21

1K 21 0
                                    



Sa pagdaan ng mga araw ay naging maayos ang kalagayan ni Almera. Sinubukan na rin nitong tanggalin ang mga gamit ni Caleb sa kwarto nito at tinambak sa maliit na bodega nila para hindi na niya palaging makita at tuluyan na siyang makapag move on.

Nahihirapan man ang dalaga ngunit mas pinili pa rin nitong gawin ang mga responsibilidad niya sa restaurant at tinitiyak niyang maayos ang lahat sa paligid niya. Buti na lamang at nagmagandang loob na si Gab na tumulong tulong na sa kanila lalo kapag may bakanteng oras ito kaya laking pasasalamat niya sa mga kapatid. Maging sina Mang Poldo at Aling Nita ay nakaagapay din palagi sa kanya lalo pa at nasa first trimester siya ng pagbubuntis.

"Magandang hapon,pwede ko ho bang makausap si Almera?".nakangiting wika ng isang may katandaang babae kay Gab ng makita ito na busy sa pagbibilang ng kinita ng buong araw.

"Nagpapahinga ang kapatid ko eh..Bakit ho?".magalang na sagot nito.

"Ako si Cristina...May ibibigay sana ako sa kanya kung okay lang?".

"Pwede niyo hong ibigay sakin then ako ang magbibigay sa kanya mamaya...Sa ngayon kasi hindi siya pwedeng maistorbo dahil nagpapahinga siya..".magalang na sagot ng binata.

"Ganun ba..o sige,pakiabot na lang ito sa kanya ha..invitation yan para sa kasal ni Troy...Alam ko hindi siya makakapunta kasi sa America gaganapin...Pero utos kasi ni Maam Emily na magbigay pa rin ng invitation kay Almera oara at least awar-".

"Sige ho Maam..ibibigay ko ho sa ate ko....Pwede na po kayong umalis kasi busy po kami..".ani Gab sabay kuha ng maliit na envelope na iniaabot nito.

"Ganun ba...basta pakibigay sa kapatid mo ha..Di na rin ako magtatagal...salamat..".ani ng babae bago ito umalis ng walang lingon likod samantalang nagpupuyos naman ang kalooban ni Gab.

''Mga bastos na may pinag aralan! Kung kailan nakakabawi ma si Ate saka naman kayo manggugulo. ".kuyom ang kamao na wika ni Gab habang nilalakumos ang invitation card na binigay ng babae.

"Oh Gab....napano??".tanung ni Aling Nita ng makita itong nangangalit ang mga bagang.

"Wala ho Aling Nita..wag niyo na lang ho akong pansinin.".aniya sa matanda sabay tapon ng invitation card sa basurahan kung saan ito nararapat.

***

"Is he okay??''.alalang tanung ni Charrie sa doktor na sinusuri ang mata ni Troy gamit ang ophthalmoscope.

"Yeah...everything is okay..All he needs to do is to relax his mind and body for his fast recovery. His surgery went well so you don't have to worry..weeks from now Troy will be  in perfect shape again....".

"Thank you so much Doc...We are really grateful because he is okay now and out from danger...I owe you his life..".maluha luhang ani ng dalaga sa doktor ni Troy.

"Our job is to save lives..  You don't owe us  anything..".nakangiting sagot ng doktor sa kanya bago ito nagpaalam na aalis na.

Naiwan sila ni Troy sa private room na iyon dahil sina Roman at Emily ay kasalukuyan pang nasa bahay ng mga ito at papunta pa lang sa ospital.

Malaya niyang tinitigan ang gwapong mukha ni Troy habang nakatitig ito sa kawalan. Simula ng magkamalay ito ay hindi ito nagsasalita at tahimik lamang na waring di sila nakikita.

"Magpagaling ka na..Kasi madami kaming nag aalala sayo...sabi ng doktor successful daw ang heart transplant mo at magiging okay ka na in a few days...".nakangiting wika niya kay Troy habang hawak ito sa mga palad.

"Okay lang kahit di ka sumagot...alam kong naririnig mo rin ako...Masaya akong ligtas ka na ngayon at malayo ka na sa kapahamakan....Sabi ni tita ipapakasal na daw niya tayo once makarecover ka..Antagal na rin kasi nating engaged eh...Maybe tita was right...kailangan na nating ituloy ang kasal para lalo kitang maalagaan .".muling ani ng dalaga ng nakangiti.

"Hmmmmmmmm.....huuuhhhhhhhmmmmmm...".mahinang ungol ng binata pagkarinig sa mga sinabi ng dalaga.

"Troy???? Anong nangyari?!". Tarantang ani ng dalaga ng makitang tila nagagalit si Troy.

"Doc! Doc!!". Malakas na sigaw ni Charrie habang pinipindot ang button kung saan nakakonekta ito sa mga nurses at doktor.

"Troy!! Please calm down!!".mangiyak ngiyak na pakiusap ng dalaga ng makitang tila nagwawala na ang binata.

"A-a-alll....m-m-mmmeraaa..".hirap na wika ng binata habang naglalandas ang mga luha sa mga mata nito at pilit na tumatayo.

"Makakasama sayo ang mapwersa.....please calm down Troy....Oh my God....".tarantang wika ni Charrie habang pilit na pinapakalma ang binata.

"Aal..meraaa...".hirap na wika niya habang pilit na kinakalas ang mga nakakabit sa kanya na mga wire.

Nasa ganon silang tagpo ng humahangos na dumating ang doktor nito kasama ang tatlong nurse na pawang mga lalaki.

"Sedate him.".utos ng doktor sa kasama nitong nurse at agad naman itong tumalima. Maya maya pa ay unti unti ng kumalma si Troy hanggang sa tuluyan na itong manghina at pumikit.

"Please young lady...Do not give him stress... He was on his  recovery,he doesn't need to be stressed nor hurt... He needs to be relaxed all the tim..".

"Yes doc...".maluha luhang sagot ni Charrie sa doktor.

***

"What happened?! Akala ko nagising na si Troy?".bungad ni Emily sa dalaga ng makita nitong natutulog ulit ang stepson.

"Nagwala po kasi siya kanina tita....binigyan siya ng tranquilizer ng doktor para kumalma....".

"Why?! Bakit siya magwawala??".

"Naalala niya po si Almera...".mapait na wika ng dalaga habang umiiyak.

"Iba na ang puso niya pero nagawa niya pang alalahanin ang babaeng yun?!".tila napipikang ani ng madrasta ni Troy.

"Maybe he has a new heart...But his mind never forgets..".malungkot na wika ni Roman habang nakatitig sa kanyang unico hijo.

...

The Story Of Us(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon