Simula ng makauwi si Almera sa bahay nila ay hindi na ito lumabas sa kwarto at palagi ng nagmumukmok sa silid nito. Kahit sina Gab ay walang nagawa para kumbinsihin ang kapatid na bumalik na ito sa normal niyang pamumuhay. Wala na rin silang balita pa kay Caleb simula ng kunin ito ng madrasta at hindi din nila alam kung saan nakatira ang mga ito kaya hindi rin nila mapuntahan. Maging sina Jared ay wala ding ideya kung saan si Caleb dahil maging ang mga ito ay nabigla din sa nalaman."Ate...Ipinagluto kita ng lugaw....Para mainitan ang sikmura mo...Kain ka na..".nakangiting bungad ni Joy sa kapatid ng gabing iyon ng pasukin siya ang kapatid sa kwarto.
"Wala akong gana.".matabang na sagot ni Almera.
"Pero ate..kahapon ka pa walang maayos na kain...baka mapano ka..".
"Eh di mabuti para mawala na ako ng tuluyan..".tila balewalang sagot niya sa kapatid.
"Ah ganun ba ate?! Gusto mo ng mawala?! Oh sige gusto mo ba bigyan kita ng lubid o kutsilyo?!''.malakas na wika ni Gab bago ito pumasok sa kwarto ni Almera.
"Kuya Gab ano bang sinasabi mo!?".ani Joy.
"Gusto na niya kamong mawala di ba? Wala na sigurong saysay ang buhay niya dahil nawala sa kanya si Caleb. Tingin niya ata wala tayong pakiramdam eh..di ata tayo nag eexist sa paningin niya!".
"Kuya naman....Dahan dahan ka sa pagsasalita..".
"Bakit Joy? Ikaw ba,di ka ba nahihirapan na ganyan si Ate Almera? Diba hirap na hirap ka din? Sino ba sa atin ang hindi nahihirapan? Di ba lahat naman tayo?".
"Kuya Gab baka mapano si At-".
"Oh e ano naman?! Kita mo nga ilang araw na tayo sa kakasuyo pero lalo niyang ibinabaon sarili niya sa kalungkutan. Samantalang yong taong iniiyakan niya eh niloko siya! Bakit Ate Almera siya lang ba ang dahilan mo para mabuhay? Ano ba kami ni Joy para sayo? Tae lang? Wala kang paki samin, eh sa anak mo..May paki ka ba?! Isipin mo buntis ka na..may batang umaasa sayo diyan sa tiyan mo..Ano gugutumin mo sarili mo? Paano ang bata naisip mo ba?!".puno ng hinanakit na wika ni Gab sa nakakatandang kapatid na nagsisimula ng umiyak.
"Sana ate minsan maisip mo din na may mga kapatid ka pa at may anak ka pang dinadala...Kung nawala man si Kuya Caleb hindi ibig sabihin nun gugustuhin mo na ding mawala..Isipin mo din sana kaming mga andito..Kasi kung nahihirapan ka mas nahihirapan kami na makita kang ganyan!".mulin ani Gab bago ito umalis sa kwarto ng kapatid na pinipigil lang ang luha sa pagpatak.
"Akina ang lugaw...kakain ako...".mahinang wika ni Almera matapos nitong punasan ang mga luha na kanina ay malayang naglalandas sa makinis niyang pisngi.
Tama si Gab. May mga kapatid pa siya at anak na nangangailangan ng kalinga niya. Kaya kailangan niyang mabuhay para sa kanila. Wala man si Caleb sa tabi niya,alam niyang kakayanin niya ulit.
Masama man ang loob ay pilit pa ring kumain si Almera para muling manumbalik ang lakas niya. Matagal din niyang napabayaan ang restaurant kaya naman babawi siya sa mga kasama,ibabalik niya ang Almerang dati ay puno ng tatag at tapang.
"Burrpp!!".hindi napigilang dumighay ni Almera ng matapos kumain.
"Yehheeyy!! Salamat at kumain ka na ate...".
"Salamat din Joy...Yaan niyo from now on pipilitin ko ng maging okay..".pilit ang ngiting wika ni Almera sa bunsong kapatid.
