"Nilalamig ka ba??".pukaw sa kanya ng binata ng mapansin nito ang paghalukipkip niya at panginginig habang nasa biyahe."Ha? Hindi naman...".kaila niya rito.
"Eh nanginginig ka eh...Isuot mo 'to".ani ng binata sabay hubad ng jacket nito at walang salitang ipinatong sa balikat niya.
"Isuot mo yan para di ka lamigin..Pagpasensiyahan mo na lang ang amoy kasi ilang araw ng walang laba yan hahaha!!".natatawang wika ng binata habang nakatingin sa kanya.
"Okay lang naman ako,baka ikaw lamigin..".aniya sa binata dahil nakasando na lang ito.
"Naku wag mo akong intindihin,balat buwaya ata 'to..di ako tinatablan ng lamig ng ganun kadali".kibit balikat na sagot sa kanya ni Caleb.
Di na lang siya kumibo para hindi na humaba pa ang usapan ngunit pasimple niyang inamoy ang jacket nito at tama nga ang sinabi nito,dahil amoy pawis at mumurahing cologne ang nalanghap niya mula sa gamit ng binata.
"Pasensya ka na at di yan amoy baby...Yaan mo lalabhan ko yan pag uwi ko para next time mabango na pag inamoy mo".biglang wika ng binata na bahagya niyang ikinagulat. Nakita siya nito?!
"Hindi,okay lang naman...Nakakahiya naman sayo".namumulang sagot niya sa binata sabay iwas ng tingin rito.
Hiyang hiya siya ng mga oras na yun lalo na kila Mang Poldo at Aling Nita dahil sa inasal niya. Kung bakit ba naman kasi sumama pa si Caleb nalalagay tuloy siya sa alanganin.
"Ngapala nagkape na ba kayo??".biglang tanung ni Caleb sa kanila.
"Hindi pa eh..".sagot ni Mang Poldo.
"Ibili ko kayo pagbaba natin sa palengke".ani ng binata sabay sulyap sa dalaga.
"Naku hindi na kailangan iho dahil pagbaba natin ay kakain tayo ng lugaw..mas masarap yun kesa sa kape".nakangiting sabat ni Aling Nita sa usapan nila.
"Ahh ganun ho ba...Sige po".
Nagkunwari na lang ang dalaga na nakaidlip habang nasa biyahe para tigilan na siya ng binata dahil sobrang daldal nito na tila ba kaytagal na nilang magkasama. Kahit ang dalawang matanda ay nakasundo agad ni Caleb kaya siguro ganun na lang kapanatag ang loob ng mga ito sa bawat isa.
"Dito na tayo...".mahinang wika ng binata kay Almera para magising na ito sa pagkakaidlip.
"Huh?!".
"Sabi ko dito na daw tayo..".ulit ng nakangiting binata.
Pagkasabi nun ay agad na bumaba ang dalaga para makalayo sa binata at nagpatiuna na sa pagpunta sa karinderya kung saan sila nag aagahan.
"Tabi ulit tayo ha..".makulit na wika ni Caleb sabay upo sa tabi ng dalaga na hindi na rin nakaimik.
"Treat ko..kuha ka lang kung anong gusto mo".dagdag sabi ng binata sabay kindat sa dalawang matanda na sabay pang nag aprub sa kanya.
***
Paalis na sila Gab at Joy ng dumating galing sa palengke sina Almera at nakita pa ng dalawa si Caleb na nagbubuhay ng mga pinamili kaya agad nitong tinanung ang kapatid.
"Kumuha ka ng bagong boy ate?!".bulalas ni Joy habang nakatitig sabkatawan ng binata.
"Hindi ko yan boy,at yang mata mo Joy ayusin mo dudukutin ko yan...may gatas ka pa sa labi iha".masungit na wika niya sa kapatid.
"Eh sino yan??".sabad ni Gab.
"Nagmagandang loob lang na tutulong sa pamamalengke,wag na kayong matanung at pumasok na kayo dahil baka malate pa kayo".
"Anong pangalan niyan ate??".nakangiting tanung muli ng dalagita.
"Gusto mo makatikim ng kurot sa singit?? Alis na".ani ng dalaga habang pinandidilatan ang kapatid.
"Grabe to si ate kala mo gf na pinagdadamot ang bf wag kang magselos,tinatanung lang pangalan eh".bulong ni Joy bago tumakbo papalabas dahil sa takot na makurot ng nakakatandang kapatid.
"Alis na kami Ate..".paalam ni Gab sa kanya bago nito muling sinulyapan si Caleb na pawisan na sa paghahakot ng mga pinamili nilang gulay.
"Salamat nga pala sa tulong mo..saka sa jacket na pinahiram mo".nahihiyang wika ng dalaga bago nito iniabot ang jacket ng binata.
"Wala yun..Sa uulitin ha".nakangiting wika ng binata sabay kindat sa kanya.
Noon lang niya nasulyapan ng malapitan ang binata at masasabi niyang mahitsura ito sa kabila ng pagiging badboy looks nito. Pati ngipin nito ay halatang alagang alaga dahil mapuputi iyon at pantay pantay.
"Baka matunaw ako ha".biglang wika ng binata sabay tawa ng malakas.
"Yabang..".naiilang na sagot niya sabay irap dito.
"Biro lang...Ngapala sila ba yung mga kapatid mo??".
"Oo..".
"Mga teen ager na pala".
"Oo".
"Bilib ako sayo ahh...Nadidisiplina mo sila kahit busy ka dito sa negosyo mo".
"Ganun talaga..Alam nila para sa kanila din yan..".
"Sabagay...Ngapala alis na din ako...".
"Sige, salamat ha...".
"Wala yun basta ikaw..".
"Salamat pa rin".
"Oks lang yun...sige ha".anito bago tuluyang lumabas ng restawran at agad na umangkas sa motorsiklo nito. Kumaway pa ang binata bago nito pinaandar ang motor at matuling pinatakbo papalayo roon.
"Magaan ang loob ko sa batang yan".nakangiting wika ni Aling Nita sa kanya ng lumapit ito sa kinatatayuan niya.
"Bakit naman ho??".
"Magaan siyang kasama,palaging nakangit at halatang masiyahin".
"Kakakilala lang natin sa kanya Aling Nita..".
"Alam mo iha mararamdaman mo naman kung mabuting tao ang kaharap mo o nagpapakitang tao lang eh...ramdam ko na totoong tao siya".
"Yun ang hindi natin alam Aling Nita...tara na pong magsimulang magtrabaho".paiwas na sagot niya sa matanda bago naglakad patungo sa kusina para ihanda ang mga lulutuin.
***
"I'm home..".masiglang wika ng binata sabay haplos muli sa larawan ng isang babae na nakadisplay. Agad niyang tinanggal ang suot na medyas,pantalon at damit at pabagsak na humilata sa kama habang iniisip ang dalaga.
Halata sa mga kilos at salita nito ang pagkailang sa kanya kaya lalo itong gumaganda sa paningin niya. Bahagya pa siyang napangiti ng maalala ang pamumula nito kapag tinutudyo niya kaya naman lalo itong naging cute titigan.
"Ay oo nga pala maglalaba ako!".biglang sabi ng binata sabay balikwas mula sa kinahihigaan. Agad niyang dinampot lahat ng mga labahin niya at agad na nagtungo sa maliit niyang lababo kung saan siya naglalaba ng mga damit niya.
"Nakakahiya naman kapag naamoy ulit ni Almera na amoy ewan ang damit ko,baka ma turn off yun sakin".natatawang ani ng binata sa sarili habang sinisimulan na ang pagkusot ng mga maruruming damit.
Ilang oras pa ang ginugol ng binata sa paglalaba bago ito natapos at bago nagpahinga ay maiigi nitong tinitigan ang sarili sa salamin.
Ilang saglit pa ay agad na dinampot ng binata ang pang shave at sinimulang ahitin ang malago niyang balbas hanggang sa maubos.
"Congratulations Caleb,mukha ka ng tao".muling wika ng binata habang sinisipat naman ang mahaba at malagong buhok nito.
"Makapagpagupit nga mamaya".aniya sa sarili bago tinungo ang kama at tuluyan ng nagpahinga para maihanda ang sarili para sa isang gabi na namang puyatan.
...
BINABASA MO ANG
The Story Of Us(COMPLETED)
RomanceWhirlwind romance that can make you feel the kilig while reading. Warning: May mga scenes na mapapaiyak ka.Enjoy reading!