Nilingon ko siya nang marahan niyang hinawakan ang kamay ko, nginitian ko lang siya.
"Saan mo gustong pumunta?" Tanong niya.
Humupa na ang tensyon sa pagitan namin.
"Gusto kong magpahinga, Klein!" Bulong ko, nginitian niya lang ako.
"Alright, ihahatid kita sa inyo" aniya at tinahak na ang daang kung saan ang bahay nila tito.
Masaya ako kasi kasama ko na ulit siya pero hindi ko alam kung bakit hindi ko iyon kayang ipakita sakanya. Siguro kailangan ko na ikwento ang magpapalinaw sa isip ko.
Hinatid ako ni Klein sa bahay, wala na kaming pinag-usapan pa bukod sa nangyari. Umuwi rin siya kaagad. Hindi niya ako kinulit, binigyan niya ako ng pagkakataong makapagpahinga.
Nagising ako kinabukasan dahil na naman sa katok. Kailangan ko na yata masanay sa araw-araw na pagkatok. Kaye, dapat matuto ka ng gumising nang hindi ka kinakatok!
"Miss may bisita po kayo" Ay naku si ate na naman yan -,-
Gumamit muna ako ng banyo bago ako bumaba. Dapat presentable parin kahit hindi pa naliligo! Bumungad sa akin ang tatlong taong seryosong nag-uusap.
My mom, Tito Dino and Mr. Malvin Klein Aquino!
"Mommy!" tawag ko dahil halatang natetense si Klein sa ginagawa nilang pag-uusap.
Ano naman kaya ang pinag-usapan nila?
Lumingon silang tatlo sa gawi ko at binigyan ako ng matamis na ngiti. Ang aga niya naman, nilapitan ko siya at hinalikan sa pisngi ganon din kila mom. Hindi rin siya nagpaawat dahil hinalikan niya ako sa noo, sweet.
"Kailan pa bumalik ang alaala mo?" Tanong ni mommy habang kumakain kami ng agahan.
Napalunok ako at tiningnan ang katabi, nginitian niya ako pero alam kong masasaktan siya sa isasagot ko.
Ang tanda ko nasabi ko na ito kay Mommy!
"Last month pa po" Mahinahong kong sagot. Napasinghap sila sa gulat, napayuko nalang ako.
Wala eh, mapagpanggap ako.
Matapos kumain ng agahan ay pumunta na sila mom sa work. Nahihiya na ako puro sila trabaho samantalang ako nahuhuli pa ng gising waaaah promise babawi ako kapag may work na ako.
Kakatapos ko lang maligo at sobrang kinakabahan na ako dahil kanina pa siya tahimik at hindi nagsasalita. anilapitan ko siya nang matapos akong mag suklay, nakaupo siya ngayon sa paanan ng kama ko.
"I'm sorry, galit ka ba?" Tanong ko sakanya. umiling naman siya.
"Eh tampo? sorry na baby" Tanong ko ulit. Halatang nagulat siya dahil sa paraang pagtawag ko sakanya.
"Halos isang buwan mo na pala ako sinasaksak sa puso" Mahinang sabi niya at hinila ako para yakapin. Gumanti naman ako ng yakap at naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.
"Sorry akala ko kasi nakalimutan mo na ako" naiiyak kong sabi. Yes akala ko kasi talaga diba nga hindi ko siya nakita na dumalaw ni minsan saakin.
"What? Alam mo namang mahal na mahal kita sa tingin mo ba makakalimutan kita agad-agad? Ikaw yata ang nakalimot sa ating dalawa" Natatawang aniya, pero halata ang seryoso niyang boses.
"Oo nga kahit wala akong maalala pinipilit ko pa ring alalahanin ang isang taong gumugulo saakin. Tsaka dapat lang iyon sayo noh" Bulyaw ko sakanya at kumalas sa yakap niya. Kunot noo niya akong pinagmasdan.
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Storie d'amore"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...