FATED 22

3.1K 61 8
                                    


Iminulat ko ang mga mata ko at agad itong pinagsisihan. Dahil sa liwanag ng aking nakita, masakit sa mata kaya hinayaan ko na lamang magpahinga ang mata ko.

Nang kumalmal ang sarili'y marahan ko muling minulat ang mata ko. May nakita akong isang babae na nakaputi at ternong-terno sa kwartong kinalalagyan ko. Napatingin ako sa paligid at sakanya tsaka ko lang nakumpirma na isa siyang nurse. Nang makita ko ang pamilyar na suot nito sa ulo.

"N-nurse, A-anong nangyari?" tanong ko. Hindi ko alam kung narinig ba iyon ng nurse dahil pakiramda. ko nakabuka lang ang bibig ko pero walang tinig.

"Hay salamat gising kana, hinimatay ka miss kanina sa hallway. May nagdala lang sayo rito at umalis din kaagad. Mahigit apat na oras ka ng nakahiga riyan" Sabi ng nurse at may chineck siya na something.

"S-sino pong nagdala sa akin dito?" Tanong ko at ininda umiikot paningin.

"Miss, Professor siya at kabilin bilin niya na huwag kitang hayaang makaalis ng hindi pa kumakain 'yan din dahilan kaya ka nahimatay at sobrang pagbibilad sa araw" May inilabas siyang nakasupot na sa tingin ko'y pagkain.

"Ah ano pong pangalan niya?" Para naman makapagpasalamat ako sa ginawa niya. I can't imagine myself na nakahandusay kanina tapos wala pang malay baka mapagtripan lang ako. Or napagtripan na talaga ako!

"Ayy hindi ko alam miss basta matipuno siya, nakablue long sleeve siya in case na hanapin mo para magpasalamat" Naka blue? nakablue long sleeve rin iyong lalaking iniyakan ko kanina. Tapos ito rin ang ibinigay niya sa akin noong dinala namin si Lester sa hospital.

Ang Mcdo na mukhang paborito niya.

Pero imposible na siya ang nagdala sa akin. Busy iyon ay may ginagawa sa kanyang office. Galit din iyon sa akin. Basta imposible. Baka nagkataon lang, oo tama nagkataon lang.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi man lang ako makakapasok sa susunod na klase ko. Baka pag-initan pa ako ng teacher ko! Tapos hindi man lang ako kumain, kainis naman kasi.

Ayan Kaye, puro kana lang lovelife. Nakakabusog ba 'yan? pinapaiyak ka nga lang niyan!

Huwag mo nga akong pagalitan? kahit naman ikaw ah. puro ka lang din love. Iisa lang tayo kaya ang mabuti pa, kumain na lang tayo!

Nababaliw na talaga ako, pati sarili ko kinakausap ko na!

Hindi ko alam kung ano ang masakit. Kung alin ang mas masakit. Kainis, naiiyak na naman ako. Ewan ko kung paano ako nakaupo nang maayos gayong pakiramdam ko kulang na lang ilibing ako dahil ang bigat bigat ng katawan.

Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mabibigat kong mata. Letse pakiramdam ko ang walang kwenta ng buhay ko. Para akong may sakit na ewan Feeling ko patay na ako eh?

"OMG KAYEEEE!" mga boses na nagpakabog ng husto sa puso.

Hays nakakagulat naman sila.

"Shit nakakagulat kayo!" Utal kong usal sakanilang tatlo.

Malalagutan ako ng buhay sa mga ito.

"Shit girl nahimatay kaba kasi may LQ kayo?" Bungad ni Shaya.

LQ? namilog mata ko, pinasadanan ko sila ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngingiti-ngiti lang silang tatlo.

LQ? lovers quarel? Sino naman ang ka LQ ko!

Loraine has a big devil smile, parang nanunukso siya pero halata namang nanunukso talaga siya.

"Saang basurahan niyo 'yan nakuha? Leche 'yan pa talaga ang ibubungad niyo saakin" Bulyaw ko at kinain ang nilapag ng nurse kanina.

