7:30pm na ng gabi at nandito pa rin ako sa labas ng university. Ang tagal niya, sabi niya hintayin ko siya tapos ang tagal tagal naman niya.
Hindi ba siya marunong tumingin ng oras at late siya sa napa-usapan naming oras na darating siya? Nilalamok na ako wala pa rin siya. Jusko kung hindi ko lang siya mahal eh.
Natatakot na ako, baka may biglang sumunggab sa akin dito at hinigit ako papuntang damuhan. Tapos, tapos kinabukasan nasa news na ako nasa tv patrol na.
Isang babae ang natagpuang gutay gutay bago siyapinagtataga namagpaalamang nirape pa ito.
Tinaasan ko siya ng kilay nang hininto niya ang kanyang sasakyan sa harapan ko. Ngiting-ngiti pa si Mr. Aquino!
Mabilis siyang bumaba at nilapitan ako. Hinigit niya ako at pinagbuksan, ngunit hindi ko ginalaw ang mga paa ko upang makaupo. Naiinis pa kasi ako.
"Please get in, I'm sorry okay" Saka lang ako pumasok nang pumuwesto siya at siya na mismo ang nagpapaupo saakin.
Mabilis naman siyang umikot sa driver seat. Galit ako, pinaghintay niya kaya ako. Huminga siya ng malalim at binaling saakin ang tensyon niya.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Kita mo sa mga mata niya na malungkot siya dahil sa nangyayari ngayon.
"I'm sorry Kaye, may inaayos pa kasi ako. Tsaka ang sabi ko naman sayo doon kana pumunta. Ang tigas kasi ng ulo mo" Oh? Baliktad na ngayon. Kani-kanina lang ako ang galit ngayon siya naman.
"Okay" Tanging kong sagot.
Basta naiinis pa rin ako. Bahala na kung galit siya. Hindi lang naman siya ang galit ah. Ako rin period iyan.
Pinaandar niya na lamang ang sasakyan niya. Since malapit lang naman sa school ang bahay namin kaya nakarating kami kaagad. Walang umiimik sa aming dalawa, naghihintayan kung sino ang unang magsasalita.
"Bababa na ako" mabilis kong sabi. Pinigilan niya ako pero binitawan niya rin kaagad.
Nararamdaman kong galit siya.
Imbes na buksan ang pinto, nilock ko na lang ulit. Hindi ako aalis ng may pagtatampo sa aming dalawa. Nakakainis kasi ang taas ng pride ko. Nagsorry na nga siya..Pero promise hindi dahil sa late siya kaya ako nag-aalburuto ngayon. Paano ba kasi lumapit na naman sa kanya ang babaeng klasemate ko sa isang subject. Si Dianne. Tapos sakanya pa talaga lumapit. Ang landi kasi kung makadikit parang walang girlfriend ang dinidikitan niya.
Shame on her. Sobrang landi, sobrang hitad. Wala akong masabi basta kaurat si Dianne!
"Bakit mo ba hinahayaang lapit- lapitan ka ng babaeng iyon? Tapos sa ganoong paraan pa. Nasisiyahan kaba dahil nagpapakita siya ng balat? Damn sana siya nalang ginawa mong girlfriend" Ayan. Nailabas ko na rin
Sumabog na tuloy ako.
"What the hell? Shempre, estudyante ko siya tsaka do you think hindi ako naaalibadbaran sa ginagawa niya? Nakakainis kung pwede ko lang sabihin sakanya na idrop ang subject ko ginawa ko na. Tapos sasabihin mong gusto ko? Shit" Tapos hinampas niya pa ang manibela ng sasakyan niya kaya medyo nagulat ako.
Malay ko bang naiinis din siya doon sa babaeng iyon. Hindi ko talaga siya gusto, ang landi landi niya.
"Okay. I'm sorry, kasalanan ko na kasi pina-isipan kita ng masama" Marahan kong sabi.
Sumusuko na ako. Ayokong nagagalit siya, nakakatakot kasi lumalabas ang ugat sa may leeg niya.
"Damn" Iyan puro nalang siya Damn. Nagmumura na naman siya.
Ganyan kasi siya kapag nagagalit. Kapag naiinis siya nanatili siyang tahimik pero asahan mong magmumura siya.
"Sorry na kasi" Ayaw niya pa rin akong pansinin. Anong gagawin ko? Nagalit ko yata siya?
"uy Sorry na please?" Sinundot- sundot ko na ang pisngi niya. Humarap naman siya saakin tss kiss lang ang kulang dito eh.
"Im so---' magsosorry na sana siya pero pinatahimik ko na siya. Hinalikan ko siya sa labi damn. Sweet.
"Im sorry. I'm sorry. I'm sorry!" Paulit-ulit ko iyon sinabi tapos yumakap na ako kasi tsaka ko lang narealize angginawa ko. Nakakahiya na naman.
Yumakap din siya pabalik. Ang bango niya talaga sobra.
"Hmmm ang bango bango~" Sininghot-singhot ko pa siya. Ang bango niya. Ang bango bango niya.
"Baby!" Suway niya saakin. Paano ba naman may kiliti kaya siya sa may bandang leeg.
"Oh? Nilalambing lang kita eh!" Kumalas ako sa pagkayapos sakanya.
Nilalambing lang siya ayaw pa. Edi sige ikaw ang lumambing saakin ngayon.
"Huwag ka ng magtampo. I'm sorry baby kasi naman eh may kiliti ako. Hug mo na lang ako" Tapos inispread niya na arms niya.
"Oh hindi kaya ikiss mo nalang ako" Tapos ngumuso pa siya. Ngumit naman ako at hinalikan siya muli tapos niyakap. Oh edi two points siya ngayon.
"Ang sarap naman" Bulong niya nakatungo ako ngayon sa dibdib niya. Humalik siya sa ulo ko at inilayo ng bahagyan sa dibdib niya.
"I love you so much Kaye" Bulong niya bago niya nilamon ng halik ang labi ko. Shit sino ba naman ako para tanggihan siya.
Kainis sakanya pa ako natuto kung paano humalik. Sundan mo lang ang galaw ng labi ng humalik sayo. Mahirap sa una, kalauna'y masasanay ka rin.
"I love you too baby" I whisper between our sweet kisses.
Naramdaman kong naangat ng konti ang labi niya na nagpapahiwatig na nakangiti siya. Sa tapat pa talaga kami ng bahay namin.
"God knows how much I love you, Kaye simula pa lang noong una kitang nakita" Bulong niya. Napangiti naman ako at yumakap sakanya.
Napamulat ako ng mata nang walang tigil sa kakatunog ang cellphone ko. Tsk, istorbo nasa dream land pa ako eh.
Mabilis ko naman hinanap iyom at hindi na tiningnan ang caller.
"Hello?"Tamad kong sagot. Shit pumipikit pa mata ko. Ayaw pang gumising ng diwa ko.
"Goodmorning baby!" Halos mapamura ako nang pamilyar na boses ang bumungad saakin. Kaagad ko namang tiningnan ang caller nagbabakasaling nanaginip pa ako. Pero shit hindi eh, Siya nga talaga.
"Hello kaye?" Tawag niya saakin. Siguro nagtataka siya kung bakit ang tahimik ng kausap niya. Shit kung alam niya lang na nagpapaganda ako kahit hindi niya naman ako nakikita baliw na siguro ako.
"Ay sorry napatawag ka? Maaga pa ah" Tanong ko sakaya.
Humalakhak lang siya. Ang sexy lang.
"It's already 9 o'clock baby are you still sleepy? Tatawagan na lang kita ulit" Natatawang sabi niya. Nilayo ko sa tainga ko ang cellphone at tiningnan kung anong oras na. Shit malutong na mura for me.
"No hindi na ako matutulog tsaka ginising mo na diwa ko" Agad kong sabi sakanya. Kaagad ko namang tinakpan ang bibig ko, bullshit ngumisi siya sa huli kong sinabi.
"Hmm sige na maliligo pa ako. Mamaya nalang ulit." Utal kong sabi sakanya.
"Okay baby, I love you" Ang tamis naman. Ang aga pa nilalanggam na ako.
"I-I love you too!"
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Romance"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...