P.A.T.A.Y as in patay na patay waaaah
Binasa ko ulit text niya.
Ang Gwapong Teacher ko:
REALLY? last time I checked it. You're with that astard jerk Dwayne.
My gosh waaah sinabi ko pa na ako lang mag-isa eh nakikita niya pala ako simula kanina pa huhu itext ko kaya siya na walang meaning ang saamin?
"Kaye" Tawag sakin ni Dwayne. Anak ng tipaklong. Nakakainis, nakabuntot na naman siya saakin. May nangangamoy selos tuloy.
"Ihahatid na kita sa klase mo, tapos kita nalang tayo sa time ni sir kindat okay?" O edi okay.
Hindi na ako makatanggi kasi hinigit niya na ang kamay ko at naglakad, kaya ang labas. HHWW.
Holding hands while walking! Shit!
Hindi naman kami pinagtitingin ng iba dahil siguro sanay na sila kasi madami namang HHWW rito.
Kapag naman tinatangka kong hilain pabalik ang kamay ko mas hihigpitan niya ang pagkapit dito. Kaysa pagurin ko pa sarili ko hinayaan ko nalang siya.
Nakakainis ka Kaye! Nakakainis kasi wala akong magawa. Sana naman kasi magpakita ang apat kong prenlalu hindi iyung nang iiwan sila. Ganon ba kapah may lovelife na silang tinatawag. Naku kapag ako nagkaLovelife tingnan lang natin.
Wala silang makilalang Kaye!
"See you later Kaye" Tapos humalik siya sa pisngi ko.
Okay pisngi lang naman iyon eh.
Gumanti lang ako ng ngiting hindi plastik. Mabait naman siya tsaka hindi niya deserve ang pagsusungit ko o pagtataboy sa gwapo niyang mukha.Tumungo lang ako sa inuupuan ko at humarap sa white board. Sana biglang magpakita si Mr. Ko rito.
"Good noon every one. I'm your Professor Malvin Klein Aquino. Let's have recap about your research about Drugs abuses" Wait a minute. Daydream ba ito?
Ang gwapo niya huhu tsaka, tsaka nakatingin siya saakin. Anong gagawin ko? Help classmate, matutunaw na yata ako sa titig ni Sir!
Totoo ka ba sa harapan ko Mr?
"Ang gwapo ni Sir Aquino no, sana hindi na bumalik si Mr. Lagdameo. Shit may asawa na ba siya? oh, wait baka naman girlfriend?" Ang kaklase kong si Tanya ang nsgsalita.
Mahiya naman kayo, nasa tabi niyo lang ang hinahanap ninyo.
"Hala. Maagaw nga siya sa girlfriend niya." Dianne said.
Tsk. Sige, magday dream lang kayo riyan. Nasa akin pa rin ang huling halakhak.
"Hoy aagawin mo talaga? Paano mo gagawin iyun?" Tanong ni Tanya kay Dianne.
Sige nga paano mo aagawin sa akin? Ilang taon ko hinintay 'yan tapos aagawin mo lang? Ano ka? sinuswerte!
"Gaga. Asawa nga naaagaw. Girlfriend pa kaya? Naku.." Sagot ni Dianne.
Mga cancer sa lipunan, mga sumisira sa relasyon!
Nanggigil sila sa gwapong nilalang na nakaharap sa amin. Aagawin niyo? Hindi ko pa nga nakukuha inyo na agad. Dumaan muna kayo sa kamandag ko bago sakanya.
Ang sarap nilang pagsabunutan. Kainis gusto kong sabihin sakanila AKO YUNG GIRLFRIEND AT MAGIGING ASAWA NIYA kaya lang huwag na, baka mapahiya lang ako.
Magka-issue pa itong baby ko. Mukhang mahal na mahal niya pa naman ang propesyon meron siya. I love you rin Mr. Ko.
Ang daming sinabi si Sir pero wala akong maintindihan. Nasa dalawang babaeng ito ang atensyon ko. Talaga bang aagawin nila?
My gosh. NO
Lumapit kay Mr. Aquino si Dianne. Malanding babae at mas ibinaba pa ang suot nitong damit. Kita na ang strap ng bra niya, kainis ang landi lang.
Ganyan ba ang galawan ng mga cancer sa lipunan! tsk.
