FATED 37

2.4K 48 1
                                    

Nakangiti siya habang binibitawan ang mga salitang nagpatuliro sa tuliro kong puso. Please heart makisama ka muna kay mind nasaktan ka ng hindi ka niya dinalaw kaya please magdahan-dahan muna tayo.

"Wow kanta 'yan sir ah" Katyaw ko sakanya. Ngumiti lang siya at nagpatuloy sa pagtingala sa kalangitan.

" Anong hiniling mo sa mga stars?" Tanong ko sakanya at naupo sa tabi nito.

"Sana ay maalala niya ako, kahit hindi na lang ako. Kahit ang mga pinagsamahan na lang namin ang maalala niya kahit iyon lang." Sagot niya sa akin. Pumikit ako, I'm sorry kahit nakaalala na ako hindi ko iyon basta-basta nalang ipaalam sayo.

"Wow sino siya Sir? Anong nangyari sakanya? Sa inyo?" Tanong ko, hindi ko alam kung paano ko nagagawang mag tanong ng maigi sakanya eh halos malalagutan na ako ng hininga dahil sa mga tumatambol sa dibdib ko. Ang iingay nila para silang nag paparty dahil nakita na nila ang kanilang amo. Ang weird din minsan ng tiyan ko,.larang may dragon na gustong magbuga ng apoy.

Sinulyapan niya ako at ngumiti ng mapakla. Yes alangan naman ipakita niya sa akin na masaya siya.

"She's my first love and my last love but..." Hindi niya alam kung itutuloy niya pa ba ang sasabihin niya.

"But...?" Tanong ko. Kating-kati na akong marinig ang susunod niyang sasabihin.

"But.. She's ha--" Naputol ang sasabihin niya nang magkasunod na busina ang pumukaw saamin. Shit 'yun na iyun eh, bibigay na sana ako.

"OMG Klein bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? akala ko na paano kana" Bungad sa amin ng kakababa lang na babae. Wow astig, ang ganda niya rin.

"Aah nasa kwarto yata, I don't know. Wala namang importante doon!" Sagot niya sa babaeng at mabilis namang humalik ang babae kay baby ko. Akin 'yan.

Kalma Kaye, huwag kang mag eskandalo. Malalamangan ka lang ng karibal mo.

"What? Bakit ang tawag ko ba hindi importante? Hindi ba ako importante sayo?" Halos mangiyak niyang tanong sa walang hiyang ex ko. Shiit harap-harapan lang wow.

Ang galing naman. Magwalk-out kana Kaye! Hindi ka nga kayang ipakilala eh!

"No, I mean basta alam mo na iyon" Tsaka niya inakbayan ang babae. Parang nanonood lang ako ng movie. Ang sasaya nilang tingnan samantalang nagluluksa na naman ang kaninang masaya kong puso.

Umalis na ako at pumasok sa bahay. Nasaktan na nga ako sinasaktan pa ulit tapos ngayon alone pa shit lang ganda mag suicide.

Nakarinig pa ako ng hagikhikan kaya mabilis kong tinakpan ng dalawang kamay ko ang mag kabilang tenga ko.

Sabi naman sayo take it slow, bakit ang bilis mong maniwala? ni hindi ka nga niya pinuntahan habang nagpapagaling ka sa halip ay nakahanap pa siya ng bago great!

Just great.

Nakatanggap ako ng mensahe sa mga kaibigan ko, naloloka na talaga ako. Pumasok ako kanina tapos wala namang masyadong klase tapos gusto ko ring pumasok bukas kaso wala na namang masyadong klase ang galing gagraduate talaga ako ng cum laude nito.

Nagising ako kinabukasan na sobrang sakit ng ulo ko. Shit huwag mong sabihing nabigla na naman to sa paggising ko? Hindi ko na maipaliwanah ang sarili ko.

Pumasok ako sa banyo at lumabas ulit shit namamaga mata ko. Huhu anyare?

"Nasobrahan ba ako sa pag-iyak kagabi?" tanong ko sa sarili ko.

Bumaba ako at katahimikan lang ang bumungad saakin. Kailangan ko ng magdesisyon, kailangan ko ng makakasama at masasandalan at alam kong wala akong ibang masasandalan kundi ang pamilya ko.

Sa sobrang tahimik nabibingi na ako. Na feel niyo ba ito minsan? Saan ako pupunta ngayon? kailangan kong magparty party.

