ko kaya na mawala siya sa paningin ko? Shempre hindi naman nakakamatay kapag mawala siya diba? Normal lang naman ito. Ang kailangan ko lang gawin ay ibaling sa iba ang paningin ko!
Ano bang dapat kong gawin? Labanan o ipaglalaban ang nararamdaman ko para sakanya?
Bahala na nga. Nakaka-istress ang mag-isip!
"Mommy sayo po ba ang kahon nasa kama ko?" Tanong ko kay Mommy.
Paalis na kami at ngayon ko lang naalala dahil may inabot siya saakin na box.
"Sayo iyun anak regalo ng Tito mo" Nakangiting sabi ni Mom.
Akin pala sana binuksan ko na kanina. Ain naman pala eh hindi bale mamaya nalang pagkauwi namin.
"Samalat po tito" Tinanguan lamang ako ni tito at binati ako ulit. Pakiramdam ko graduate na ako ng college. Gusto ko na kasing humanap ng trabaho. Parang nakakatamad ang mag aral na lang lagi. Tapos mas nakakatamad kung may boring kayong teacher. haish!
Ayoko na.
Luminga-linga ako nang huminto si tito sa pagda-drive. Sa tingin ko rito kami kakain.
Papasok pa lang kami marami ng tao tsaka nandito sina France. Ang baklang ito."Hi Kayeeee!" Napalingon naman ako nang pasigaw akong binati ng apat kong kaibigan. Anong ginagawa nila rito? Lester, Mei, Shaya, Loraine at France.
Mga friendships ko. Mga taong maiiwan ko kung sakaling lilipat talaga ako!
"Oh? Bakit kayo nandito?" Pagsusungit ko sakanila. Tinarayan lang nila ako. As in sabay sabay sila sa pag-iirap saakin. Diyos ko nag-usap ba itong limang ito na asarin ako ngayon?
"Bakit nga? Kayo lang?" Tanong ko ulit sakanila. Ngiting- ngiti naman sila na parang walang nangyaring tarayan.
"Marami sa loob" Sabay nilang sabi at hinila ako papasok sa isang room for private only.
Napalaki ang mata ko at bigla akong tumalikod. No! aalis na sana ako nang padarag akong hinila ng lima. Shit five vs one? Huhuhu help me!
"Shit bitawan niyo ko" Mahina kong sabi sakanila huhuhu hindi ko kaya ang humarap sakanya. Hindi pa handa ang puso kong ipaglaban siya.
Kahit na ayaw kong makasalamuha siya hindi pa rin pinagbibigyan ng tadhana. Are we fated to see each other? To encounter each other? Are we fated to love each other? or Am I fated to love him? And he was fated to love me as his student only? Shit!
"Kailangan mong harapin ang iniiwasan mo" Bigla nilang sabi.
Shit shit shit! Namilog ang mata ko sa sinasabi nila shit lang.
"Shit pinagsasabi niyo? Bitawan niyo na ako" Pagmamaktol ko sa lima. Ayaw talaga nila akong bitawan.
"Face your fear Kaye" Bulong na naman nila. Hinarap ko nga at pinagsasapak isa-isa.
"Tsee ano ano nalang ang lumalabas sa mga bibig niyo tsss!" Tsaka ko sila iniwan at lumapit sa table nila Mommy. Wala na face my fear daw eh
Sa table nila Mommy kung na saan katapat lang ng table nila Sir! Walang hiya!
"Thanks s-sir!" Saka ko kinuha ang inabot niyang regalo. Shit nag-abala pa. ah puro ako mura!
Damn! Paano kita makakalimutan kung gaganyan- ganyan ka? Kung wala kang balak na saluhin ako please naman huwag kang papansin! Huwag kang paasa Sir! Ibalik mo nalang mga tupperware ni Mommy nang sa ganon wala na akong dahilan para makita ka pa pagkatapos nito!
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Romance"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...