[Third Person's POV]
Pilit inaabot ng lalaki ang walang malay na babae. Puno ng dugo ang ulunan nito at naiinis siya dahil wala siya magawa. Naipit ang paa nito at sa tingin niya masama ang tama nila sa truck na nakasalpukan nila.
Sising-sisi siya.
Hindi niya mapigilanh mapaiyak dahil wala pa ring humpay sa kakatulo ang dugo mula sa ulo ng katapat nito. Natatakot siyang maubusan ng dugo ang babaeng mahal na mahal niya kaya malaki nalang ang sisi niya sa sarili niya.
Ang pagmamahal niya ang puno't dulo ng lahat. Ang kagustuhan niyang magparamdam sa matagal ng hinahanap.
Malalakas na busina ang maririnig sa labas at pinalilibutan na sila ng mga tao. Wala pa ring ambulance o mga rescuer man lang ang dumating dahil medyo may kalayuan ito sa ciudad.
"Kaye, Kaye baby please!" Hirap na hirap siya pero pinipilit niya paring tawagin ang babae.
Tamging mga kamay nito ang malayang nakakagalaw, bawat parte ng katawan ng babae'y pinasadanan niya. Daham-dahan niya ring iniyugyog ang babae. Nang natanto niyang delikado ang kanyang gimagawa'y napamura na lamang siya. Mahigpit ang kanyang hawak sa babae.
Hinding-hindi kita bibitawan, Kaye.
Wala pa ring malay ang babae, pakiramdam niya malalagutan na siya ng hininga sa nangyayari sa mahal niya. Parang kailan lang ang saya saya nila. Bakit pa kasi tumawag ang kaibigan niyang nagtuturo rin upang ibalita ang kumakalat diumano.
Sinisisi niya rin ang sarili niya dahil kung hindi siya nakipag agawan sa girlfriend niya ay hindi ito nangyari at kung sana ay napa-aga ang uwi nila hindi ito mangyayari.
Nakahinga siya ng malalim nang may dumating na ambulance. Kahit malayo pa lang ito ay natatanaw niya na sa basag na salamin sa harapan niya. Nabuhayan siya ng loob pero hindi mawala-wala ang kaba para sa babaeng mahal niya.
Pinagtulungan siyang mailabas kahit na nahirapan din ang mga tumulong sakanya. Nakuha na nila ang babae dahil hindi naman ito tulad ng lalake na naipit ang paa pero alam na ng kumuha sakanila na mas malaki ang natamo ng babae kaysa sa lalaking tinulungan nila.
Nawalan ng malay ang lalaki habang inaakay siya pasakay ng ambulance dahil narin siguro sa sakit na ininda niya.
Tumakbo na kaagad ang ambulance na tumulong sa dalawang tao na sakay ng pulang kotse. Mabilis silang nakarating at kaagad pinasok sa ER ang dalawang walang malay na magkasintahan.
Nangangamba ang mga nurse na kasama ng Doctor dahil alam nilang ang isa sa kanila'y nanganganib.
Sa kabila naman ay mabilis na nacontact ng mga awtoridad ang pamilya ng dalawang naaksidente. Hagulgol ang maririnig mo sa labas ng ER. Dalawang panig ang naguguho dahil sa nangyayari, walang sisihan dahil alam naman nila na ayaw rin ng bawat isa sa kanila ang nangyayari.
Nailabas na ang isang pasyente at nailipat na sa isang kwarto. Hindi mapigilang umiiyak ng kamag-anak ng lalaki dahil alam nilang ligtas na ang mahal nila sa buhay ngunit ang kabila nama'y nanatiling humagulgol lalong-lalo na ang kamukha ng babae na nasa loob parin ng ER. Hinahagod naman ng lalaki ang likod ng babae at pinatatahan dahil magiging okay rin ang lahat.
Unstable parin ang lagay ng babae nang mailabas ito sa ER at inilipat sa ICU. Naiwan ang Mama ng babae samantalang umuwi naman ang kapartner nito.
Hating gabi namg nagpasyahan ng Mama ng babae na dumalaw sa kwarto ng lalaking kasama ng anak niya bago maaksidente. Pagsisisi ang mukhang iniharap niya sa pamilya nito ngunit walang sino man ang dapat na sisihin dahil alam naman ng lahat na hindi nila ito kagustuhan.
BINABASA MO ANG
FATED 1: Fated To Love You, Sir! (COMPLETED)
Romance"Pagmamahal na tinadhana, sa hindi inaasahang pagkakataong pagkikita. Lalong nanaig ang pag-ibig ni Klein kay Kaye nang makita at malaman niyang isa ito sa mga estudyante niya. Isa sa mga bibigyan niya ng aral, sa kabilang dako naman. Hindi inaasaha...