Hospital ang labas ni Lester kasi naman. Hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon hindi naman gaano kalala ang natamo niyang bugbog sa nakaaway niya.
Since wala rito parents niya si Sir na muna ang nag-asikaso.
Tinawagan na namin ang magulang ni Lester para ipaalam ang nangyari sa anak nila, and sad to say na kukunin siya ng Mama niya rito para isama doon sa America.
Matagal ng naninirahan ang Mama ni Lester sa America, nakapangawasa nito ang isang American citizen.Kawawa naman ang bestfriend ko. Parang kanina lang hinahanap ko siya tapos ngayon naman ganito na ang kalagayan niya.
"Ano ba kasing nakain mo at nakipagsabayan ka sa mga sira ulong tao" Suway ko skanya para akong loka kinakausap ang taong walang malay.
Kainis kasi ang hirap tuloy i-explain ng kalagayan niya ngayon.
" Ano ba kasing nangyari sayo?" Tanong ko. Loka na talaga ako sana magkamiracle at magising bigla si Lester para sagutin lahat ng tanong ko.
"Para kang baliw"Sabi sakin ni Sir.
Sinulyapan ko naman siya at napatigtig. Grabe sobra na ang kagwapuhan niya. Nakahalukipkip at naka maong pants and blue long sleeve.
Ang pogi! Ilang ulit ko na ito nasabi?
"Matutunaw na ba ako?" Pabulong na tanong nito.
Marunong din pala ito magsalita? akala ko laging What ang alam!
"Tse, crush ko lang suot mo ngayon Hmm!" Pagtataray ko sakanya tsaka ko siya inirapan.
Dinaluhan ko naman ang natutulog kong bestfriend!
"Huhu Lester gising na!" Umakting pa ako nito baka sakaling magising.
"Stop your drama, Mendoza" Suway niya saakin.
Binelatan ko lang siya at kumuha ng orange sa bed side table. Ang lakas ko ano? Teacher ko binebelatan ko? Mukhang okay lang naman sakanya? wala nga siyang reklamo. Siguro natutuwa rin siya? Siguro iniisip na lang nito little sister niya ako.
Hmp! Panget ng concept na little sister!
Kanina ko pa nilalantakan lahat ng prutas dito. Pero mukhang ayaw magising ng binabantayan namin. Mag-aalas singko na rin ng hapon tulog pa rin siya.
Mabuti nalang at mabait si sir at nilibre ako ng McDo.Isang oras na ang lumipas tulog pa rin siya. Kating-kati na ako, kailangan ko ng umuwi ng bahay at maligo.
Bigla namang pumasok si Sir na iba na rin ang porma. Tss lagi na lang siyang gwapo. Nagpapapansin ba siya para saakin?
Ang assuming ko. Minsan minsan lang heto, hayaan niyo na.
"Baka matunaw ulit ako!" Bulong niya saakin.
Ang yabang niya rin no. Iba ka Sir, kung ako matapang ikaw naman mayabang? pero may ipagmamayabang ka naman. Ako? tapang-tapangan lang ito.
"Che crush ko lang ulit yang suot mo eh Kapal mo Sir~" mahina na lamang ang huling sinabi ko.
Baka mainis na naman siya saakin at mamula na naman ulit pisngi niya, tpos kukuhanan ko na naman siya ng larawan. Mafufull mb ko!
"Umuwi kana and keep yourself safe" Sabi niya.
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Romance"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...