Kainis ah! Anong LQ? SINO ANG MAY LQ? AKO? AKO BA? TALAGA LANG AH! SAANG BASURAHAN NILA NAKUHA ANG BALITA? SAAN AT MAKAPUNTA NGA. MAMUMULOT LANG DIN AKO NG BASURA NA MAGSASABING MAHAL KA NIYA! Ay letche na yan!

"Excuse me. MALAKING EXCUSE ME lang teh ha, paanong basurahan gayong kay gwapo ng iniirog mo" Tapos inirapan pa ako ni Shaya.

Ano? Iniirog? Ano ba iyon? Paasa rin ang mga uito! Kainis ah.

"Iniirog? Pasakit lang kamo" Mabibigat na hininga ang pinakawalan ko at tinuon nalang sa kinakain ang atensyon ko.

Tama na muna. Gutom ako, kakain muna ako. Mabuti sana kung makain iyang LQ na sinasabi nila!

Ipapahinga ko muna itong durog na durog na 'to. Baka mawasak pa ng tuluyan at wala na akong magawa kundi kumalas sa pagkayakap ng puso ko sakanya.

Hindi na nila ako ginulo. S tingin ko nakuha na nila ang gusto kong iparating. Magpapahinga lang ako hindi naman ako sumusuko pahinga lang mga dalawang araw o tatlong araw?




Nagising ako dahil sa sinag ng araw sa may kwarto ko. Bahagyang lumilipad sa ere ang kurtina dala ng hangin.

Morning na? Morning na? OMG may bago pa ngayon.

Ahh shit shit na malagkit bakit hindi ako nagising ng maaga? Mabilis kong inayos ang sarili k. Pagkatapos maligo kumakaripas ako ng takbo dahil may hinahabol talaga ako. 7:30 am pa lang kaya maaabutan ko pa siya sa labas.

Dalawang linggo na ang lumipas simula noong araw na hinimatay ako. Nakakataka pero hindi ko na pinagbigyang pansin kung bakit sa college na siya nagtuturo? Ewan ko bahala na si batman diyan. Ayokong makialam sa plano niya, wala naman talaga akong pakealam!

Ano iyon magic? Paano ba nangyari iyon? paano ba talaga?

Kakagawan mo ba ito, Fate? Tadhana pwedeng tumigil kana, nakakasakit kana eh. Pinagbibigyan mo pero sa huli, sasaktan at sasaktan mo lang ako!

Mabilis akong humalik sa pisngi ni Mommy at nagwave. Grabe halos natatapilok ako dahil sa kakatakbo palabas.

Narinig ko ang pagstart ng makina at alam kong nasa kabila lamang iyon. Naaninag ko ang palaging sinasakyan niya papuntang school.

Pumasok ulit ako sa loob at sinilip siya mula rito. Nakakainis kasi ang gwapo niya talaga. Napahawak ako sa kabilang dibdib ko nang marahan siyang huminto sa may tapat namin, gosh bakit? Lalabas na sana ako nang mabilis na siyang nagmaneho pa alis. Shit hindi ko na abutan.

Bakit ganon? Galit ba siya? Bakit hindi niya ako sinabay? Dati-rati naman gusto niya akong isabay sakanya bakit ngayon ayaw niya na? Bakit?

Nakakalungkot isipin pero ayoko sa sarili kong isipan. Na tinatanaw siya palayo, ayokong nakikita siyang lumalayo saakin na wala akong nagagawa. Ayoko sa isipang tinatalikuran niya ako.

Pero promise last na ito. Kailangan kong abutin ang pangarap ko? pangarap? Kailangan ko na siya sa buhay ko.

Sorry baby natagalan bago ako maka-decide. Maiintindihan mo naman siguro ako diba? Nagmamahal lang ako at takot ako sa magiging resulta neto.

Tsaka hello baby bata pa ako! Bagay kaya tayo? Ilang taon kana nga ulit? bente uno? bente dos? Shit baby, baby baby kita!

FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon