Damn I miss you babyHindi ako pinatulog ng mga salita niya. Mag sasalita na sana ako nang pinatayan niya na ako. Grabe lang ang kaba ko, gustong-gusto ko na talagang umamin sakanya kaso na babahala ako sa nararamdaman ko. Ayokong masaktan na naman ako. Ang kailangan ko lang naman ay magpaliwanah siya tsaka talaga bang may babae siya?
Nagising ako sa sunod-sunod na pagkatok sa aking kwarto. Lagi na lang!
"Miss Kaye nakahanda na po ang umagahan" May nagsalita. Napagtanto ko kung kaninong boses iyon.
"Susunod na po ako, salamat" Tugon ko at pumasok na kaagad sa banyo. Late na naman ako nagising! Mabuti na lang 12 noon pa ang klase ko.
Nakasabay kong kumain ng agahan sina Mommy at Tito Dino.
"Magpahatid kana Kaye kay Ronald" suhensyon ni Tito. Si ronald ang driver nila.
kanina pa nga ako tumatanggi kaso ginigiit talaga nila namagpahatid ako. Shempre malayo na ang school ko rito. Hindi tulad noong sa bahay malakad ko lang, namiss ko tuloy ang bahay namin.
11:20 nagpahatid na ako kay kuya Ronald sa school. Grabe biyahe almost 30 minutes, mabuti nalang hindi traffic kaya mabilis na akong nakarating ng school.
Tinext ko kaagad si Shaya.
Ako:
Mamaya sa tapat ng school ah? Coffee shop, see yaahShaya:
Okay doks, Herrington cafe tayo. May gwapo roon!Nang mag 12 na ay pumasok na ako sa unang klase ko. Hindi ko alam kung balak ba talaga ng professor namin na gawing boring ang bawat pagtuturo niya. Bagot na bagot na ako at ang gusto ko na lamang ay matapos itong pagtuturo ng nerd kong teacher. Mukha bago itong professor na ito at malamang at iyong mahal kong Sir ay wala na dahil ba saakin?
Dahil talaga sayo Kaye!
"Kaye!" lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na at ngumuwi nang makita ang papalapit na si Dwayne. Mas lalo siyang gumuwapo.
"Long time no see" Natatawang sabi ni Dwayne.
Mamaya pang alas tres ang sunod kong klase at pagkatapos ay wala na kaya mamayang alas singko pa kami magkikita ng mga kaibigan ko.
"Cafeteria muna tayo. Remember date mo ako ngayon" dugtong niya at kinindatan pa ako. Umawang ang bibig ko, mabilis ko siyang pinalo sa braso.
"Totoo ba ang balitang may amnesia ka? parang wala naman ah!" Ooh? alam niya tssk.
"Paano mo nalaman? Sad to say oo, pero ewan ko bumalik ulit alaala ko ang galing nga eh!" Kwento ko sakanya. Tumango-tango lang siya.
"Bakit ka pala na aksidente? Sinong kasama mo that time?"Sunod sunod niyang tanong.
Tinahak na namin ang daan papuntang cafeteria. Umorder na rin kami at naupo sa bakanteng upuan pangdalawahan.
"Ewan!" Saka ko sinubo ang pagkaing binili. Ayoko ng pag-usapan pa ang nangyari. Nasasaktan lang ako, naiinis din ako sa sarili ko dahil alam kong gustong-gusto ko na siya hagkan kaso pinipigilan ko lang ang sarili ko.
Parang tanga lang!
Bumuntong hininga lang siya at hinayaan na ako sa pagiging tahimik. Siguro ay nakuha niya na ang punto ko. Ayoko talagang pag-usapan ang tungkol sa amin baka hindi ko mamalayan ang sarili ko at mapapaamin ako.
"Thanks Kaye, bukas ulit ah?" Tumango lamang ako sakanya at pumasok sa susunod kong klase.
Hindi naman ako nanlibre pero gusto niya pa rin ng isa pa. Nababahala pa rin ako ni Klein kaya lumilipad na naman ang isip ko sakanya. Namimiss ko na siya pero hindi pwede, take it slow heart. Hayaan mong gumawa siya ng moves.
Maghihintay ako sayo, Klein!
"Kaye" Garalgal ang boses ng tumawag sa akin. Lumingon ako at sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko. Ang gwapo niya lalo kahit halata naman ang itim sa ilalim ng mata niya, hindi ba siya natutulog? o nagbabad siya sa bar kasama ang babae niya?
Bakit ba siya nandito?
Alas singko na at alam kong hinihintay na ako ng mga kaibigan ko kaya hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin.
Nalaman ko rin ang tungkol sa pagkalat ng random pictures namin at kung sino ang may pakana ay tanong ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong motibo ng pagkakalat niya ng tungkol sa amin, hindi ko rin alam kung ano ang atraso ko dahil una sa lahat hindi ko naman kilala tsaka wala pa akong kaaway. Ayoko namang pagbintangan ang babaeng sumubok na akitin si Klein dahil alam kong wala akong proofs, kaya manahimik na lang ako.
Si Dianne ang suspetsa ko.
Mabilis nabura ang tsimis dahil na rin sa ginawa ni Klein. Nag desisyon siyang iwanan ang pagtuturo niya dahil saakin. Naiiyak tuloy ako sa mga nalaman ko ngayon.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Aksidente kong narinig ang usapan ng mga professor kanina tungkol sa amin ni Klein, naiinis ako sa sarili kp dahil wala akong ginawa kundi saktan siya.
Nagsisi ako, nagsisisi ako kung bakit ko siya ginaganito. Kung bakit iniiwas ko ang sarili ko sakanya!
"Kaye" bulong niya sa akin sabay hawak sa braso ko.
I'm sorry klein, hindi ako nararapat sayo. Masakit man pero kailangan, kailangan mong humanap ng magmamahal sayo ng lubusan dahil feeling ko hindi ako naging mabuti sayo naging pasakit lang ako sayo.
"A-ano?" nauutal kong tanong.
Halata sa boses ko ang pag-iyak kaya hinila niya ako at sinakay sa sasakyan niya. Nakita ko pang lumingon ang mga kaibigan ko dahil nasa hallway pa lang sila.
Napatingin ako sa cellphone ko at alam kong kaibigan ko ang nagtext kaya dali-dali ko itong tiningnan.
Shaya:
Mag-usap na kayo please? Madalas ka niya kinakamusta sa amin. I'm sorry pero nadulas ako nasabi kong nakaalala kana. I'm sorry Kaye.Mas lalo akong naiyak, shame on you Kaye.
"Ssshh tama na please?" Mahinahon niyang bulong. Hawak hawak niya ang dalawang pisngi ko at sunod sunod na pinunasan ang luhang lumalandas sa mata ko.
"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry, Klein!" Sunod-sunod kong binitawan ang mga salita.
I mean it. Totoong sorry talaga dahil hindi ko man lang nakita ang side niya. Hindi ko man lang naisip na maaari rin siyang masaktan sa bawat kilos ko.
"Sssh it's okay, please. I love you Kaye. Huwag mo na akong iwan, mas maganda pang patayin mo na lang ako kaysa saktan ng paunti-unti. Masakit Kaye, sobrang sakit. Please, huwag mo na akong saktan" Pagmamakaawa niya.
Hindi nakawala sa akin ang paglandas ng luha niya kaya mabilis ko ito pinunasan gamit ang malilit kong daliri.
Umiling iling ako.
"I won't" Sagot ko sa pagitan ng pag-iyak, niyakap niya ako ng mahigpit.
"I love you Kaye, I love you so so much" Bulong niya bago sinunggaban ang labi ko.
Mainit ang labi niya dahil na rin siguro sa pag-iyak niya.
"Mahal na mahal din kita!" bulong ko sa pagitan ng labi namin at gumanti sa mga halik niya.
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Romansa"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...