First time kong pumarty, okay lang ito. Kasama ko naman sina Shaya. Minsan kailangan din natin mag-explore. Huwag lang magpapalabis, dahil lahat ng sobra'y bawal.

Alas otso ng gabi umalis ako ng bahay. Makikipagkita sa mga kaibigan ko. Naka dress red ako at hanggang hita ko lang iyon, ganito raw ang mga suot ng babae sabi ni Shaya na laging nagbabar. First time ko kaya kahit hila hila ko ang tela ng suot ko ay taas noo pa rin akong naglakad paloob.

Ngayon lang naman ito promise, hindi ko na uulitin ito. Magsasaya lang ako at iwan muna ang problemang nakakasakit ng puso.

Sinalubong agad ako ng crazy kong kaibigan na si Shaya at mga pinsan at iba niya pang kaibigan na nagpakilala sakanya ng bar kaya halos hundi mawala sa bar ang mga ito.

Ngumiwi ako nang makita ko ang suot nila. Halos kita na ang mga singit nila. Mas maikli pa sa suot ko, si Shaya naman halos magkatulad lang ang suot namin iba nga lang ang color ng akin.

Black ang aura niya samantalang ako parang nag- iinit sa sout ko.

"Ang sagot para makalimutan ang problema" Sigaw ng isang babae na pinalilibutan ng mga kasama niyang nagchicheer sakanya. Tinungga niya ang laman ng shot glass at nag sisigaw dahil sa lasa.

Bakit kaya lagi kong naririnig na ang alak ay nakakawala ng problema? Kahit sandali ay makalimutan ang problema? For me kasi mas pinapalala pa eh. Ewan ko wala akong mahanap na dahilan.

Hinatak ako ni Shaya patungo sa dance floor kung saan sumasayaw ng parang walang bukas ang mga kababaihan. Inilibot ko ang mga mata ko at napadako sa isang table na halos hubaran na ng lalaki ang babae shucks.

Bar parang ang saya lagi rito?.

Sumayaw sa harapan ko ang walang kamuwang-muwang na si Shaya sa pinanggagawa niya. Ano ba kaye? ginusto mo naman ito diba? edi magsaya kana lang.

Pumikit ako at minulat muli ang mata ko. Tama nasa bar ako kaya kailangan kong makisabay sa ginagawa nila, magmumukhang first timer ako kapag hindi ko sila masasabayan?

Ginaya ko ang ginagawa ni Shaya hanggang sa nakagawa na ako ng sariling moves. Shit ang saya, tumatalon-talon pa ako at sumasabay sa music na pinapatugtog.

Marahil ay sanay na si Shaya kaya sunod-sunod niyang tinungga ang inumin na hindi ko alam kung ano ang pangalan. Binihyan niya pa ako kaso marahas kong inilagan iyon. Ayokong maglasing dahil nakakalala lang yan ng problema. Tama ng magsayaw ng parang baliw huwag lang malasing at maging baliw.

Usok is on, amoy alak is on. Maake out is on. Shit anong maaasahan ko? eh bar nga itong pinasukan ko tsk bahala na nga.

Sumayaw lang ako ng parang baliw at hindi na pinagbigyang pansin ang paligid. Masaya talagang sumayaw ng hubad oops hindi ako nakahubad ah sinabi ko lang yun kasi feeling ko agaw atensyon.

Napamulat ako dahil may naramdaman akong katawan na dumikit sa akin. Umilag ako nang pilit niyang habulin ang tenga ko, siguro ay may sasabihin siya. Nabadtrip ako sa ginawa ng lalaki kaya umalis ako sa dance floor, nakakaduling ang neon lights at nakakabingi ang music normal ba ito? siguro.

Hindi naman ako uminom pero nahihilo ako? tsk.

Lumabas ako at humanap ng taxi, itetext ko na lang si Shaya na umuwi na ako. Feeling ko kasi lasing ako kahit hindi naman ako uminom ng kahit ano.

Nalabalikwas ako nang may bumusina sa akin. Halos malalag na ang puso ko sa ginawa niya kaya iirapan ko nalang siya.

wait? Anong ginagawa ni ex boyfriend and ex professor sa labas ng bar?

"Get in!" Matigas pa sa bato ang pagkasabi niya.

Manigas ka riyan. Na saan na ang babae mo?! Nagbar kayong dalawa?

FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon