KASING bilis ng pagtibok ng puso ko ang pag-ikot ng mundo. Kasing bilis ng pagtalbog ng puso ko ang paglipas ng araw. Bawat araw ay nakakabanas, nakakainip. Lalo na kapag wala ang love of my life.
But I know for sure and anytime masisilayan ko ang kanyang ngiti. Ngunit lalakarin ko pa ang tuktok ng bundok bago ko iyon makita.
Bakit kasi ginawang magkaibang building ang 'grade school' 'High school' at 'college'. Malakas ang trip nitong eskwelahan na ito. Shempre kung gawing magkalapit ang bawat building hindi sila magsasayang ng espasyo, pwede pang dagdagan ng gusali. Sayang naman ang espasyo, sige na nga hindi ko na sisihin ang school.
Pumasok ako sa isang silid pagkatapos kong asikasuhin lahat ng kailangan.
"Here's your schedule, alam mo naman siguro kung saan ang mga building na papasukan mo" Tse poreber sungit talaga itong matandang 'to. Tumango na lamang ako at mabilis na lumabas ng silid.
Since ako ay old student hindi ko na kailangan pang ikutin ang bawat sulok ng paaralan na ito para makatiyak at hindi mahirap sa pasukan.
Kakatapos ko lang mag-enrol. Hays, wala pa talaga ang mga kaibigan ko. Hindi ko mahanap, saan kaya sila nagsusuot? Tsk.
Bibili na lamang ako ng kakailanganin ko sa pasukan. Tanaw mula rito ang parke sa tapat ng school. Shempre maraming tao dahil na rin sa bakasyon pa. Ilang araw na lang din ang bibilangin at pati itong school ay magiging busy na rin.
Kung kailan kailangan ko ng makakasama saka naman mawawala ang mga kaibigan ko. Pumara ako ng taxi at sinuri ito nang mabuti. Mahirap na at kailangan siguraduhin ang sariling kapakanan. Ayoko namang mamatay ng wala pang naikakalat na lahi. Oo magkakalat pa ako ng lahi ko.
Lahi naman ni... Hays, kalimutan niyo na nga!
Banas namang nakatingin sa akin ang driver. Nagpeace sign lang ako sabay sabing.
"Manong naniniguro lang po. Sayang naman ang ganda ko kung wala pang lahi diba? gusto kong kumalat ang ganda ko!" Pero shempre hindi ko na sinabi ang mga nakakalokang huling linya ko.
"Ineng hindi ako gumagawa ng krimen tsaka matanda na ako ayoko namang mapunta sa hell kung sakali" Sabi ni manong.
Ewan ko kung matatawa ba ako o malulungkot sa sinabi ng matanda.
"Ayy manong hell talaga? Ayaw niyo munang dumaan kay scheduler? Baka kailangan lang ng pure love este tears?" Natatawang tugon ko kay manong.
Mabilis niya namang dinugtungan ang sinabi ko.
"Aba baka hindi ako tanggapin ni scheduler ko kung sakali." Matawa-tawa niyang sagot.
Naku first time kong makabiruan ang isang driver. Kasi minsan busy ako sa kaka examine sa palagid. Malay niyo may mangyaring masama diba? Hindi naman natin hawak ang mundo at hindi natin alam kung anong takbo nito. Kaya hanggat maaga matuto tayong mag pahalaga kahit sa maliit na bagay lamang.
We will never know kung kailan tayo susubukin.
"manong naman malay niyo may himala" Sabay naman kaming natawa sa sinabi ko. Wala eh feeling bagets si manong.
Grabe si manong driver ang active niya sa mga jokes. Sana lahat na lang ng mga driver ganon din. Huwag ng gumawa ng hindi kaaya-ayang pangyayari. Alalahanin naman natin ang kapakanan ng ibang tao. Hindi natin alam kung anong estado nila sa buhay. Basta huwag na lang kayong gumawa ng krimen. Aanhin niyo iyan kung hindi niyo naman madadala sa kamatayan. Hindi naman pwedeng ilibing ang pera kasama natin diba?
Hiram lang sa diyos ang buhay natin kaya please hangga't maaga pahalagahan naman natin ito. Hindi natin alam kung kailan tayo mawawala. Kailangang gumawa ng magagandang alaala 'yung mahirap kalimutan.
"FUCK " matigas na sigaw ng bumangga saakin .
"Shit. Tumingin ka nga sa dinaraanan mo" Bulyaw niya saakin. Bwisit ba siya eh siya nga itong nakabangga tapos ako sisihin?
"FYI bwisit! ikaw ang hindi tumitingin sa dinaraanan mo" Sigaw ko sakanya. Akala niya ah.
"Ako pa ngayon? ikaw nga itong walang preno sa paglalakad" Bulyaw niya sinamaan ko siya ng tingin.
"Letche!" Tsaka ko siya nilampasan. Masasayang lang ang oras ko sa walang kwentang bagay.
"Hey wait. What's your name?" Habol niyang tanong.
Bahala ka! Kapal mo naman. Walang lingon-lingon akong naglakad palayo.
"Miss in blue dress what is your name?" nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Pinagtitinginan na kami. Wala ba siyang hiya.
"Mahiya ka nga" Sigaw ko at tumakbo na palayo sakanya.
MALAKING LECHE AT BWISIT SIYA.
"Bakit ako mahihiya ang ganda mo kaya" Shit na malagkit. Ang landi. May pahabol pa sita.
Tinakasan ko ang lalaking mukhang stalker! Kainis, ang ganda na ng araw ko.
"Thank you po" Tsaka ko kinuha ang order kong cupcake and coffee.
Luminga-linga ako at humanap ng mauupuan. Sakto namang kakaalis lang ng magkasintahan
Kaya pumuwesto na ako.Ang hilig ko sa lugar na 'to kahit mostly ay mga couples ang napaparito. I think 'yung iba friends lang. Ako naman solo flight lang.
Inilabas ko ang schedule ko, nakakaasar kasi ang haba ng vacant ko. Mahigit dalawang oras bago ang susunod kong klase. Hindi siguro ako maiinip at maasar kung may lovelife ako. Ang bata ko pa kaka 17 ko lang kaya hindi pa ako legal.
Hindi pa pwede magBOYFRIEND KAYE! Mahiya ka naman!
"EHEM!" napa-angat ako nang may tumikhim at umupo sa bakanteng upuan sa harap ko.
Teka. Ang puso ko nagwawala.
"Uy sir nandito ka?" Ay wala wala. Awat na heart, ngumiti lang 'yung tao daig mo pang hinabol ng maraming kabayo.
"Ay wala anino mo lang ako" Teka. Nagjoke siya? Okay hindi patok batukan ko kaya siya?
Huwag naman Kaye, love mo kaya iyan!
"Uy nagtatanong lang naman ako, ikaw naman sir Aquino. Medyo-medyo ka naman ah" Okay walang kwenta. Sumegway pa ako. Tsk.
"Anong medyo-medyo?" Tanong niya.
"Medyo-medyo?" Kahit ako hindi ko alam. Lumabas na lang bigla sa bibig ko.
Baka ang ibig sabihin niyan.
Love love?Bigla namang tumawa si Sir. Shit!
"Sir para kang bakla" Napatakip naman ako sa bibig ko nang marealize ang sinabi ko.
Too late nasabi ko na.
Imbes na ako ang mamula sa kahihiyan siya itong nagkulay kamatis sa pamumula ng pisngi."Shit namumula ka? alam mo naman kung anong masasabi ko riyan diba? You've stole my heart for being cute. So please bago pa maging malala ang sakit ko sa puso huwag ka ng mamula. Huwag mong gawing madalas, maawa ka tao lang ako at babae lang ako. Tumitibok ang puso ko sa tuwing namumula ka."
Walang preno kong sabi. Wala ng atrasan Kaye. Nasabi mo na, humanda ka na sa posibleng parusa nito sayo!
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Romance"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...