Waaaaah ayoko na. Ayoko na. Ayoko na feeling ko masisiraan na ako ng bait. Umuwi ako at hindi na nakiparty sa mga kaibigan ko.Shaya:
Bakit ka tumakbo bigla? Na saan kana ngayon? nag-alala na kami.Ako:
Nasa bahay na ako, pasensya na sumakit kasi ang ulo ko. Next day na lang tayo magparty.Shaya:
Sigurado ka bang okay ka lang?Ako:
Yes, pasensya na.Nagpagulong-gulong ako sa kama. Shit wala talaga akomg magawa. Bakit kasi ako tumakbo kanina? Nakakainis naman kasi eh. Subukan mong mawalan ng alaala tapos babalik ng biglaan.
Naninikip ang dibdib ko kapag naalala ko siya. Naiiyak na naman ako, malala na talaga ako sobrang. Pinilit ko na lang matulog kahit hindi naman talaga ako inaantok. Pero hindi rin nagtagal naka tulog na ako.
Nagising ako sa sunod-sunod na kato. Nabigla yata ako sa pag gising ko kaya sumakit ulo ko.
Sinilip ko muna ang sarili ko sa salamin. Mugtong-mugto ang dalawang mata ko at namumula naman ang ilong ko halatang umiyak ako.Umiyak ako habang tulog? Ganoon na ba talaga kasakit ang nararamdaman ko? Kahit sa pagtulog ko'y nararamdaman ko pa rin.
Bunuksan ko ang pintuan at nakita ko ang nag-alalang mukha ni mommy kasama niya si tito Dino.
"Anak sumama kana kasi sa amin ng hindi na kami nag aalala sayo" Suhensyon ni mommy.
Simula kasi noong kinasal sila ni tito. Kay Tito Dino na siya tumira, sa bahay nila tito. Bumibisita naman sila rito pero hindi madalas kaya ang kalabasan mag-isa ako palagi.
"Mommy, ayokong iwanan ang bahay ni Dad. Promise bibisita ako sa inyo" Para namang nagulat si mommy sa sinabi ko.
"Naalala mo?" Tanong niya.
Tumango na lang ako, anong pang rason para ilihim kung nakaalala naman na talaga ako.
"Lahat lahat?" Tanong niya ulit.
Hindi ko na lang sinagot ang tanong niya at pumanhik na sa baba para ipaghanda sila ng maiinom. Pero ang malas lang eh umalis sila kaagad, may gagawin daw sila kaya ayan. Alone naman ako.
Napasyahan kong gumala since alas tres pa lang ng hapon.
Ewan ko ba kung bakit lungkot na lungkot ako samantalang ang sasaya naman ang iba what the?Wala man lang ako nagustuhang bilhin kaya tumunganga na lang ako at iginala ang paningin sa masasayang tanawin. Natigilan ako nang makita ko ang isang lalake na may kasamang babae at batang babae. Wait, I know him. Kilalang-kilala ko siya gosh
Mabilis kong sinundan ng tingin ang kakalabas lang na mukhang pamilya dahil naka-akay pa ito sa babae.
Napaawang ang bibig ko nang nagsalita ang batang babae
"Mimi, Dada I want barbiiie!" ngumungusong turo ng batang babae sa barbie doll sa salamin.
"We will buy later anak, mag wiwi ka muna ah" sabi ng babae sa bata. Anong ibig sabihin nito?
Dumiretso sila sa isang comfort room. Since pang babae ang pinuntahan nila kaya naiwan ang lalake sa labas, lalapitan ko ba? Gusto kong malaman kung totoo.
Talaga bang anak niya ang bat? Dada na nga ang tawag eh? Tss akala ko ba bakla siya? Tapos may anak naman na. Anong nasa isip ng baklang ito at nagtago ng sikreto. Nako pigilan niyo ko sasabunutan ko na talaga siya.
Lalapitan ko na sana siya nang lumabas ang mag-ina niya. Hindi ako mapakali, I want to know kung mag-ina niya ba yon.
"Hala Dada look, she's pretty!" Turo sa akin nong bata. Shit alam kong maganda ako, look hindi nagsisinungaling ang bata.
Nanlalaki ang mata ko at kumaripas ng takbo. Shit anong problema ko? Pagkakataon na nga iyon na malaman ko kung totoo ba ang mga bumubuo sa isipan ko. Pero wait, hindi niya kamukha ang bata hindi rin naman kamukha ng babae. Waaaaah kainis dapat si Loraine ang nababahala at hindi ako.
"Kaye wait!" pigil sa akin ni bakla.
Naabutan pa ako!
"What now Francisco?" Bulyaw ko. Halatang nagulat siya sa pagsagot ko sakanya. Anong gusto niya.
Namiss kita France ang ibubungad ko. Shit may utang siyang kwento sa akin. Almost 2 years siyang nawala tapos makikita ko bigla-bigla? Then my instant mag-ina pa? What the kaloka!
"Kamusta siya? Kayo?" Sunod sunod niyang tanong.
Hello bakit niya kinakamusta ang taong iniwan niya sa ere? Hindi ba siya nagiguilty nasa likuran niya lang ang mag-ina niya.
"Look Francisco, I'm busy okay? Nawala ka ng parang bula tapos babalik ka ng parang bula rin. Shit anong gusto mo sa buhay? Shit ulit tama na sinasaktan mo na siya" Huling sabi ko at iniwan siyang nganga. Pansin ko lang ha lalaking-lalaki na siya kung magpakad. Parang tatay na tatay na siya.
Iniwan ko na siya at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Kung gusto niyang ikamusta iyong tao edi ichat niya nalang. Kainis lang eh ako pa talaga ang inutusan.
Nawalan na ako ng ganang gumala. Nakakainis lang, tatlong oras akong nasa mala pero wala ako ni isang dala pauwi. Ang galing lang. Naiinis rin ako sa isang shop. Paano ba kasi puros Calvin Klein ang nakikita ko, what the parang Malvin Klein lang. I miss you bany pero kasi sinaktan mo na naman ako. Alam mo na ngang nabagok ang ulo ko hindi mo pa ako dinalaw na saan ang love don?
Masakit talaga, masakit na masakit iyong tipong nagsuicide ka at tumalon sa building tapos buhay ka pa rin. Kung gaano kasakit man iyon ay mas doble pa itong nararamdaman ko. Madrama ba ako? Sa naiinis ako eh.
Nilakad ko lang papasok sa village kasi ayaw ng pumasok ng taxing sinakyan ko. Ewan doon ang sabi may susunduin pa siya eh sana hindi na lang siya nagbiyahe nuh? at dahil sa mabait ako hinayaan ko na.
Natatanaw ko ang nakatingala si ex professor at ex boyfriend ko na rin what ex boyfriend? Nagbreak ba kami? Ewan.
"Uy Sir gawa mo riyan?" Tanong ko nang katapat ko na siya. Nasa gitna siya ng bahay namin at bahay nila gets niyo?
Ngumiti lang siya na nagpakabog ng sobrang l-sobra sa dibdib ko.
"Humihiling sa mga bituin na minsan pa sana ako ay iyong mahalin" pabulong niyang sabi.
Parang kinakantahan ako, parang hinehele ang puso ko.
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Romance"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...