Ayoko na nga tumingin! Masakit sa mata. Ayoko! Huhu pero hindi ko kaya eh. Masakit sa tenga ang pinag-uusapan nila!
"Hmmm Sir, hindi ko kasi maintindihan ito." Tapos may pinakita siya. Ymuko pa siya nang tinuon ni Mr. Aquino ang atensyon sa nilahad nitong notebook.
Ang labas parang pinapakita niya dibdib niya. Since maluwag ang suot niyang damit kaya matagumpay niya itong nagawa. Humiyaw ng palihim ang kalalakihan. Ang pangit niyang tingnan mula rito, nakatuwad kasi siya tapos ang kaklase kong lalaki yumuko pa at pinagtuunan ng pansin ang nakalahad na aanihin sa harapan nila.
Kainis ang mamanyak nila. Kainis dahil mukha totohanin nila ang sinasabi nila. Nakakainis dahil nagseselos na ako. Nakakainis kasi anytime sasabog na ako. Nakakainis kasi wala akong magawa kundi tingnan na lang ang babaeng nakakalapit sakanya. Nakakainis kasi naiiyak na naman ako
*Sniff* Limang minuto pa ang hihintayin ko bago ako makalabas dito. Hindi ko na kaya ito.
Umalis na si Dianne at bumalik sa kinauupuan niya. Humagikhik siya na parang may magandang nangyari sakanya.
Ang sakit lang. Bakit ganon! I hate you girls. Bakit kayo malandi?
"Aaah girl shiit. Ang hot niya sa malapitan. Urrrgh I want him" Rinig kong hiyaw ni Dianne.
"Gaga relax bibigay rin 'yan sayo!" Si Tanya naman ang nagsalita.
Gusto ko silang pagsabihan pero ano ang karapatan ko? Wala na naman akong magawa para pigilan sila. Iiyak na lang ba ako at magmamakaawa sa mga haliparot na ito? No hindi ko gagawin iyon.
Hindi ko naman pagmamay-ari si Mr. Aquino para gawin iyon!
Mabilis akong lumabas at alam kong ako ang naunang lumabas sa lahat. Ayoko na, tutal time naman na. Tsaka nakakarindi ang mga babaeng haliparot na iyon. Ayoko na talaga, masakit na marinig pinagnanasaan nila ang minamahal ko.
Marahan kong pinunasan ang pisngi ko dahil sa mga luhang tumatakas dito. Ang init init ng luha ko.
Pinuntahan ko kaagad ang kahuli-hulihang klase ko nang sa ganun ay makauwi na ako. Ayoko ng makakita ng kahit ano na makakasakit na naman saakin.
" Bakit ka umiiyak?" Praning na tanong ni Dwayne.
"Huh?" Tanong ko kahit na alam kong na ang ibig niyang sabihin.
"Halika nga rito. Sinong umaway kay princess ko at ng maupakan ko?" Sabay hila niya saakin at pinaupo sa tinambayan niya.
Namiss ko tuloy si Lester, ang bestfriend ko. Nagmahal lang iniwan na ako, hanggang chat at texts na lang ba. How about sa personal? baka naman gusto ninyong makita ako? huwag kayong mahiya!
"Ano na naman ba ang ginawa niya sayo? Hindi niya deserve iyang luhang lumalabas sa mata mo. Please don't cry, nandito naman ako. Willing to wait" Kahit na may halong tawa ang kanyang boses ramdam ko pa rin ang seryosong tinig na binakot ng tawa.
Ano raw? Tama ba ang narinig ko? Anong hindi niya deserve? Eh mahal ko.
Tiningnan ko lang siya at tumayo na.
"Sorry, Dwayne" Sabi ko at iniwan siya mag-isa.
Hindi niya naman ako sinundan kaya nakahinga ako ng malalim. Mabuti naman. Habang naglalakad ako naramdaman ko namang nagvibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko ang dumating na mensahe.
ANG GWAPO KONG TEACHER:
Saan ka?Ako saan? Bakit mo tinatanong?
Me:
Bakit SIR?Umupo muna ako at hinintay ang reply niya.
ANG GWAPO KONG TEACHER:
Puntahan mo naman ako.Huh? Saan?
Shit. Agad agad Kaye? Walang preno?
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Romance"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...