Pagod na pagod ako at ang sakit sakit ng buong katawan ko sa kakalangoy pero itong mga kaibigan ko wala yatang kapaguran sa katawan dahil nakabilad pa rin sila sa araw at masayang naglalaro.
Lahat kami sumisid na sa pool ngunit si sir ay nanatiling nakaupo at titignan lamang kami. What? Sumama ba siya para magbantay samin?
"GRABE nangitim ako" Panic na sigaw ni Shaya. Paano ba naman simula kaninang umaga hanggang sa maghapon ay nakabilad parin siya sa pool at ang dahilan niya ay hindi na siya ulit makapagrerelax.
"Ako rin girl" Pagsasang-ayon ni France. Letche tong baklang to.
Sina Lester at Mei naman ayon nasa tabi tabi at naglalambingan. Wala man silang sinasabi, ang galaw na lamang nila ang nagsasabi na may something sakanila.
Nang pawui na kami ay mukhang pagod na pagod sila. Nakatulog na nga sila sa back seat samantalang ako ay pinagmasdan na lamang ang mga dinadaanan namin. Nag bibilang sa mga sasakyan na nadadaanan namin.
"Sir? Bakit wala ka pang girlfriend?" Nakanguso kong tanong. Ngumisi lang siya sa tanong ko at hindi na nag-abala pang sagutin.
Bakit? Bawal bang magtanong? Curious lang naman ako ah. Ang gwapo gwapo niya at ang bait bait pa. Tapos wala siyang pinopormahan? Naku if I know may nililigawan na ito hindi lang niya sinasabi. Sabagay sino ba naman ako para pagsabihan niya ng lovelife niya. I'm just his fucking student, wala ng iba pa.
"Ikaw bakit wala ka pang boydriend?" Tanong niya pabalik.
Nagulat ako! Shit bakit ganon! Bakit ganito tanong niya? tsk.
"Nevermind Sir" Nasabi ko nalang at binalik ang paningin sa dinaraanan namin. Madilim na at malamig sa loob ng kotse niya.
Naluluha ako ng maalalang hindi ko pa nadadalaw si Daddy. Simula noong graduation day ko. Naamimiss ko na siya, tatlong taon ko na siya hindi na kakasama at sobrang nangungulila pa rin ako sakanya. Mahal na mahal ko si Daddy dahil ang sabi ni Mommy sakanya ko nakuha lahat ng katangian ko, nakikita ko naman 'yon sa tuwing magkasama kami pero kahit anong gawin ko hindi na muli kami magsasama. I hate it. Kung iniisip ko siya lagi akong nauuwi sa pag-iyak. Hindi ko pa rin tanggap na wala na siya sa buhay namin ni Mommy.
"I miss you Daddy" Bulong ko. Naiiyak na talaga ako kapag nagbabalik tanaw sa masasayang bagay na kasama ko siya.
Napalingon ako kay Sir nang huminto ang sasakyan sa tabi. Huminga siya ng malalim, napalunok siya nang nakitang nakatingin ako skanya.
"Kaye namimiss ka rin ng Daddy mo" Bulong niya na nagpaiyak lalo saakin.
Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko. Bakit niya nasabing namimiss din ako ni Dad? Nag usap ba sila? Ang bad ni Dad! Bakit hindi na lang ako ang kinausap niya. Kasi miss na miss ko na siya.
"Ssssh hush Kaye may nasabi ba ako mali?" Pagpapanic niya.
Pinapatahan niya ako at siya na mismo nagpunas ng mga luhang lumandas sa pisngi ko. umiling-iling ako at sumingot-singhot. Sinisipon tuloy ako sa kakaiiyak.
"I just miss my daddy so much!" Mahina kong tugon.
Hindi ko alam kung naintindihan niya ba ako gayong hirap na hirap ako sa pagsalita gawa ng pagsisinghot ko.
"Sssh tahan na please, I'm sorry" Pag-aalo niya saakin. Hindi ko alam kung bakit siya nagso-sorry gayong wala naman siyang kasalanan saakin.
Napapikit ako nang halikan niya ang noo ko. Mas lalo lang nag uunahan sa pagpatak ang luha ko sa ginawa niya. Bakit hindi sa labi? Ahh ano wala hehehe.
Ilang sandali pa kami nahinto sa gilid ng kalsada habang pinapatahan niya ako. Buti na lamang hindi nagising ang mga kaibigan ko at ang kapatid niya sa pag iyak ko. Tiyak aasarin na naman nila ako. May dala pa lang motor si Lester kay wala si Mei ngayon. shit kinikilig ako sa kanilang dalawa.
Marahan kong tinapik-tapik ang pisngi ni Loraine dahil nandito na kami sa tapat ng bahay nila. Hihingi rin ako ng sorry kasi ginabihan na si Loraine.
"Ayy sorry nakatulog ako" Marahan niyang sabi at inayos ang gamit niya tsaka bumaba ng kotse. Sinundan ko siya.
Nagdoorbell siya at binuksan ito ng kasambahay nila.
"Sige Sir at ate Kaye pasok muna kayo" Marahan niyang sabi samin. Hindi ko namanlayan na bumaba rin pala si Sir. Kaya pala sobrang maingat akong gumalaw dahil natatakot ako. Natatakot akong magkamali.
"Mama I'm home" pasigaw niyang sabi. Bigla naman lumabas ang babaeng kahawig niya mula sa isang pasilyo. Lumapit kaagad si Loraine sakanya at nagmano at kiss sa cheeks ng Mama niya.
"Mama si ate Kaye at si sir Aquino" Pakilala ni Loraine samin sa mama niya. Maaliwalas ang mukha ng mama niya katulad ng sakanya. Mukha silang walang problema dahil ang aamo ng mukha nilang dalawa.
"Ayy ganun ba rito na kayo mag hapunan, nagluto ako ng afritada at chicken curry" Anyaya ng mama ni Loraine.
"Aah kasi tita may ihahatid pa po kami. Baka mapagalitan ng magulang kapag gabihin na sila" Sabi ko sakanya. Gusto ko sana kaso nga may ihahatid pa kami at baka pagalitan sila.
"Ayy ganun ba sige next time na lang. Loraine hatid mo na sila"
"Opo ma" Tsaka niya kami hinatid sa labas..
Paglabas namin gising na si France at si Mica.
"Sige po sir salamat" Kumaway kami kay Loraine.
Pumasok na rin siya sa gate nila. Nilingon ko si France mukhang malungkot na ewan. Gutom ba ito?
"Okay ka lang France?" Tanong ko sa kaibigan.
Tumango lamang siya. Seriously, hindi ako sanay kapag hindi siya maingay.
"France? Hindi ako sanay, bakit ang tahimik mo?" Hindi ko na mapigilan ang pagtatanong. Kasi naman para siyang alien na walang pake sa paligid niya. Kanina pa siya walang imik.
"Ano kaba napagod lang siguro ako. Sige ingat kayo salamat sa inyong dalawa" Tsaka siya dire-diretsong pumasok sa bahay nila.
Shit may problema talaga siya.
"Kuya gusto ko ng tubig" nabigla kami nang magsalita si Mica. Sino ba namang hindi magugulat kung bigla bigla nalang magsalita ang tulog.
"Alright 7/11 muna tayo" Ipinark niya ang kotse niya at sabay kaming lumabas tatlo.
"Kuya gusto ko rin nito. Eto pa. tsaka ito" Natatawa na lang ako dahil namumula ang pisngi ni sir na parang ewan. Naku bigla bigla naman kasi.
Si Mica ang inutusan niyang magbayad kaya may oras ako para asarin siya.
Right timing dahil tumabi siya sa akin.
Inhale.
"Sir? Namumula ka na naman. Inaakit mo ba ang mga babae rito? Naku sabi ko naman sayo kapag nasa public place ka iwasan ang pamumula. Baka magselos na ako niyan".
OMG nakayanan kong sabihin ang mga iyon? Pulang-pula siya nang nilingon ko siya!
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Romance"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...