FATED 35

2.6K 56 0
                                    

Dalawang linggo na akong namamalagi sa bahay at talagang kailangan ko ng humabol sa namiss kong lesson

Nakopya ko na ang notes na binigay ni Professor Aquino pero hindi pa rin sapat dahil hindi ko maintindihan ang iba kaya dapat sa lunes ay pumasok na ako. Tama naman na siguro ang dalawang linggong pahinga?

Sa loob ng dalawang linggong iyon ay nanatili lang ako sa bahay at hindi rin ako tumatanggap ng bwisita. I mean bisita.

Kailangan kong magpahinga dahil hindi ko alam kung anong mangyayari kapag ma-expose na ako sa realidad na nakalimutan ko. Ang mga bagay na madalas kong ginagawa.

Kapag pinilit ko namang alalahanin ay mas lalo lang nabibiyak ang ulo ko. Sinugod pa nga ako last time sa hospital dahil nahimatay ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Nakakainis kasi bakit hindi pa nabibiyak kung ganun din naman ang nangyayaring madalas?

Madalas din akong makatanggap ng mensahe at tawag ng hindi kilalang tao. Ayaw magsalita kaya hinahayaan ko na lang siya tanging hininga niya lang ang naririnig ko pero kahit ganon hinayaan ko na lang kasi nararamdaman ng puso kong mabait siyang tao. Baabae man siya o lalake ay wala na akong pakealam. Basta na lang naramdaman kong mahalaga siya, weird ang tanging masasabi ko.

Iba na rin ang cellphone ko. Bago na at hindi ito ang cellphone ko rati..Siguro ay nasira na o ewan ko.

"Are you sure Kaye? tumawag ka lang kapag sumakit na naman ang ulo mo tsaka please anak huwag mo nang pilitin pang alalahanin dahil naniniwala akong babalik din ang alaala mo" Bilin ni mom.

Niyakap ko na lang siya. Sa totoo lang hindi ko na kaya ang sakit ng kokote ko kaya hangga't maaari ay gusto ko ng tapusin to. I mean sana ay bumalik na lang ako sa dati. Bad man o good ang nakaraan ko ay mas gugustuhin ko pa iyon kesa ganito na puro pasakit sa akin.

Unti-unti ko ng maalala ang lahat pero naguguluhan pa rin ako. Kung sino ang nag-iisang taong hindi ko kayang itukoy. Gusto kong malaman kung sino siya dahil nasasabik ang puso ko tuwing napapanaginipan ko siya.

"Opo mommy!" Tsaka ako nagsimulang maglakad palabas.

12 noon ang klase ko ayon sa nabasa kong schedule kong nakalagay sa notes na bigay ni si Aquino.

Napag-alaman ko ring kapitbahay ko siya kaya lubos na nagsasaya ang puso ko. Weird nga siya pero nasisiyahan ako kapag nararamdaman ko iyon.

"Sumabay kana" Aya niya saakin. Tumango lang ako at sumakay sa kotse niya. Hindi ako umupo sa passenger seat kasi feeling ko mababasag ng husto ang ulo ko, may naalala kasi ako sa kotseng ito.

Nginingitian niya ako at halos lumundag na sa sobrang tuwa ang puso ko at the same time mas nagiging malala ang sakit n iniinda ko. Unti-unti kong narealize at unti-unti ring nagbabalik ang mukha ng nag-iisang taong nakatatak na sa isipan ko.

Parehong ngiti, parehong halakhak na madalas kong naririnig sa panaginip ko. Similar scent na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sakin.

Shit sno ka ba talaga? Bakit malaki ang epekto mo sa akin?
Nakarating kami ng school at pagkababa ko mismo ay nagsimula naman ang bulong- bulungan. Marahil na silaw sila sa mukha ng kasama ko. Sabagay no wonder naman iyon halos nasa kanya na ang lahat eh.

Dumiretso ako sa kaliwang bahagi ng paaralang ito. May nakita akong grupo ng kababaihan na sa tingin ko ay college student dahil na rin sa suot nilang uniporme.

Hindi ko man alam kung anong pinag-uusapan nila pero natitiyak ko na ako ang pinag-uusapan nila ano kaya yon?

"OMG Kayeeeeee~" Sigaw ng tatlong babae at nagmamadaling sumalubong sa akin. Yumakap silang tatlo ng sabay saakin. Wow halos maipit na ako.

"I miss you guys" Masayang bulong ko sakanila. Naalala ko na sila thank you god dahil tinutulungan mo akong makilala ang mahal ko sa buhay. Tulad nila ang sarap lang dahil may mga kaibigan akong sumalubong sa akin.

Namiss ko ang kapilyuhan namin dati. Iyong magkaklase kaming apat.

"Naalala mo na kami?" Sabay nilang tanong. Tumango-tango ako at niyakap silang muli. Shit namiss ko sila.

"Tara huwag muna tayo pumasok magpaparty tayo dahil naalala mo na kamiii~" Nagtitilian pa sila. Ayy ang tatanga parin nila.

"May klase ako eh tsaka kailangan kong humabol sa mga lessons" Paliwanag ko sakanila. Ngumiti lamang sila sa akin.

"Wala kasi may meeting lahat ng teachers yuuuhoooo magpaparty tayooo" Sabi ni Loraine.

"Wala pa rin bang nangyayari sa inyo ni france? Aba lang ha ni hindi talaga siya dumalaw sa akin!" Nalulungkot ako dahil hindi ko na talaga siya nakikita.

"Matagal ng wala ang isang iyon. Huwag mo ng hanapin ang taong ayaw namang magpakita tara na kasi"Magsasalita na sana ako nang pinaghihila na nila ako.

Napatigil ako nang madaanan namin ang mga office ng teachers at nakatapat talaga ako sa pintuang nagpakabog ng puso ko.

Pumikit ako ng mariin dahil may naalala ako sa lugar na ito.

"Guys anong meron dito?" Tanong ko sakanilang tatlo. Nagkatitigan sila at parang naghihintay ng sasagot sa tanong ko.

"Sa dating professor 'yan. Hindi na siya nagtuturo ngayon at may business ng hinahawakan ewan ko pero nakita namin siya kani kanina lang na kasama mo"Ahh okay sino? Kasama ko kanina? Eh?

Si kapitbahay ba na prof ko?

"Sino nga?" Tanong ko.

"Si professor, I mean si Sir Malvin Klein Aquino. Shit hindi parin ako sanay na hindi siya tawaging sir!" parang naiiyak na si Shaya habang sinasabi iyon. Sumikip bigla ang puso ko. Shit no hindi dapat.

Bakit ganito?

"t-talaga?" Tanong ko. Naiiyak na ako sa mga nalaman ko at naninikip na ng husto ang puso ko bakit? Waaaah.

"Yes can't remember him?" Nanunuyang tanong ni Loraine.

Pumatak na lang bigla ang luha ko.

No naalala ko na siya pero shit bakit hindi ko siya nakita sa araw ng paggising ko? Ganon ganon na lang ba iyon?Tell me please? Shit shit shit I hate it.

Dapat siya ang makita ko noong nagising ako. Dapat siya ang bubungad sa akin para maalala ko siya kaagad!

FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon