"Bye mommy" Paalam ko bago ko siya hinalikan sa pisngi. Ginantihan niya lang ako ng ngiti at pinagpatuloy ang ginagawa niya.
Masaya naman akong lumabas ng bahay at halos mapalundag ng husto ang puso ko sa lalaking nakatayo at nakasandal sa kotse niya. Binigyan niya ako ng ngiti nang mapansin niya ang presensya ko.
Kumabog ng dahan-dahan ang puso ko.
"Goodmorning baby" Bati niya sa akin. Hinalikan ko naman ang pisngi niya.
"Good Morning din, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sakanya. Ewan ko ba rito ang sabi niya may pupuntahan daw kami.
"Secret, mamaya malalaman mo" nakangiti niyang sagot.
Ngumuso ako sa isinagot niya. Akmang hahalikan niya ako kaya mabilis kong inilagan ang labi niyang walang awa kapag nanghahalik.
"Sabihin mo muna sa akin" Pangsusungit ko sakanya.
"Basta. Matulog kana lang muna okay?" Natatawang suway niya saakin.
Hinayaan ko na lang siya at pinagmamasdan na lamang dinadaanan namin. Hindi ito pamilyar pero hinayaan ko na lang siya.
May tiwala naman ako sakanya, kung saan siya, masaya na ako.
"I Love you Professor Malvin Klein Aquino" Sigaw ko sa loob ng sasakyan niya. Ngiting-ngiti naman siya sa ginawa ko.
"I love you too. Huwag kang malikot baby" Suway niya saakin kaya ayon nagbehave na ulit ako.
Malayo pa ba kami?
"Klein nauuhaw ako" Bulong ko sakanya. Ang layo naman kasi ng pupuntahan namin.
"May Bottled water sa bag ko baby tsaka curls, pakiabot na lang baby ah" Sabi nya kaya hinanap ko kaagad ang bag niya. Nakita ko naman iyon kaya i
kinuha ko na kaagad.Uminom ako ng tubig at inalok ko siyang uminom pero hindi raw siya nauuhaw kaya tinakpan ko nalang at nilagay sa bag. kinuha ko rin ang malaking piatos at binuksan.
Sinusubuan ko siya ng piatos habang nagmamaneho siya. Nginingitian niya lamang ako kapag ginagawa ko iyon at mabilis na binuka ang bibig niya.
"Thank you" Aniya at hinalikan ang labi ko.
Mabilis lamang ang ginawa niyang halik dahil sa pagmamaneho niya. kung hindi lang siya nagmamaneho ngayon malamang sa malamang bukas pa kami makakarating sa pupuntahan namin.
"Malayo pa ba tayo?" Tanong ko sakanya. Naubos na namin ang isang balot ng piatos kaya nauuhaw na naman ako.
"malapit na baby" Ngiting sagot niya saakin tumango lang ako at uminom ulit ng tubig.
Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa hita ko at maraha na pinisil-pisil. Napatingin naman ako sakanya dahil sa inasta niya. Tanging ngiti lang ang isinagot niya saakin.
"Nandito na tayo, baby" Masayang bulong niya sa akin.
Mabilis kong inayos ang sarili ko at napayakap sa sarili. Nakaramdam ako ng lamig.
Iginala ko ang mata ko at napaawang ang bibig ko. Nasa Baguio yata kami, nakumpirma lamanh ang nasa isip ko nang marahan siyang nagsalita.
"Rest house namin to baby, rito pinili nila Sad kahit na palagi silang nasa ibang bansa kaya pinaubaya nalang nila 'to saakin" Kwento niya habang papasok kami sa isang simple pero malaking bahay. May hardin pa na nakapalibot dito.
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Romance"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...