01

2.8K 30 0
                                    



Madaling araw pa lang ay naghahanda na papuntang palengke ang dalagang si Almera para mamili ng mga sangkap na gagamitin niya sa pagluluto sa kanilang maliit na restaurant. Bilang isa sa may ari at kusinera ay nais niyang pulos sariwa lahat ng lulutuin niya para makatiyak siya na masarap at malinamnam lahat ng pagkain nila. Ang dalawang kapatid naman niya na si Joy at Gabriel ay naghahanda na para sa pagpasok sa unibersidad ng mga ito kaya hindi na niya inoobliga pa ang dalawang kapatid na tumulong sa kanya.
Si Joy ay nasa huling taon na ng highschool at si Gabriel naman ay nasa pangalawang taon na ng kolehiyo kaya naman todo kayod na ang dalaga. Buti na lamang ay may katuwang siya sa pag aasikaso ng restawran niya at yun ang mag asawang Nita at Poldo na pawang mababait at mapagkakatiwalaan.

"Tara na Almera para maabutan pa natin ang mga sariwang isda at gulay sa palengke...".yakag ni Aling Anita sa dalaga habang isinusukbit nito ang dala dalang bayong.

"Oo nga naman...para iwas trapik na din..".sabad ni Mang Poldo na nagpatiuna na sa paglabas para ayusin na ang serbis nila na owner type jeep na bagamat luma na ay nasa maayos pa ding kondisyon.

"Opo Mang Poldo....Gab!! Joy!!!! Alis na ako,ilock niyo ng maiigi ang pintuan pag alis niyo, wag niyong kakalimutan!!".sigaw niya sa dalawang kapatid na nasa ikalawang palapag ng restaurant kung saan sila nakatira.

"Teka lang Ate,paano baon namin??".tarantang sigaw ni Gab sa kanya bago ito bahagyamg sumilip sa barandilya ng hagdan.

"Ikaw talaga Gab mukha ka talagang baon kahit kailan.".kunwang sermon niya sa kapatid bago inilapag ang magkahiwalay na pera sa mesa.

"Eh,alam mo namang may binata ka na ate eh..".nahihiyang sagot ni Gab.

"Nakuuu..siguraduhin mo lang na sa pag aaral mo ginagamit yan,wag ka munang manligaw dahil wala ka pang maayos na trabaho.".

"Alam ko po yun Ate,wag ka ng manermon..Anong oras na..".natatawang sagot sa kanya ni Gab para tigilan na niya ang panenermon dito.

"Ayy oo nga pala,sige..alis na ako..".aniya sabay kaway sa kapatid at nagmamadaling lumabas sa likod ng restawran para mailock niya ang pinto ng walang hirap dahil sa harapan niyon ay roll up pa ang pansara nila.

Pagdating niya sa labas ay nakasakay na ang mag asawa sa sasakyan habang siya ay sinulyapan muna ang harapan ng restawran nila ngunit napakunot noo siya ng makita ang isang lalaki na nakahiga sa manipis na karton habang yakap yakap ang sarili. Gigisingin niya sana ito ng bigla itong lapitan ng tatlong kalalakihan at ito na ang gumising sa tila kasamahan nila.

"Caleb...pare,gising na uyy...pambihira ka naman..kaya pala bigla kang nawala sa bar dito ka lang pala...Uwi na tayo..".yakag ng isang lalaki na may katangkaran at may malapad na pangangatawan.

"Ibang klase din 'tong si Caleb,wag lang masandal sa kung saan eh tulog kaagad. Buti na lang at naging lalaki ka,dahil kung babae ka baka nagahasa ka na ng wala sa oras..".ani naman ng isang lalaki na may bitbit pang gitara.

"Buhusan niyo ng malamig na tubig yan,aywan ko lang kung hindi yan magising...Ayan na ata ang may ari,lagot kayo..".wika naman ng may kaliitang lalaki habang nakatingin sa kanya kaya naman bahagya lang niya itong nginitian bago sumakay sa sasakyan nila habang ginigising pa ng mga ito ang kaibigan.

''Yan ang  nagagawa ng mga taong nabubuhay lang sa bar tuwing gabi..hula ko ay isa ang mga yan sa nagpeperform diyan sa katapat nating bar,may mga gitara eh..".wika ni Mang Poldo sa dalaga ng makasakay na ito.

"Siguro nga ho..".aniya bago muling sinulyapan ang mama na nagising na mula sa pagkakatulog at agad na tumayo kaya naaninag na niya ang hitsura nito.

