Magkahawak kamay kaming naglalakad sa dalampasigan. Ang sarap ng simoy ng hangin. Ang payapa ng alon at parang ang saya saya nila dahil sa ganda ng sayaw nila.
Ang daming umiilaw sa kabilang dako ng resort na ito. Na mukhang bahay-bahayan ang gandang tingnan. Humigpit ang kapit ko sa kamay niya nang humangin. Ang lamig.
Pinadausdos niya naman ang kamay niyang nakaakbay sakin at tinaas baba niya sa braso ko.
"Upo ka dito baby" tsaka niya ako hinigit paupo sa tabi niya. Nakaupo kami sa malaking bato na nakita namin. Inakbay niya sa akin ang braso niya kaya nagsumiksik ako sa bisig niya. Ang lamig talaga.
"Pakasal na tayo" Biglang bulong niya. Napatinghala tuloy ako.
Nakangiti siya ngayon sa kawalan bago ibinaling sa akin ang atensyon. Bigla bigla naman to nagseseryoso.
"Bata pa ako Klein, ano kaba" Suway ko sakanya. Kinakabahan tuloy ako, bigla bigla naman kasi ang mga sinasabi niya.
"Ayaw mo ba akong pakasalan?" Tanong niya. Ayoko? Gusto ko nga eh, natatakot lang ako kasi masyado pa akong bata para sa ganyan. Hindi pa ako handa.
"Ang tagal kitang hinanap at ngayon hindi na ako papayag na mawala ka pa ulit saakin. Siguro hindi mo na maalala pero Kaye matagal na kitang mahal" Sabi niya. Napalingon ako, anong ibig niyang sabihin?
"Ano? Anong matagal na?" Tanong ko.
Nakinig ako sa buong kwento niya at totoo nga na wala akong naalala. Nako ang ganda ko talaga since birth. Kahit bata pa ako'y may nabibighani pa rin ako.
Heto iyong tinatawag na FATED. Kahit anong mangyari, kahit paghiwalayin man iyan. Kahit hadlang ang taon, panahon walang makakapigil sa tadhana.
"Pero kung hindi kapa ready, okay lang maghihintay ako. Tulad ng dati" Aniya.
Yumakap lamang ako sakanya at umiling-iling. Darating din naman siguro kami sa sitwasyong iyon. Kung nasa tama na ang lahat. Hindi naman iyo pupwede diba? Parang bibiglain namin ang mundo.
"I'm sorry damn!" Naiinis ako kasi nagmumura na naman siya. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan ko siyang magmura naiiyak tuloy ako.
May ibig sabihin kasi ang pagmumurang. Nagmumura lang naman kasi siya kapag nasasaktan, naiinis tuloy ako.
"Shhh huwag ng umiyak maghihintay ako hanggang sa maging ready kana okay?" Pagtatahan niya saakin.
"Promise?" Umiiyak kong tanong sakanya. Malay ko ba hahanap ito ng iba.
"Promise baby!' Determinadong sagot niya.
"Promise na promise talaga? As in kahit na 10 years?" Natawa naman siya sa inasta ko at pinunasan ang luha ko.
"Yes baby. Basta ba hindi ako aabot ng 30 bago ka magpakasal saakin" Natatawang sabi niya.
Biro ko lang naman na hanggang 10 years siguro pagkatapos kong gumaraduate tapos ienjoy ko muna ang buhay ko.
"Tara na balik na tayo nahihiya na ang dagat sa atin dahil sa kadramahan nating dalawa" Natatawang sambit niya at inakay ako patayo. Niyakap ko siya kaagad, aba mamimiss ko siya. Kasi nga diba sa kwarto namin ni Mica ako matutulog. Kamimg dalawa ni Mica ang magkatabi. Kawawa naman siya mag-isa niya lang, hatiin ko kaya ang sarili ko para may kasama siya?
"Kuya, ate tara rito dali!" Tawag niya sa aming dalawa. Si Mica na nasa pool.
"Sige magbibihis lang ako!" Tsaka ko hinigit si Klein.
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
عاطفية"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...