"Tara na kasi" Pangungulit nila sa akin. Ano ba naman 'yan, heto na naman sila pinilit na naman ako na sumama sa gimik nila.
"Ayoko nga sasamahan ko si mommy sa bahay alam niyo na malapit na siyang manganak kaya dapat nandon ako. Gusto kong suportahan ang mommy ko" paliwanag ko at nagsimula na ulit maglakad. Paano ba naman hinarangan nila ako at pinilit na sumama sa kanila. Ilang araw na lang at matatapos na naman ang school year shit. Third year college na ako next year at ang ibig sabihin lang non 2 years nalang ang hihintayin ko makakasama ko na ang baby ko.
"Ikaw ah agi mo na lang kami tinatanggihan kainis ka naman eh! Simula noong umalis si sir hindi kana sumasama sa amin OMG why so?" Maarteng wika ni Loraine.
"Ikaw rin naman ah look at yourself hindi ka naman ganyan dati ah? Na saan na ang inosenteng Loraine na nakilala ko" Ayan ginalit niyo lola niyong maganda.
"OMG ate huwag mo na akong intindihin. HAHA mahal ko na ito. Ang ganda ganda ko kaya" Napasapo na lang ako sa noo ko. Sa totoo lang mas nagiging pangit siya sa ginagawa niya.
"Sige na tabi may klase pa ako" Sabi ko sakanila at nilampasan ang mga ito.
Naloloka na ba sila? Gusto nila akong sumama sakanila eh ang birthday ko hindi nila maalala. Hindi man lang sila nag-abalang batiin ako huhuhu tapos isasama pa nila ako para makipagparty nababaliw na ba sila?
At ang higit na nakakainis ay si Klein! Bumalik na naman ang sumpong niya. Tinatawagan niya lang ako para ikamusta at hindi na iyon nagtatagal babaan niya na ako kaagad. Anong poblema niya? Tapos ngayong birthday ko wala man lang Happy birthday asawa ko namimiss na kita!
"Manang si mommy po?" Tanong ko kay manang Lourdes.
"Umalis hija may pupuntahan sila ni Sir Dino!" aniya seriously? kahit si mommy nakalimutan ang birthday ko? it can't beeee magwawala ako promise.
Nagopen ako ng facebook at nagbabaka sakaling may message siya but the fudge wala man lang ni isa.
Ako:
Where are you?Text ko kay Shaya, sasama na lang ako tutal hindi naman nagpaparamdam ang baby ko.
"Oh ano sasama ka?" natatawang bungad saakin ni Shaya sa cellphone. Tinawagan niya kasi ako kaya heto mukhang inaasar ako.
"Tsk saan kayo?" Naiiritang tanong ko. First of all hindi nila naalala ang birthday ko, alam niyo yun? Iyong hindi kayo sanay kasi lagi namang bumabati ang mga iyon kapag kaarawan ko. Ngayon pa talaga kung kelan matanda na ako ngayon pa kung kailan walang Klein na gumugulo sa akin? Tell me why? Ayaw niya na ba saakin? May mas bata ba siyang nagustuhan?
Nag-ayos kaagad ako nang sabihin ni Shaya kung na saan sila. Ewan ko ba sakanila. Ang init init magbe-beach?
"Thank you po kuya Ronald!" Pasalamat ko nang ibinaba niya na ako sa pupuntahan ko.
Kinakabahan ako sobrang-sobra.
"Na saan kayo?" Tanong ko sa kakatawag lang na si Loraine.
"Diyos ko, kung sunduin niyo kaya ako" Naiirita kong suhensyon sakanila.
"Ano kaba busy kami rito. Dalian mo, Ate" At binabaan na ako.
Ang init-init at pakiramdam ko namumula na ako sa sobrang hot ng panahon. Kinakabahan din ako sa hindi malamang dahilan, bakit ba kasi heart? magsalita ka nga!
Abnormal kana naman. Wala naman dito ang amo mo para magkaganyan ka!
Hinanap ko ang cottage na kulay asul ayon sa sinabi ni Loraine. naka long dress na floral ako. Tsaka nakatali ng pang messy ang buhok ko. Ang ganda ko nga eh ang sexy ko pa tingnan sa ayos ko. Halata naman eh dahil halos maputol na ang ugat nila sa leeg kung makatingin saakin. Maganda nga kasi ako at hindi na ako single. Taken na ako, taken na ako kay Mr. Malvin Klein Aquino!