"Talaga ate??? Salamat po kung ganun,matutuwa tiyak si Kuya Gab...".
Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ni Almera sa kapatid kasabay ng pangako sa sarili na magmula ng oras na yun ay magiging okay na siya.
***
@ Cleveland Clinic Florida
Tahimik na nakaupo sina Charrie at Emily sa labas ng operating room kung saan nagsisimula ng operahan si Troy ng mga magagaling na heart surgeon.
"I am praying na sana malampasan 'to ni Troy....He's too young para mag give up....".mahinang bigkas ni Charrie kay Emily.
"He'll be okay, don't worry hija...My son is a fighter...".malumanay na wika ni Roman sa fiancee ng anak.
"Sana nga po Tito Roman...I can't afford to lose him...".
"We will never lose him...okay? He's in good hands..".pagpapalubag loob ni Roman sa dalaga kahit maging siya man ay kinakabahan sa kakalabasan ng operasyon ng anak.
"Ipagpepray ko po yan tito....".
"Guys,be positive okay?? He can do it...".biglang sabat ni Emily sa dalawa na parehas nag aalala.
Si Emily ang nag ayos ng mga papeles ni Troy para mailipad papuntang ibang bansa at doon magpa opera. Alam niyang magiging okay doon ang binata at malaki ang chance niya na tanggapin na siya nito bilang stepmom lalo pa at inalagaan niya ito sa mga panahong wala itong malay.
"Punta lang akong labas...I need to buy something..".paalam niya sa dalawa bago siya tuluyang naglakas papalayo sa mga ito.
Balak niya kasing utusan ang katiwala niya na naiwan sa pinas na ipaabot kay Almera na tuluyan na itong kinalimutan ni Troy at nag asawa na ito at kailanman ay hindi na muling magbabalik oara hindi na ito umasa.
Nakaplano na lahat at maayos niya iyong inasikaso,balak niyang ipakasal na si Troy at Charrie sa oras na maka recover ang binata sa operasyon nito. Para masunod ang gusto niya sina Charrie at Troy pa din ang magkatuluyan.
"Hello Cristina gawin mo na ang iniuutos ko sayo..".simpleng sabi niya sa sekretarya at alam niyang alam na nito kung anong gagawin.
Nakakatiyak siyang maipapakasal na niya ang dalawa lalo pa at nasa kanila na ulit si Troy at nanghihina pa ito,at yun ang sasamantalahin niya.
"Nasan si Roman?".tanung ni Emily kay Charrie ng makitang wala ito sa labas ng kwarto ng binata.
"Nasa cr lang po tita...".
"Ganun ba? By the way..May sasabihin nga pala ako sayo....".
"Ano po yun tita?".
"I want you to marry Troy as soon as possible...".
"Po?? Pero...sa lagay niya ngay-".
"Kaya nga perfect timing hija....Let's do it now para di na siya makapalag...".
"Pero paano ho....".
"Ako ang bahala..".makahulugang sagot niya sa dalaga na tila takang taka.
***
"Magandang Umaga!!!".masiglang bati ni Almera sa mga kasama pagkagising niya. Suot niya ang maong na jacket at maliit na buddy bag ng bumaba siya ng salas para sumama kina Mang Poldo sa pamamalengke.
"Magandang Umaga naman iha....Bakit ang aga mong nagising?".
"Sasama po ako sa palengke,tara na po..".
"Ha? Bakit? Okay ka na ba?".
"Opo Aling Nita...Okay na po ako...Tama si Gab,dapat maging malakas ako ngayon lalo na at may baby na ako...Kaya from now on ibabalik ko na yung dating ako...Kaya tara na po sa palengke..Namiss kong pumunta dun tuwing umaga..".nakangiting aya niya sa dalawang matanda at nagpatiuna na siya sa paglalakad palabas.
...
BINABASA MO ANG
The Story Of Us(COMPLETED)
RomanceWhirlwind romance that can make you feel the kilig while reading. Warning: May mga scenes na mapapaiyak ka.Enjoy reading!