Note: Spg alert (requested by someone)"Almera???".mahinang tawag ni Caleb sa kasintahan ng hindi ito umiimik ng ilang saglit.
"Bakit ambilis mo naman ata?".mahinang sagot ng dalaga.
"Life is too short....Hindi natin alam kung kailan tayo kukunin ng Diyos...I want us to be happy as long as we're here..Ikaw at ako-magkasama sa hirap at ginhawa. ".may bahid ng lungkot na wika ng binata sa kanya.
"Mahal mo ba ako Almera?" .dagdag na sabi ng binata.
"Oo...mahal na mahal..".
"Pinagkakatiwalaan mo ba ako?".
''Oo...sobra...".
"Then,marry me....I want to spend the rest of my life with you Almera...''.
"Ikaw talaga...Palagi mo na lang akong ginugulat..".
"Gusto kong lagi kang nasusurpresa mahal ko....".
"Oo nga eh..".
"Almera...".
"Yes or no??".
"Syempre yes!!".natatawang sabi ng dalaga sabay sugod ng yakap sa kasintahan na muli na namang umiyak.
"Salamat.....Sa wakas!!".ani ng binata habang malayang tumutulo ang mga luha.
"Sobrang saya ko ngayon...Salamat at dumating ka sa buhay ko Caleb...".
"Ako ang dapat magpasalamat dahil nakilala kita...At ngayon magiging asawa ko na...".
"Ehem!!!! Pasensya nA sa abala pero Pwede na ba nating simulan??".sabad ni Mang Poldo sa dalawa.
"Simulan ho alin?".
"Ang kasal iha...".nakangiting wika sa kanya ni Aling Nita kasabay ng paglalakad nito papalapit sa kanya.
"Kasal??".naguguluhang anas ng dalaga.
"Kasi kanina ate dumating na yung judge na magkakasal kila Kuya Jarred bukas...Kaya naisipan ni Kuya Caleb na mauna na kayong dalawa..".pabulong na wika sa kanya ni Joy habang hinihila siya nito patungo sa cottage na inuukupa ng dalagita.
"Paanong nangyari na ikakasal kami ngayon eh wala naman akong inasikaso? Ni hindi nga ako nag seminar".gulong gulo ang isipan na wika ng dalaga.
"Inasikaso namin ni Aling Nita at Kuya Caleb..Saka tumulong din si Kuya Gab...suprise proposal and wedding talaga ang plinano namin..".
"Pinagkaisahan niyo ako?".tila nagtatampong sagot niya sa kapatid.
"Alam mo Ate since our parents died,inako mo na lahat ng responsibilidad at pag aalaga sa amin. All your life wala ka ng ibang inisip kundi kami ni Joy...Sobra kaming thankful dahil nabiyayaan kami ng ate na kagaya mo Ate Almera...Napakabuti ng puso mo at ngayon gusto naman namin na maging happy ka...Matanda ka na din kasi ate,kaya kailangan mo na ding humabol...".
"Sira ka talaga!".naiiyak tawang wika ng dalaga.
"Magbihis ka na ate...Ako ang kasama mo sa pagmartsa mo".nakangiting wika ni Gab sa kanya.
"Pinagkaisahan niyo talaga ako..Ang daya niyo..".
"Alam namin na mahal ka ni Kuya Caleb at di ka niya sasaktan...It's about time na Ate..".ani ni Joy habang hinihila siya nito papasok sa banyo.
Pagkarating nila doon ay tumambad sa kanya ang isang bestidang puti na sobrang haba. Naroon din ang isang tila koronang bulaklak na ang sabi ni Joy ay ipapatong daw sa ulo niya.
"Si Kuya Caleb gumawa niyan ate..Di ba ang ganda???".nakangiting wika ni Joy sa kanya ng makita siya nitong nakatitig sa bulaklak.
"Mamaya na kayo mag kwentuhan..naghihintay na ang groom sa labas..bihisan mo na ang ate mo Joy..".sabat ni Aling Nita sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Story Of Us(COMPLETED)
RomanceWhirlwind romance that can make you feel the kilig while reading. Warning: May mga scenes na mapapaiyak ka.Enjoy reading!