FATED 38

2.3K 49 0
                                    


"What?" Bulyaw ko sakanya.

Ngumisi lang siya at pinasadanan ng tingin ang buong katawan ko. Nahiya tuloy ako, biglang nanliit.

Umalis ako sa tapat niya at humanap ng taxing pwedeng maghatid sa akin sa bahay. Pakiramdam ko nalasing ako dahil sa mga titig niya saakin.

Nang wala akong mahanap masasakyan, lumingon ako sa gawi niya. Bumaba siya sa kanyang sasakyan at mahigpit na hinawakan ang braso ko. Bakit ba ang kulit ng lahi niya? Halata namang ayokong sumabay sakanya eh tsaka bakit ba siya nandito?

Natuto ba siya dahil sa babae niya? Dito niya kaya iyon nakilala? Mas lalo lang tuloy ako nasasaktan sa mga pinagsasabi ko. Kailan pa? Noong natutulog ako? noong nacomatose ako? talaga lang ah! Nakuha niya pang lumandi habanh ako lumalaban para mabuhay. Para makabalik sakanyan.

"Bakit ka nandito?" Mariin niyang tanong.

Wow. Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan. I just rolled my eyes dahil halata naman kung bakit nagpupunta dito ang mga tao.

"You don't know the reason why? Dapat nga ako ang mag tanong niyan eh kelan ka pa nagpupunta rito? Dito mo ba siya nakilala?" Singhal ko sakanya.

Hindi ko na napigilan ang sarili! Nakakairita eh tiningnan niya ako ng masama na as if mali ang sinabi ko.

"Shut up Kaye" Sigaw niya.

Napaawang ang bibig ko. Look, sinisigawan niya na ako dahil tumpak yata ang sinabi ko tungkol sa babae niya.

"Kelan pa Sir? Hindi ko kasi alam eh" Sarcastic kong tanong sakanya.

Kung galit siya mas galit ako.

"Shut the fuck up or else i'll kiss you to make your mouth shut" Mariin niyang sigaw shit.

Hindi na talaga tayo bati. I hate you.

"What ever Sir!" Sabi ko.

Wala na akong nagawa, hindi ko man gusto pero siguro tinadhana talaga na mangyayari ito. Itinadhana na makita ko siya.

Katahimikan ang bumalot sa amin habang nasa biyahe kami. Mabuti na iyon dahil wala naman akong balak magsalita. Gusto ko na lang umuwi ng bahay at matulog, aalis na rin ako bukas.

"Thanks sir!" bumaba na ako at binuksan ang gate.

Bumungad sa akin ang walang kataong-tao na bahay namin. Promise lilipat na talaga ako bukas.

Nalulungkot na ako umuwi ng mag-isa. Kakain ng mag-isa.

Sunod-sunod na katok ang gumising sa akin.

"Sino 'yan?" Tanong ko, tsaka ko lang naalala na mag-isa ko lang pala sa bahay.

"Kaye anak ang mommy mo ito!" Mahinahong sagot nung kumatok.

"Mommy wait, maliligo lang po ako" sigaw ko kay mom. Narinig ko ang kanyang tawa  kaya pumasok na ako sa banyo.

Nang matapos akong maligo at mag-ayos ay lumabas na ako. Hinanap ko kaagad si Mommy.

"Sorry mom natagalan ako" Sabi ko nang magkatapat na kami. Hinalikan ko rin siya sa pisngi. Dala-dala ko na ang mga gamit ko, naka-impake na ako noong isang araw pa.

Bye house, shit dadalawin kita promise. I love you, kayo ng kapitbahay natin.

Natawa na lang ako sa mga naiisip ko, mamimiss ko ang bahay namin lalo na iyong professor next door!

"Bye na bahay, mamimiss kita" Bulong ko sa hangin. Naiiyak ako, maiiwan ko. Ang bahay na kinagisnan ko. Ang naging mundo ko, talagang mamimiss ko ang bahay namin.


FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon