Ng maging stable na ang lagay ni Caleb ay nag request si Almera na magshare sila ng room ng asawa para mabantayan ito habang di pa siya nakakalabas ng ospital. Inaantay niya ding magising ang asawa niya para maipakita rito ang napakakyut na anak nila."Ate,sabi ng doktor pwede ka na daw makalabas bukas..".ani Gab sa kanya ng bisitahin siya nito sa ospital.
"Sino magbabantay kay Caleb?".
"Yung tatay ni Kuya....Inasikaso lang ang libing nung kinakasama niya tapos siya na magbabantay kay Kuya hanggang sa magising siya...Baka maya maya dito na yun.".
"Eh gusto ko sana pagdilat ng mata niya nandito kami ni baby eh...Para lalo siyang lumakas ..".
"Wala namang problema na bumalik kayo dito kapag nagising na si Kuya...Kailangan mo na din kasing iuwi si baby sa bahay para hindi siya ma expose sa mga bacteria dito..Alam mo namang iba't ibang uri ng sakit ang pwede niyang masagap dito lalo infant pa lang siya...".
"Ganun ba...Sayang..baka kung kailan wala na kami dito saka siya magising..''.
"Don't worry ate ihahatid ko kayo agad dito kapag nagising na si Kuya...pero from now on asikasuhin mo muna si baby...".
"Sige, antayin ko lang yung tatay niya...".
"Sige ate..".
***
Tok! Tok! Tok!
Tatlong magkakasunod na katok ang umagaw sa atensyon ng magkakapatid kaya agad na pinagbuksan ni Gab ang panauhin.
"Magandang araw...Ako ang tatay ni Troy...".ani ng matanda na nakangiti agad ng makita si Almera.
"Magandang araw din po Sir..".magalang na sagot ni Almera sa matanda.
"Dad....Please call me dad...sa wakas nagkita rin tayo....walang bukambibig ang anak ko kundi ikaw nung nasa florida pa kami..".ani ng matanda sabay lapit sa anak na mahimbing pa rin na natutulog.
"Salamat po...Sayang nga lang po at nangyari yan sa kanya dahil sa pagliligtas niya sakin..".nalulungkot na wika niya rito.
"Ganun naman talaga ang pag ibig Almera...Lahat ay kaya mong gawin para sa taong mahal mo,kahit pa manganib ang buhay mo..Yan ang isang bagay na hindi ko nagawa noon...".anito habang nakatungo.
"Bakit po? Ano pong nangyari?".di mapigilang tanung niya rito.
"When I was still in the prime of my life, I met someone that I could not resist. It was Emily,she's so beautiful, fun to be with and yes...She's that kind of a girl that every guy could ask for when it comes to bed.. It was too late for me to realize na napapabayaan ko na ang mag ina ko dahil sa pagkahumaling ko sa kanya.. Until my wife suffered from heart attack and she died. Troy put the blame on me, I accepted it coz it's true....Umalis sa bahay ang anak ko at kinalimutan niya ako dahil sa galit niya sakin..Kaya iniba niya ang pangalan ko because he wants to hide from me...And maybe para makalimot sa sakit ng pagkawala ng nanay niya".
"H-hindi ko po alam yan..".
"That's the reason behind his story...My son suffered a lot,at ngayon ay wala na akong ibang hihilingin kundi ang kaligayahan niya...Masaya ako na nakatagpo ang anak ko ng isang babae na kagaya mo...Kagaya ng kanyang ina..".naluluhang wika ng matanda sa kanya.
"Uhhhhmmmmmmmmm....".mahinang ungol ni Caleb habang dahan dahan nitong idinidilat ang mata nito.
"Sir!! Gising na si Caleb!".tarantang wika niya sa matanda mg makita ang bahagyang pagkilos ng asawa.
Maging si Gab na kalong kalong ang anak nila ay napalapit na rin ng makitang dumilat ang bayaw.
"Anak..Are you okay? Kumusta ang pakiramdam mo??".alalang tanung ni Roman sa anak.
"D-dad...".ani Troy sabay ngiti sa ama.
"Andito ang mag ina mo anak..".naluluhang wika ni Roman sa anak sabay hila ng marahan kay Almera para makita ito ni Troy.
"Madam baby ko...".lumuluhang bulong ni Troy ng muling masilayan ang mukha ng babaeng pinakamamahal.
"Andito din ang anak natin..".ani Almera sabay kuha ng sanggol kay Gab at agad na ipinakita sa asawa.
"Baby Caleb....Meet your daddy Troy...".mahinang anas ni Almera habang dahan dahang inilalapag ang natutulong nilang anak sa bisig ng ama nito.
"Hello anak...".mahina ngunit madamdaming wika ni Troy pagkakita sa kanyang supling.
Maging si Gab ay napapaluha na rin sa makabagbag damdaming eksena na iyon. Alam niya na magiging maayos na ang lahat lalo na ngayong okay na si Caleb.
''Kaya bilisan mo na ang pagpapagaling anak ng makalabas ka na dito sa ospital....Aba nangako ka sakin na pakakasalan mo na itong si Almera..".biro ni Roman sa anak.
"Dad naman....Inuunahan mo ako sa diskarte ko eh...".ani Troy.
"Joke lang anak...Pero sana totoo mo ng pangalan ang gamitin mo...Kasi aattend din ako..hahahahaha!!!!.".
"Syempre naman Dad...".ani Troy sabay titig sa mga mata ni Almera.
"I love you Madam baby...".mahinang wika ni Troy sa asawa na noon ay buong pagmamahal na nakatitig sa kanya.
"I love you too...".sagot niya sa asawa sabay haplos sa gwapong mukha nito.
***
Simula ng magising si Troy ay mas napadali ang recovery nito dahil sa walang sawang pagdalaw ni Almera sa kanya. Hindi na niya pinoproblema ang restaurant dahil napakagaling na chef ni Gerard at sulit na sulit ang mga costumer sa mga menu nila.
"Hi Caleb, I'm back....errrrrrrr- Troy pala...From now on Troy na itatawag ko sayo..Nasan na si Caleb?".ani Almera pagkapasok na pagkapasok niya pa lang sa kwarto ng asawa. Kinailangan niya kasing lumabas para bilhan ito ng gamot kaya iniwanan niya muna saglit ang mag ama.
"Nasa crib.. Kunin mo nga at kanina pa yun naiyak..".simpleng sagot nito.
"Ha?! Di mo ba napatahan??".tarantang sagot niya habang nagmamadaling pinuntahan ang anak ngunit mahimbing itong natutulog.
Maya maya pa ay unti unti ng namumuo ang luha sa kanyang mata ng mabasa niya ang nakasulat na letra sa kumot ng anak niya.
"Will you marry my Dad, Mommy?".mahinang usal niya sabay tingin kay Troy na ngiting ngiti habang nakatitig sa kanya.
"Will you Mommy??".ulit ni Troy habang inilalabas ang singsing mula sa bulsa ng hospital gown nito.
"Are you serious??".naiiyak niyang tanung sa asawa.
"Yeah...And this time, It's for real..".ani Troy sabay lapit sa kanya ng dahan dahan.
"For the second time around...Will you marry me Madam baby??".madamdaming tanung sa kanya ni Troy.
"Yes!!!! Yes na yes!!!".puno ng kagalakan na sagot niya sa asawa sabay lapit dito at agad na niyakap.
"Aray,aray...dahan dahan....baka madislocate ang mga buto ko..".nakangiwing wika ni Troy sa kanya.
"Ayyyy,sorry po....".nakangiting wika ni Almera bago niya hinalikan sa labi ang nag iisang lalaki na nag mamay ari ng puso niya.
"I love you...".mahinang anas ni Troy sabay yakap sa kanyang asawa.
❤❤❤
BINABASA MO ANG
The Story Of Us(COMPLETED)
RomanceWhirlwind romance that can make you feel the kilig while reading. Warning: May mga scenes na mapapaiyak ka.Enjoy reading!