Mahaba ang buhok nito na abot hanggang balikat,balbas sarado at sa tantiya niya ay nasa anim na talampakan ang taas. Kumaway pa ito at bahagyang yumukod ng mapansin nito na nakatitig siya rito kaya naman bigla niyang iniwas ang tingin ang tingin at nag isip na lang ng maaari nilang idagdag sa nakasanayan na nilang menu araw araw.

****

"Mukhang masungit yung may ari ng restawran Caleb,yari ka ginawa mong tulugan yang tapat ng pwesto niya..".natatawang wika ni Jared na nakatanaw din sa owner type jeep na kinalulunanan ng dalaga.

"Sows,para yun lang...Di naman ako nanggulo ahh...Kailangan ko lang ipahinga ang katawan ko dahil baka mahimatay na ako sa sobrang pagod at antok.".aniya ng binata habang inaayos ang karton na nagmistulang higaan niya.

"Hahaha,ang mabuti pa tara ng umuwi ng makapagpahinga na talaga tayo...Lalo na ngayon na nakuha na natin ang approval ng may ari ng bar na regular na tayong tutugtog sa kanila... Saan ka sasakay? Sa motor mo o sa oto ko?".tanung ni Jared sa kanya.

"Sa motor ko na lang..".

"Kaya mo ba magmaneho eh mukhang antok na antok ka eh.".

"Oo kaya ko,ako pa?".pagyayabang ng binata sa mga kasama.

"Oh siya sige ...ikaw na ang magaling..".ani ni Hiro sabay tapik sa balikat niya.

Nagkatawanan pa ang magkaibigan bago sila naghi hiwalay para magsipag uwi na sa kani kanilang tahanan. Natapos na naman kasi ang magdamagang tugtugan kaya oras na naman para magpahinga.

Sa tipo ng trabaho ni Caleb ay nagmistula na siyang nocturnal dahil pagsapit ng umaga ay nagbabad siya sa higaan at maghapong natutulog at gising na gising naman sa gabi. Ngunit lahat ng iyon ay pabor sa binata. Nakakalimutan niya kasi ang lahat ng problema niya at masasakit na alaala ng kahapon kapag natutulog lang siya buong maghapon at sa gabi naman ay kumakanta siya.

"I'm home....".mahinang wika niya sabay ngiti sa isang larawan na nakadisplay sa maliit niyang sala. Isang larawan ng babaeng nakangiti at masigla habang yakap ang isang binatilyong lalaki.

Saglit na nagtanggal ng medyas,damit at pantalon ang binata at pasalampak na nahiga sa maliit niyang kama at agad na ipinikit ang mga mata at ilang saglit pa ay pawang hilik na lang ang maririnig mula dito. Ni hindi nito alintana ang mga kalat at makakapal na alikabok na nananahan sa kanyang bahay.

*****

Samantala naging abala naman si Almera sa kusina buong maghapon dahil sa dami ng customer na nagsikain sa kanila. Mabuti na lamang at kaagapay niya ang dalawang matanda at ang dalawa niya pang waitress na sina Isang at Maya.

"Kumusta ka dito,kaya pa ba?? Daming tao eh..".nakangiting tanung ni Mang Poldo sa kanya ng maabutan siya nitong naghihiwa ng karne.

"Kayang kaya...Nasanay na rin po ako...".aniya habang tinitingnan ang iba pang pagkain na nakasalang sa kalan.

"Tulungan na kita diyan...".ani ng matandang lalaki ng makita siya nitong aligaga na sa mga ginagawa. Si Mang Poldo ang katulong niya sa pagluluto at si Aling Nita naman kanilang kahera.

"Salamat po...".nakangiting sagot niya sa butihing matanda.

"Naku wag kang magpasalamat at ito ang trabaho ko...".sagot naman nito sa kanya.

Napapangiti na lang siya dahil sa kabaitan ng mag asawa. Nawalan man sila ng ama at ina ngunit ibinigay naman sa kanila ang dalawang matanda na naging pangalawang magulang na rin nila.
Maya maya pa ay kanya kanya na silang asikaso ng mga niluluto para sa mga order ng mga customer nila. Nakakapagod man ngunit para sa dalaga ay mabuting senyales iyon,na magkakaroon siya ng maraming benta ng araw na iyon. May maidadagdag na siya sa ipon niya para sa pag aaral ng dalawa niyang kapatid na sa kanya din umaasa mula ng maulila sila.

...

The Story Of Us(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon