28

1.1K 22 0
                                    



Malakas ang tahip ng dibdib ni Troy habang nakatayo siya sa harapan ng restaurant nila Almera. Tanghali na nun at madaming ng mga tao kaya hindi siya gaanong mapapansin ng mga ito. Naitxt niya na rin si Gerard na pupunta siya roon pagkagaling sa airport pero busy ata ang kaibigan kaya hindi nito nabasa ang message niya.

Maya maya pa ay mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya ng makita niyang bumaba si Almera habang nakasuot ng napakagandang maternity dress. Lutang ang kagandahan nito habang nakalugay ang mga buhok at hinahayaang iugoy ng hangin ang bawat hibla nito.

"Almera.....Anak....".maluha luhang wika niya habang masuyong tinititigan ang babaeng pinakamamahal maging ang tiyan nito.

"Ang kapal naman ng mukha mong magpakita ulit rito matapos ng ginawa mo sa amin lalong lalo na sa ate ko!".mariing wika ni Gab na papasok pala sa restaurant kaya nakita nito agad si Troy.

"Gab..".

"Naka move on na si Ate Almera sa panggagago mo..Kaya kung pwede lang wag ka ng magpapakita sa kanya!".

"Gab,magpapaliwanag ako..please..".

"Another thread of lies? C'mon sa lahat ng kasinungaling mo di na kami maniniwala sayo. Get lost habang di ka pa nakikita ng ate ko!".

"Hayaan mo sana akong makapagpaliwanag Gab..May rason kung bakit ko yun nagawa.".

"Anong rason para gaguhin mo si ate?tinanggap ka namin at trinato ng maayos...Isa pa ako sa sumuporta sayo nung nanliligaw ka pa lang kay Ate.. Pero di ko alam na isa ka palang gago! Kung alam ko lang na ganun gagawin mo sa ate ko disinsana sa una pa lang kinontra na kita!".

"Gab...please naman oohh...hayaan mo akong makapagpaliwanag..".aniya dito ng nagmamakaawa.

"Hindi ka namin kailangan kaya lumayas ka na!".

"Anong nangyayari dito?!".malakas na sabi ni Almera na namataan na pala ang galit na galit na kapatid.

"Ate bumalik ka na sa loob..".

"Paano akong babalik sa loob eh nakikita kitang nakikipag away.Sino ba yang kausap mo?".ani Almera habang nakatitig sa nakatalikod na lalaki.

"Isang walang kwentang tao lang Ate...not worthy of your time, kaya please lang...bumalik ka na sa kwarto mo.".matigas na utos ni Gab sa kanya.

"Anong walang kwenta? Eh bakit ka nagagalit diyan?".ani Almera habang nakatitig sa nakatalikod na lalaki.

"Madam baby.....".mahinang anas ni Troy habang unti unting humaharap sa asawa ng lumuluha.

"C-caleb...".tila pinanghihinaan ng tuhod na wika ni Almera.

Hindi ba ito ang taong kaytagal na niyang pinanabikang makasama at makita?

"I am sorry Almera....Please forgive me..".ani Troy sabay luhod sa harapan ng asawa.

"Anong ginagawa mo..Tumayo ka diyan...".ani Almera habang humahakbang papalapit sa dating asawa.

"Bumalik ka na sa kwarto mo ate..".biglang harang sa kanya ni Gab.

Maging sina Mang Poldo at Aling Nita ay lumabas na din dahil sa komosyon sa labas. Agad na dinaluhan ni Mang Poldo si Troy.

"I'm sorry Almera.....Alam ko mali ako...Handa akong magpaliwanag...Please pakinggan mo ako..".humahagulhol na wika ni Troy habang pilit na nilalapitan si Almera.

"Ate,akyat ka na sa kwarto mo please..".mangiyak ngiyak na wika ni Caleb dahil sa tensyon na bumabalot sa paligid.

"Oo nga naman hija..Masyado pang mainit ang pangyayari,buntis ka pa...baka makasama sa dinadala mo...".ani Aling Nita.

The Story Of Us(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon