Mula ng sagutin niya ang binata ay lalong naging malambing at maalaga si Caleb sa kanya at ramdam na ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya. Mas madalas na itong tumulong sa kanya sa kusina pag kagaling nito sa pagtugtog. Madalas nga itong tuksuhin ng mga kabanda na itali na daw nito ang sarili sa katawan ng dalaga para hindi na sila magkalayo.
Maging si Almera ay di rin nakaligtas sa panunukso ng mga kasamahan sa bahay na nakasanayan na rin ng dalaga sa pagdaan ng araw."Iba talaga pag inlove...lalong sumasarap ang mga niluluto at palaging blooming..".nakangiting wika sa kanya ni Aling Nita.
"Ako na naman napansin niyo.Di ba kayo nagsasawang tuksuhin ako..hahahaha".
"Masaya lang kami iha..dahil kita naman namin kung gaano ka kamahal ni Caleb at alam namin na masaya ka na sa piling niya.".
"Ganun pala pag inlove Aling Nita...parang lagi kang nasa ulap.."
"Ganun talaga iha..Kasi mayroong nagpaparamdam sayo ng pagmamahal na walang kapantay..Pero sana iha kahit gaano mo kamahal si Caleb ay pag ingatan mo pa rin ang sarili mo..".
"Ano hong ibig niyong sabihin??".
"Baka kako makalimot kayong dalawa at madala kayo ng kapusukan..alam mo na...".
"Naku wag ho kayong mag alala kay Caleb...napakamaginoo niya at malaki ang respeto sakin.Kaya malabo pong mangyari samin yag iniisip niyo...".
"Mabuti naman kung gayon....Sabi nga sa kanta ni Vanessa Williams, you have to save the best for last daw .hahahahaha!!!.".natatawang wika ng matanda sa dalaga.
Maging si Almera ay napahagikhik sa sinabi ng matanda. Yun siguro ang maipagmamalaki niya sa lahat. Simula ng sagutin niya ito ay nagkakasya lamang ito sa paghalik sa noo niya at paghawak sa kamay. Sa kabila ng personalidad nito na badboy ay nagkukubli pala ang katauhan ng isang maginoo at mabait na Caleb,kaya naman lalo niyang minahal ang kasintahan.
Maya maya pa ay nakatanggap siya ng tawag mula sa binata kaya naman agad niya itong sinagot.
"Kumusta ang girlfriend ko??".malambing na bungad ng binata.
"Ito pagod...Pero okay lang....Ikaw kamusta ka diyan?".
"Ito nakatitig sa napakagandang nilalang sa buong mundo...".malambing na sagot nito.
"At sino naman yun?".paingos na sagot niya.
"Harap ka sa salamin.....At makikita mo siya..".
"Bolero...".
"Hindi ahh...nagsasabi lang ako ng totoo...".
"Hmp! Anong oras ka ba pupunta dito pra maihanda ko na ang kakainin mo? Masyado lang maaga para bolahin mo ako...".tanung niya sa nobyo ngunit bigla nitong ibinaba ang telepono kaya naman nagtaka siya.
"Huh???".salubong ang kilay na wika niya habang dinadial ulit ang number ni Caleb.
"Kung sino sino pa tinatawagan mo andito lang naman ako...".mahinang bulong ni Caleb sa kanya sabay yakap nito ng napakahigpit.
"Eehhhhh!!!! Bakit ba nanggugulat ka lagi..".tiling sabi niya rito.
"Sabi ko naman sayo kanina di ba??? Nakatitig ako sa pinakamagandang nilalang sa buong mundo?? Ikaw yun..".
"Kinakarer mo na ang pagiging bolero Caleb ahhh.. baka mamaya pati sa mga babaeng audience sinasabi mo din yan ahh".
"No!! A big NO!! Sayo ko lang yun sasabihin ng paulit ulit...".malambing na wika ng binata sabay yapos sa kanya ng mahigpit.
"Teka lang...Amoy pawis ako eh..".aniya sa binata ng maalalang maghapon pala siya sa kusina at nagluluto.
"Ang bango bango mo nga eh...Amoy gulay,karne at isda...Kanin na lang ang kulang may ulam na ako..hahaha".pabirong ani ng binata sabay amoy ng buhok niya ng biglang malaglag ang hairnet niya dahil sa kakulitan nito.
"Caleb naman eh...".nakangusong wika niya sa kasintahan.
"Wag kang nag gaganyan sa harapan ko Almera....Baka di ako makapagpigil eh mahalikan ko yan....Nangako pa naman ako kay Gab na lahat ng yun ay gagawin ko lang pag kasal na tayo...".ani ng binata habang nakatitig sa mga labi niya kaya otomatikong natakpan niya ang mukha niya.
"Hahahahaa,biro lang...I can wait naman eh....Anong pagkain meron ka..pakainin mo na ang baby mo...gutom na ako".naglalambing na wika ng binata kaya naman napahalakhak siya ng napakalakas.
Isang halakhak na noon lang namutawi sa mga labi ng dalagang si Almera.
***
"Mukhang sa kasalan na ngang talaga ang tuloy niyan pare...Ang tanung handa ka na ba?".ani ni Jared kay Caleb habang nasa labas sila ng bar at nagpapahinga kakatapos pa lang nilang tumugtog at kasalukuyan silang nagpapahangin.
"Tinatanung pa ba yan pare?".
"Sabagay nasa tamang edad ka na rin at ganun din si Almera.Walang masama kung lalagay na kayo sa tahimik...".
"Alam mo pare magmula ng maging kami ni Almera,naramdaman ko na unti unti ng nabubuo ang pagkatao ko...Alam mo yung tipong isang ngiti lang niya sakin pakiramdam ko wala na yung sakit ng nakaraan..Dahil sa kanya pakiramdam ko nagkaroon na ng kahulugan ang buhay ko. ".seryosong ani ng binata.
"Ganun naman talaga di ba pare...Pag nakita na natin ang The One na sa tingin natin ay bigay ng Diyos, dun natin nararamdaman na nabubuo na tayo....Kaya nga pag kinasal na tayo tinatawag na natin silang Better Half...Dahil sila yung pumupuno sa missing piece ng pagkatao natin..".marahang wika ni Jared sa kanya.
"Di ko na ata kayang mawala pa sakin si Almera pare ..Siya na talaga yun eh..".
"Eh di wag mo ng pakawalan...bigyan mo na ng singsing..itali mo na siya sayo sa pamamagitan ng basbas ng Diyos at ng batas nating mga tao ..".
"Yun na nga siguro ang gagawin ko...Kahit pa sabihing nagmamadali ako...".
"Ang pag ibig,wala naman yan sa haba o ikli ng panahon na naging kayo eh....Nasa nararamdaman yan at sa tunay na nilalaman ng puso mo...Kung sinasabi ng puso at isip mo na siya na nga talaga..Wala ka ng magagawa dun pare...Wag mo hayaang maghintay ka sa isang bagay na alam mo naman na pwede mo namang gawin agad.".
"Salamat pare ah....Kung sakali man bestman ka ah..".
"Aba di ako tatanggi ahh...hahahahhaa!!!". Napuno ng masasayang halakhakan ng magkaibigan ang buong paligid dahil sa usapan nilang iyon.
"Paghahandaan ko ang proposal ko na iyan..Sisiguraduhin kong masosorpresa siya sa gagawin ko...I want it to be special..".ani ng binata ng nakangiti ng pagkatamis tamis.
"Maaasahan mo kami diyan!!".sabat naman nina Hiro at Peter na nakikinig pala sa usapan nila.
"Salamat mga pare!".masiglang wika ng binata sa mga ito bago sila muling pumasok sa loob ng bar para mag perform.
...
BINABASA MO ANG
The Story Of Us(COMPLETED)
عاطفيةWhirlwind romance that can make you feel the kilig while reading. Warning: May mga scenes na mapapaiyak ka.Enjoy reading!