"May problema ba tayo asawa ko?" Tanong niya nang mapansing masama ang tingin ko sakanya.
"Wala naman" Hiyaw ko sakanya tsaka ko siya hinayaang lumandi. Lalandi rin ako pero joke lang.
"Hey!" Pinandilatan ko lang siya ng mata at tinanggap ang alok ng isang lalake sa akin. Ngumiti ako sakanya at bumaling sa nakabusangot na mukha ni Klein.
"Let's go?" Aya ko sa lalaking kaharap na ngayon.
Sumayaw kami sa gitna at nagkaroon ng konting chitchat.
"Btw what's your name?" Tanong nitong gwapong batang ito haha mukha kasi siyang bata.
"Francess Kaye" Nakangiti kong sagot habang nakikisway sakanya.
"Oh parang princess lang, can I call you princess?" Tanong niya. Lagi nalang ganyan ang mga sinasabi nila, pero okay lang feeling ko kasi princess talaga ako.
"Tsaka bagay naman sayo parang kang prinsesa" Aysus nambola pa ang batang ito.
"Ikaw talaga bata ka" Suway ko sakanya tumawa lang siya at nagpaulan ng mga jokes.
Natatawan rin naman ako kasi panalong-panalo sa akin ang jokes niya.
Napalingon kami nang may tumikhim.
"Huwag mong pansinin!" Bulong ko kay Lance.
"Ikaw talaga ate, pinapaselos mo pa asawa mo" Nakangusong suway niya sa akin na nagpaawang sa bibig ko. Mukha ba kaming mag-asawa?
"Hindi ko siya asawa noh. Assumero lang talaga siya" Sita ko sakanya.
Napalaki ang mata ko nang hinila niya ako palayo sa batang kasayaw. Hinapit niya ako sa baywang at inilagay sa batok niya ang dalawang kamay ko.
"Ang bad mo kawawa naman si Lance" Sita ko sakanya napakamot nalang si Lance at umalis sa gitna.
"Hindi makuha sa tingin eh. Edi sa kilos" Bulong niya sa mukha ko at bumuga pa ng hangin. Napapikit na lang ako dahil ang init lang non at amoy mouthwash hahaha
"Kahit na" Suway ko habang nakapikit pa rin.
"Bakit? Nag-enjoy ka ba sa pagsasayaw sakanya?" Seryosong tanong niya kaya dumilat na ako at inirapan siya.
"Ikaw yata ang nag-enjoy sa ating dalawa" ganti ko sakanya nakuha niya pang ngumiti gayong nag-aapoy na ako sa selos.
"Sus. Nagseselos ka na naman? But I like it baby. Ayoko lang ang salitang pinapaselos mo rin ako" Seryosong sabi niya . Ngumuso lang ako pero good timing kasi hinalikan niya ako ng sandali lang. Maas lalo pa akong ngumuso kasi hindi ko na feel kaya ayon at hinalikan niya ulit ako ng tatlong beses.
"Nagseselos ka sa bata?" Natatawang tanong ko, nginisian niya lang ako.
"Baby walang pinipiling tao ang selos basta maramdaman mo na lang na nag-iinit ka at gusto mo ng pumatay ng tao sa sobrang selos" aniya na nagpagulat saakin.
"Pumatay talaga?" Tanong ko.
Ibang klase itong Malvin Klein na ito!
"Uh huh papatay ako kapag papaselosin mo na naman ako" Ngising sabi niya.
"Really?" As in gagawin niya. Makukulong siya at masisira sa lipunan. Hindi ko iyon kaya!
"Yes kaya huwag mo na akong paselosin pa" seryosong sabi niya.
"Hindi kaya obsess kana niyan?" Ngising tanong ko sakanya. Marunong din ako.
" Inlove ako sayo, inlove na inlove okay? Isa pa hahalikan na kita" Banta niya edi okay isa pa.
"Baka napipili--" Tinikom niya na ang bibig ko gamit ng kanya okay. Good job Klein, gusto ko ng halik.
"Hindi ka lang pala iyakin napakaselosa mo rin at matigas ang ulo. Pero sige lang, nagugustuhan ko naman bawas bawasan mo lang ang pa-iyak!" aniya. Niyakap ko nalang siya para hindi niya makita ang mukha ko feeling ko namumula ako.
Ang daming alam nito! Lalo akong nahuhulog.
"Gising ka pa?" Tanong ko sakanya. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano. Aalis na naman siya bukas at huling gabi na namin ito.
"Yes bakit?" Tanong niya at pinaharap ako sakanya. Hinalikan niya ang noo ko at niyakap.
"Babalik din naman ako baby!" Nahihirapan din siya.
"Alam ko naman iyon ang point ko lang ay malalayo ka na naman saakin. Magiging zombie na naman ako ulit!" paliwanag ko.
Natawa siya sa zombie na sinabi ko. Totoo, mawawalan na naman ng kulay ang buhay ko.
"Hindi naman ah nasa puso mo lang naman ako at ikaw nasa puso at isipan ko. Nakatatak kana Kaye sa bawat parte ng katawan ko" sus nakuha pang mambola.
"Weh hindi nga?" biro ko, naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko kaya yumakap na ako ng mahigpit sakanya.
"Mamimiss na naman kita!" aniya sa malungkot na boses, kahit naman ako Klein. Mamimiss talaga kita
"Mag-oonline ka naman siguro?" Tanong ko. Tumango naman siya at bahagyang tumawa.
Magkasama kami ngayon, huling gabi na namin ito. Pagkatapos nito'y hahanap-hanapin ko na naman siya.
"Matulog kana Klein!" sabi ko dahil wala yata siyang balak sa tumigil kakakwento niya baka mapagod pa siya.
Ngumiti siya at binigyan ako ng matamis na halik. Tumugon ako at marahan kong kinagat ang ibabang labi niya. Mukhang nagulat siya pero baon ko ito para sakanya.
Naramdaman ng labi ko na ngumiti siya kaya pinasok ko na ang dila ko at nakipaglaro sa malikot niyang dila.
"Ahhh!" Hiyaw ko nang sipsipin niya ang dila ko. Sipsip na may kasamang kagat.
"Matulog na nga tayo bago ko makalimutang girlfriend pa lang kita" sigaw niya.
Hinampas ko nga baka magising sina Tita eh loko talaga ito.
"Nanggigigil na ako sayo misis kaya pagbalik ko dapat handa ka nang maging Mrs. Aquino!" Sabi niya na nagpaawang sa bibig ko kahit kailan talaga to.
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Romansa"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...