Nagtatakang lumapit ako sa blue cottage na wala namang tao pero may mga nakaset na nga gamit. Huwag mong sabihing nagkamali ako ng cottage na pinuntahan.
"Mali yata ito" ngiwi kong sabi at tumalikod na ngunit napapikit ako nang may sumigaw. Halos malaglag na ang puso ko.
"Surprise.... Happy birthday Kaye" Sabay nilang sigaw saakin.
Pumikit ako baka sakaling imahinasyon ko lang. Nang pagdilat ko'y nakikita ko pa rin sila. Tsk, akala ko nakalimutan na nila.
"Waaah Happy birthday ate namiss kita" Masayang sigaw ni Mica at lumapit sa akin sabay yakap.
The fvck?
"Ate yumakap ka naman" Niyakap ko na siya dahil kakasink in lang sa utak ko ang lahat.
Nandito ba siya? Kasama ba siya? Huwag kang umasa heart masasaktan ka lang!
"Happy birthday anak!" ngiting bati ni Tito. Yes he use to call me anak kahit matagal na niya akong tinatawag na anak pero ngayon iba na. Nasasanay na rin akong tawagin siyang Papa kahit nakakahiya.
My Daddy will always be my Daddy. I love you po Daddy, masaya ka ba ngayong araw? nakangiti ka kaya habang tinatanaw ako mula sa itaas?
"Salamat po Pa" Tsaka ko siya hinalikan sa pisngi.
"Ang baby ko matanda na" Maluhang wika ni mommy.
Nagdrama pa ang Mommy!
"Mom baka manganak kayo ng hindi oras eh ang drama niyo po!" Pabiro kong sabi kay mama.
"Ayan ayaw pa kasing sumama kaya nagugutom na kami!" Nakapout na sabi ni Shaya haha kung alam ko lang.
"Aba malay ko ba kung sinabi niyo sana eh 'di napaaga ako. Tsaka naiinis ako no akala ko nakalimutan niyo na ang birthday ng dyosang si Kaye" Pabiro ko sakanila tinawanan lang nila ako. Binalingan ko naman ng tingin ang ngiting-ngiti na si Mica.
"Mag- isa mo lang?" Nauutal kong tanong.
"No. Kasama ko sila Mommy, tatlong araw lang kami rito nagkataon kasi na birthday mo at kasal ng pinsan ko sa lunes" kwento niya. Aay mommy at daddy niya lang ang kasama niya.
Okay lang, baka busy talaga ang baby ko.
Matapos kong kumain, iniwan ko muna sila. Alas kwatro naman na kaya hindi na medyo mainit ang araw. Sayang akala ko makakasama ko na siya hindi pala.
Busy ba talaga siya sa work niya? Hindi ba siya pupunta sa kasal ng pinsan niya? Hindi rin siya nagpaparamdam saakin, anong nangyari sa baby ko?
Nakatanaw ako sa dalampasigan, iniisip na sana kasama ko siya ngayon. Ang tagal pa ng hihintayin ko. Dalawang taon pa, dalawang pa Kaye.
"I miss you asawa ko. Happy birthday!" Bulong ng yumakap saakin. Shit kahit hindi ko lingunin ay alam kong siya ito. Hindi nga? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Gusto na nitong lumabas dahil sa bilis ng tibok. Ayokong lumingon dahil baka isa lang itong panaginip o imahinasyon ko.
Naluluha ako habang iniisip na maaring panaginip lamang ito.
"Hey ayaw mo ba akong makita?" Tanong niya paano naman kasi nakatalikod parin ako sakanya.
Kung panaginip man ito. Isa na siguro ito sa magiging paborito kong parte ng panaginip ko. Lumingon ako bahala na si batman.
"Tsk ano ba naman itong baby ko. Napakaiyakin. Sshh tama na ayaw mo ba akong makita?" Natatawang tanong niya bago niya ako sinumulang halikan.
"Nandito ka talaga?" Naluluhang tanong ko habang pinunasan niya ang luhang natuyo sa pisngi ko.
"Yes baby, happy birthday! I love you so much, Kaye"
Wala ng mas sasaya pa sa araw na ito. Mahigpit ko siyang niyakap.
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Romance"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...